Chapter 4: CURIOSITY KILLS.....

28 0 0
                                    

Chapter 4: CURIOSITY KILLS…..

            “Hay salamat. Makakalabas na rin ako.”

            “Bilisan mo na lang, Luis. Tatanghod-tanghod ka pa, eh.”

            “Bakit ba ang sungit mo?”

            “Wala kang pakialam!!!”

            “Halikan kita d’yan, eh.”

            “Subukan mo at nang habambuhay kang matulog. ”

            “Pasalamat ka at kaibigan kita…..”

            “Salamat.” — Sarcastic.

            Sa wakas, makakalabas na ng ospital ang kasama. Kating-kati na ang kamay niya na pumunta sa misyon nila. Nakakatamad ‘pag walang ginagawa, eh.

            “Halika na, Luis.”

            Naglalakad na sila nang…..

            “Wait, Luis.”

            “Doc, kayo pala. May kailangan kayo?”

            “Wala naman. Invite ko lang kayo na mag-snack. Off ko na, so, pwede ba?”

            “Sa’kin pwede kaya lang ‘yon, oh…..” — Turo nito kay Thracey.

            “Luis, kung sasama ka, may magagawa ba ako? Alalahanin mo, ako ang kasama mo at ako ang maghahatid sa’yo.” — May diin niyang sabi.

            “Well the, sasama ako. Halika na, Yke.”

            “S-Sure.”

_____________________________________________________________________________

Thracey:

            Ano kayang nakain ng doktor na ito at nagyaya pang mag-snack? May special treatment sa pasyente? Bawal iyon, ah.

            Sumunod na lang siya sa dalawa na tuloy pa rin ang pagkukwentuhan, parang matagal na itong magkakilala.

            Sa’n kaya kami dadalhin nito? Hmmm….. pamilyar talaga ang mukha niya. Nagkita na ba kami?

            Patuloy sa paghalukay sa isip pero hindi talaga niya maalala.

_____________________________________________________________________________

            “Thracey, tinatanong ka ni Yke kung sa kotse ka na rin niya sasakay? Tulala ka na naman.”

            “May naalala lang ako. Convoy na lang tayo. Ayoko nang balikan pa ang kotse.”

            “Okay.”

Restaurant…..

            “Matagal na ba kayo sa serbisyo?” — Kay Thracey siya nakatingin pero tila wala itong pakialam.

You're Near, Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon