Chapter 3: Take The Chance.....
Thracey:
Pamilyar ang mukha ng doktor na iyon, ah. Parang nakita ko na s’ya. saka parang kilala rin niya ako. At, bakit kaya gano’n kung tumingin iyon? Hmp….. guni-guni ko lang siguro.
She closed her eyes habang nakasandal sa sofa na naroon. Hindi nakukumpleto ang tulog niya dahil sa pagbabantay. Ayaw naman niyang umalis kahit naroon na ang ipinadalang kasama niya. Pauwi-uwi lang s’ya para maligo at magbihis. Sabagay, konting araw na lang at lalabas na rin naman ang kaibigan niya.
Well, he’s my friend kaya okay lang na magbantay ako rito.
Kaibigan, yes, but reserved pa rin siya. Maraming hindi sinasabi tungkol sa sarili. Iilan lang ang nakakaalam ng buong pagkatao niya. Kaibigan siya pero ang pakikitungo niya, masyadong pormal. Basta gano’n. Kayo na ang humusga.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Yke:
Kaya pala hindi naririnig ang pagkatok ko, nakatulog pala ang magandang bantay.
Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng babae. Ang amo ng mukha nito ‘pag tulog. Kapag tinitingnan niya ito, lalo itong gumaganda. Lumalambot ang ekspresyon ng mukha. Babaeng-babae.
Ang sarap mong titigan. Sexy pala ang mga sundalo o ikaw lang?
Hindi nakasuot ng uniform si Thracey kaya nasabi niya iyon. Alaga sa training kaya maganda ang katawan.
Hayy….. ikaw ang hindi nagpapatulog sa akin, eh. Kakaiba ka kasi sa lahat ng babaeng nakilala ko. ‘Wag ka sanang masyadong suplada at pormal.
Nakalimutan na ni Yke ang talagang sadya sa kwartong iyon. Hindi pasyente ang tinitingnan kundi ang bantay. Hay naku!
_____________________________________________________________________________
“Kung may kailangan ka sa pasyente, hayun s’ya sa kama at nakahiga. Bantay lang ako kaya hindi ako ang dapat mong tingnan.” — Kunot-noong sabi ni Thracey. Nakapikit pa s’ya pero alam niyang kanina pa siya tinitingnan ng doktor. Naidlip s’ya pero naramdaman niya na may ibang taong pumasok sa silid na iyon, hindi na lang niya pinansin dahil pagod s’ya.
“Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?”
“S-Sorry.” — Nag-stammer tuloy ang lalaki. Malay ba naman niya na gising ito.
“Ano pang itinatayo-tayo mo? Hayun ang pasyente, hindi ako!”
“Sige.”
Doktor ba talaga ito?
Suplada!
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
“Doc, hanggang kailan pa po ba ako rito? Naiinip na kasi ako, eh.” – Lt. Castro
BINABASA MO ANG
You're Near, Yet So Far
Teen Fictionmasaktan ka man ng pag-ibig..... pag-ibig pa rin ang gagamot sa'yo...