Chapter 16: I'M HOME.....

46 0 0
  • Dedicated kay Carla Odessa Espiritu
                                    

Chapter 16: I’M HOME…..

            ‘Everything is secured. Abort the mission…..’

            Parang ganyan ang nangyari sa assignment nila Thracey sa Leyte. Their work was a success. Napatunayang hindi sa lugar na iyon ang kaguluhan. Ang nakita at nakausap n’yang mga tao or rebelde ay hindi naman talaga s’yang dahilan ng gulo. Magkagayunman, hindi nila pinagkatiwalaan agad kaya umabot sila ng dalawang buwan.

            Everything is fine now.

            And after two months nga, back to the city na naman sila. Sa office muna ang duty nila hangga’t wala pang order na may iba silang assignment. Sa Villamor Airbase muna ang duty niya.

            One month ang ibinigay na pahinga pero one week lang ang gusto niya. Ayaw niyang matengga ng matagal sa bahay kahit papunta-punta rin naman sa office.

            Ang una niyang ginawa pagdating sa bahay ay ang tawagan si Nica at ang Yaya niya. Na-miss niya ang mga ito…..

            “Hello, Yaya. Kumusta po d’yan?”

            (Thracey? Naku, bata ka, ang tagal mong hindi tumawag, ah.)

            “Yaya, nasa assignment ako no’n. Alam n’yo ‘yon, di ba? Two months din kami do’n.”

            (Oo nga pala. Maayos ka naman ba? Hindi ka ba nasaktan? Kailan ka uuwi rito?)

            “Isa-isa lang ang tanong, Yaya. Maayos naman po ako at hindi ako nasaktan. Within this week ako uuwi.”

            (Sige, hihintayin ka namin. Oh, si Nica, gusto ka raw makausap.)

            “Sige po.”

            (Hello, big sister. How are you?)

            “Fine. Uuwi ako d’yan, kailangang papuntahin mo na ang boyfriend mo, is that clear?”

            (Oh yeah. How can I forget, eh, bilin mo ‘yon? Hindi ka ba nahirapan sa pinuntahan n’yo, Ate Thracey?)

            “Nope. Very exciting nga, eh. Ikukwento ko sa’yo ang experience ko ‘pag umuwi ako d’yan, okay?”

            (Sabi mo, eh. Kadarating mo lang ba?)

            “Yup.”

            (Sige na. Pahinga ka na, big sister.)

            “Okay. Take care. Bye!”

            (Bye!)

            Nakatawag na s’ya. Masaya na dahil okay naman pala ang mga ito sa Batangas. Doon na sana siya didiretso kaya lang pagod na pagod na siyang mag-drive.

            This is my home! This is my sanctuary! Hay….. na-miss ko ang magmukmok dito. I missed my bed too!

            Saka pabagsak na humiga sa kama. Aba, dalawang buwang hindi nakatikim ng kutson ang likod niya. Hindi naman sa nagrereklamo dahil she’s always prepared kahit anong danasin kung saan man siya naroroon. She was proud of being a soldier.

            Ayoko munang tawagan si Luis, naiinis pa rin ako sa kanya. Hmmm….. parang ayoko rin munang mag-dinner. Matutulog na lang ako.

            She closed her eyes and fall asleep. Mahimbing pa ang tulog. Then…..

            Maliwanag na nang magising s’ya kung hindi pa dahil sa cellphone.

You're Near, Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon