Chapter 11: GOTCHA!!!

39 0 0
                                    

Chapter 11: GOTCHA!!!

            “Mahigit isang linggo na tayo rito at kapansin-pansin naman na walang kakaiba.”

            “Oo nga, Coronel.”

            “Pero hindi pa rin tayo dapat makampante. Alam n’yo naman ang mga rebelled, they search for the right timing.”

            “Tama si Lt. Sarmiento. Kung sakaling wala talaga, we’ll wait for another order. Sa ngayon, magmasid pa rin kayo sa paligid lalo na at may kasama rin tayong doktor dito.”

            “Hanggang kailan po ba sila rito?”

            “Three days ang sabi nila. pangalawang araw na nila ngayon, so, bukas siguro ng hapon ang alis nila. Sige na, go back to your post.”

            “Sir, yes, Sir.”            

            Kanya-kanya na silang balik sa napili nilang pwesto. Natanaw naman ni Thracey ang panggagamot at saglit s’yang nagmasid.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

            “Gwapo ‘yong isang doktor ‘no?” – Lauren

            “Ikaw pala, Lauren. Tinitingnan ko lang kung maayos sila roon.”

            “Sa’n ka ba pupunta n’yan?”

            “Do’n sa may bukal ulit. Maghahanap ng pwedeng makain.”

            “Sige, dito na lang ako. Ingat…..”

            “Salamat.”

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

            Pumunta nga s’ya sa may bukal at naglibot na rin. May natanawan s’yang prutas do’n kaya kinuha na rin niya. Dadalhin niya iyon mamaya pagbalik niya sa mga kasama niya.

            Sa gano’ng pagkakataon, may dala pa rin siyang panlaban kaya anuman ang mangyari, hindi siya dehado. Hindi niya namalayan na malayo na rin pala ang narating niya mula sa bukal. Alam naman niya ang daan pagbalik kaya ayos lang sa kanya.

            Mas masarap pala ang hangin dito.

            Saglit siyang namahinga sa ilalim ng puno. Hindi takot mapag-isa. Malakas ang loob. Pumikit s’ya upang namnamin ang simoy ng hangin…

            Maya-maya…..

            She felt the indifference around the place. She became more alert and hid herself in a tree that no one will notice her.

            Papalapit ang yabag…..

            Tanging maririnig ay ang lagitik ng patpat at dahong natatapakan…..

            At…..

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

You're Near, Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon