Chapter 20: AWAY FROM HER.....

18 0 0
                                    

tagal ng update kaya bawi ako ngayon..hahaha....

continue reading po...

___________________________________________________________

Chapter 20: AWAY FROM HER…..

            One week after the confession, nagpaalam si Thracey sa kanya. Pupunta daw ito ng Australia para sa schooling nito. Ang tagal din nitong mawawala — 6 months.

(Flashback)

            “Six months mo akong hindi makikita.”

            “Bakit? Saan ka pupunta?”

            “Ahm… Australia. For schooling iyon. Napili ako tapos gusto ko rin naman kaya tutuloy ako.”

            “About saan naman?”

            “Hmmm… Ballistics. About sa iba’t ibang baril, etc.”

            “Di ba, sa lalaki lang dapat iyon?”

            “Oo, pero pwede rin sa babae. Kung gusto mo, eh. Gusto ko kaya I grabbed the opportunity.”

            “Ang tagal mong mawawala….. half a year?”

            “Hindi naman gano’n katagal ang six months. Hmmm….. sa’yo ko ibibigay ang susi ng bahay. Syempre, ikaw ang maglilinis, kahit hindi linis na linis basta maayos lang.”

            “Pwede ka bang ma-contact do’n?”

             Hay! Hindi pa man umaalis, nami-miss ko na s’ya. six months kong hindi man lang masisilayan ang mukha niya.

“Pwede siguro. ‘Yaan mo, ako ang ko-contact dito ‘pag may oras ako.”

            “Mami-miss kita. Kung pwede lang kitang pigilan, pinigilan na kita. Hayy…..”

            “Corny mo, Yke!”

            Six months? Ang tagal masyado, Thracey. Iiwan mo ako. Kaysaklap naman. Ang layo ng Australia at ang layo mo sa’kin…..

(End of flashback)

            Very long ang very deep sigh from Yke! :))

“Ang haba at lalim no’n. Bakit ba?”

            “Hay naku, Russle. Apat na buwan na s’ya do’n, naiinip na ako.”

            “Ah, si Thracey ba? Sus, apat na buwan na pala, eh. Two months na lang at makikita mo na ulit siya. Hintay-hintay lang. Nako-contact mo naman ba?”

            “Yup. Kahapon lang, kausap ko siya. Ang tagal pa ng two months, eh. Gusto ko na siyang makita.”

            “Easy lang, bro. Sa kanya ka na-in love, eh. Dapat sa iba na lang d’yan sa tabi-tabi.”

            “Siya lang ang gusto ko, eh. Ang hirap niyang alisin sa sistema.”

            “Hahaha! Sige, mauna na ako. Pumunta kang Australia para makita mo kahit saglit.”

You're Near, Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon