Chapter 10: NOTHING.....

14 0 0
  • Dedicated kay EJ SC
                                    

Chapter 10: NOTHING…..

            “So far wala namang kakaiba pa rito, ‘no?” – Lauren

            “Yeah. False alarm lang ‘ata iyong report sa’tin.” – Elena

            Nakikinig lang si Thracey sa dalawa. Mukha naman talagang walang gulo simula pa lang. Pero, hindi pa rin sila dapat makampante dahil baka naghahanap lang ang mga ito ng magandang tyempo.

“Thracey, kanina ka pa tinatanong ni Lauren.”

            “Ah, sorry. Ano ba ‘yon?”

            “Tinatanong ko lang kung hanggang kailan ba tayo rito?”

            “Depende ‘yon sa utos sa atin.”

            “Napapansin namin ni Lauren, lagi kang Nakatulala. Ang lalim ng iniisip mo. May problema ka ba?”

            “Ah, wala naman.”

            “Kung may problema ka, sabihin mo lang. Kahit ngayon lang tayo nagkasama sa misyon, magaan ang loob namin sa’yo. Okay lang sa’min kung masyado kang pormal, wala namang masama, eh. Saka parte na rin iyon ng trabaho natin.”

            “Salamat sa inyo.”

            “Naalala ko nga pala, may dumating daw na mga doktor dito kahapon. May medical mission daw dito sa lugar na ’to.”

            “Kasabay pa natin? Saang ospital daw galing?”

            “St. Luke’s daw, eh. Naroon nga iyong iba nating kasamahan, nagbabantay.”

            “Nararating din pala nila ang ganitong lugar.”

            “Oo nga, eh. Tara! Tingnan natin sila at baka may maitulong din tayo.”

            “Sige. Ikaw, Thracey?”

            “Dito na lang muna ako. Gusto ko ring maglakad-lakad.”

            “Bahala ka.”

_____________________________________________________________________________

Thracey:

            Naiwan siya ng dalawang kasama. Marami naman sila roon kaya hindi na siya kailangan pa. Pupunta na lang siya sa may bukal na nakita niya.

            Taga St. Luke’s pala ang mga iyon. Maganda ring napunta sila dito para matulungan iyong residente rito.

            Na-miss na naman niya si Darrell. Kasama niya kasi lagi ito sa mga misyon at lagi silang magkasama. Naupo siya sa may batuhan nang marating ang bukal. She was alert.

            False alarm nga lang kaya ang report sa’min? Wala naman kasing kakaiba dito. Mukha pa ngang payapa ang lugar na ito, eh. Pero, at least, hindi kami masyadong magtatagal kung wala naman talaga ditong gulo.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

            Nalilibang siya sa panonood ng mga ibon nang…..

Ha?! Ano ‘yon?!

Bahagya kasing gumalaw ang mga halaman. She hid herself and look around.

Then…..

Mga batang naghahabulan. Naglalaro pala ang mga ito.

“Magandang araw po.”

            “Magandang araw din.” — The residents speak Tagalog kaya hindi sila nahihirapan sa pakikipag-usap. Mga dayo lang din kasi ang mga ito doon at iyong iba naman ay napunta na sa Maynila kaya natutong managalog.

            “Saan kayo galing?”

            “Doon lang po sa kasukalan. Naglalaro po kami. Kayo po?”

            “Narito lang ako kanina pa kaya narinig ko kayo.”

            “Bakit po kayo nag-iisa?”

            “Abala kasi ang mga kasama ko.”

            “Ah….. sige po, Ate. Uuwi na kami.”

            “Ingat kayo.”

            Buti pa sila, walang masyadong inaalala sa buhay. Nakakainggit.

            Lumalabas ang vulnerable side niya ‘pag nag-iisa. Doon siya nakakatiyak ng malaya. Hindi iniisip ang sasabihin ng iba. Kung kasama niya si Darrell, hindi gano’n ang outlook niya sa buhay. Masaya pa sana siya. Sana…..

_____________________________________________________________________________

Yke:

            Hmmm….. nakakapagod din pala.

            Tapos na sila sa unang araw na panggagamot. Ayos naman ang nangyari at ngayon nga ay nag-unat-unat muna siya ng katawan. Naglakad-lakad din siya.

            Nakakapagtaka lang dahil may mga kakaibang pagkilos ang mga tao rito. Mukhang hindi talaga tagarito ang mga iyon, eh. I wonder who are they….. pero  mukha namang harmless kaya bahala na.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

            “Doc Yke! Saglit lang.”

            “Doc Mel, ikaw pala. May kailangan ka?”

            “Wala naman. Sasama lang ako sa’yo. Maglalakad-lakad din ako, eh. Sabay na tayo.”

            “Sure. Ahm….. tapos na bukas ang panggagamot, anong ibang plano natin?”

            “I’m thinking kung pwede tayong mag-conduct ng seminar dito. Sayang naman kasi kung wala man lang tayong maiwan na aral dito about health.”

            “Great idea. Okay kung makakapag-lecture tayo dito kahit pa’no.”

            “Okay nga iyan. Planuhin na lang natin bukas.”

___________________________

yippee....

read lang po and support...tahnks...

You're Near, Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon