Chapter 7: WE ARE HERE.....

29 0 0
                                    

Chapter 7: WE ARE HERE…..

            “Anak, may problema ba?”

            “Wala po, Yaya.” — She denied.

            “Sa tatlong araw mong pamamalagi rito ay lagi kang nagmumukmok. Narito ka lang sa tabing-dagat at nakatanaw sa malayo. May gumugulo ba sa’yo?”

            “May iniisip lang po akong negosyo na pwede nating idagdag.” — She didn’t tell the truth. Ayaw niyang pati ito ay mamroblema sa kanya.

            “Kilala kita, Thracey, pero kung ayaw mong magsalita, hahayaan na lang muna kita. Kung anuman ang bumabagabag sa’yo, narito lang kami. Pwede mo akong sabihan kung anuman iyan.”

            “Salamat , Yaya. Mamaya nga po pala aalis na rin ako. Babalik na po ako sa Manila.”

            “Hindi ka man lang nagtagal pa ng ilang araw dito? Magtatrabaho ka na naman, hindi mo na naman maalala na umuwi.”

            “Yaya, alam n’yo naman po na ito ang gusto ko, di ba? Dito po ako masaya, eh. Hayaan n’yo po, pagkatapos nito, magbabakasyon po kahit isang buwan pa.”

            “Ano pa nga ba ang magagawa ko? Hala, sige, maiwan na kita. Sumunod ka na rin mamaya.”

            “Sige po.” — Naiwan pa siya roon. Ayaw pa niyang bumalik sa bahay.

            Hayy….. aalis na naman ako. Babalik sa trabaho. Iyon naman ang kaligayahan ko kaya hindi rin ako titigil.

            Hindi s’ya makapagsinungaling sa Yaya niya, alam nito kung may problema siya o wala. Ayaw lang niyang magsabi dahil babalik pa ang masasakit na alaala.

            Tama ng ako na lang ang makadama ng sakit, hindi kailangang mandamay pa sila. Ayokong kaawaan nila ako.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

            “Aalis ka na ba talaga, Ate?” — Si Nica. Paalis na kasi siya noon.

            “Yup, little sister. Ikaw na ang bahala sa business natin.”

            “Hindi ka ba pwedeng magtagal pa rito?”

            “Nica, 24 years old ka na pero kung umasta ka para kang 5 years old na humahabol pa sa’kin.”

            “Eh, kasi naman po, hindi na tayo nakakapag-bonding tulad ng dati at saka nami-miss ko na ‘yong Ate kong sobrang sweet at protective sa’kin…..”

            “Nambola ka pa.” — Close silang dalawa kaya hindi nakapagtatakang ganito ang usapan nila. itinuring niya itong kapatid at gano’n din ito sa kanya. Itinuring niya itong kapatid. Siya na nga ang nagpaaral dito at ipinamahala pa niya ang business na ito rin mismo ang may gusto.

            “Halika na nga lang, ihatid mo ako sa sasakyan.” — Sabay na silang lumabas ng bahay pero bago pa siya umalis….. — “Nica, may boyfriend ka na ba?” — Seryoso siya nang magtanong.

You're Near, Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon