tagal bago mag-update,,, pasensya na ah....
busy sa school eh... pero ngayon, medyo mapapadalas na....
support nyo lang po and thanks...
____________________________________________________________________________
Chapter 5: FOOLISHNESS!!!
Thracey:
Salamat naman at huli na naming pagkikita ‘yon. Ang yabang kasi, ‘yon ang napala.
Actually, there’s a lot of reason kung bakit s’ya gano’n. ulila na s’ya sa magulang at walang nasandalan kundi dalawang tao at ang sarili lang niya. Dalawang tao lang ang nakasama niya mula nang maulila s’ya. Ang Yaya niya at ang anak nitong si Nica na itinuring na rin niyang kapatid. Maykaya sila pero hindi siya pinalaking mapagmataas pero ang mga tao sa paligid niya, they judged her.
Lahat ng itinuring niyang kaibigan, ang hangad lang ay mapabagsak s’ya. Kinainggitan s’ya dahil sa pagiging achiever n’ya. ang inggit na iyon ang nagtulak para magpakita ang mga ito ng kasamaan sa kanya. She entered military because it was her greatest dream. At sa military, nagamit n’ya ito to hide her emotion.
But the main reason kaya para s’yang galit sa lalaki ay dahil sa mga ito, paulit-ulit na nasaktan ang puso niya. Ilang beses s’yang nagtiwala pero sa huli, s’ya ang talo. Naiwan s’yang luhaan. Kinuha ang mga lalaking iyon ng ibang babae, ambisyon, kawalang-tiwala at ang pinakamasakit ay ng….. kamatayan.
No, ayoko na silang alalahanin. Ayoko na silang iyakan. Crying is an act of being foolish.
Yeah, para sa kanya, ang kahinaan ng loob ay isang kabaliwan. Aapihin ka kung magpapakita ka ng kahinaan. Aapihin, huhusgahan, at tatapakan ang pagkatao.
Maghahanda na ako para ituloy ang trabaho ko. Walang lugar sa buhay ko ang kabaliwang ibinibigay na kahit sino sa mundong ito. Kaya kong mag-isa.
_____________________________________________________________________________
“Nica, kumusta? Okay ba kayo ni Yaya?”
(Yes, Ate Thracey. Buti nakatawag ka.)
“Oo ng, eh. How’s the business?”
(Good. Pati ang mga branches natin, okay din. Punta ka naman dito, miss ka na namin ni Nanay.)
“I’d like to pero busy, eh. Saka na lang, may balak din naman akong mag-leave.”
(After one year na naman ang katuparan ng leave na ‘yan. Magpahinga ka naman.)
“I promise, as soon as matapos ang gagawin ko, magbabakasyon din ako. Ikumusta mo na lang ako kay Yaya, okay? And call me if anything happens.”
(Okay, Ate. Ingat ka.)
“You too. ‘Love you, little sister.”
(Same here. Bye.)
Nica was her Yaya’s daughter. Kapatid na ang turing niya rito dahil sa bahay nila ito lumaki. Wala s’yang kapatid at tanging ang mga ito lang ang pinapasok niya sa buhay n’ya nang mamatay ang mga magulang niya. Ang mga ito lang ang nakasaksi sa lahat ng ups and down ng buhay niya.
Kailangan ko ng pagkakaabalahan para maalis sa isip ko ang pangit na nakaraan. Hindi alam ng ibang tao ang nasa kalooban ko kaya wala silang karapatang saktan ako. Mahirap magtiwala sa iba dahil kahit malapit sa’yo, makakaya ka pa ring saksakin ng talikuran.
Malamig, masungit, mataray, pormal….. that’s her shield for protection. Hindi na rin masisisi dahil sa kanyang mga pinagdaanan.
Ang mga taong nanakit ang dapat sisihin kung bakit ako nagkaganito. Napatawad ko na sila pero lahat ng ginawa nila ay nakaapekto sa buhay ko.
_____________________________________________________________________________
“Ano bang nangyayari sa’yo, Thracey?”
“Wala! Dati na akong ganito, Luis. Huwag mong pakialaman ang ginagawa ko dahil hindi kita pinakikialaman sa gusto mong gawin.”
“Mas maalala ka pa kaysa dati. Buti pa no’ng buhay si Darrell, hindi ka ganyan.”
Bumadha ang sakit sa mukha ni Thracey sa pagkakabanggit sa dati niyang fiancé. Pinuntahan ba siya ni Luis para lang ipaalala ang masakit na pangyayari at para sermunan?
“I’m sorry. I didn’t mean those words…..”
“Oh yeah, you mean it. Ganyan naman kayo, eh, kung ano lang ang nakikita n’yo, hanggang doon lang. Hindi n’ya tinitingnan kung ano ba talaga ang dahilan. Ganito na ako bago pa lang dumating sa buhay ko si Darrell kaya ‘wag ka ng magtaka kung bakit ako ganito. At, Oo, mas lumala ang dating ako dahil wala na akong makitang katulad ni Darrell na nagpahalaga, nagmahal at tumanggap ng buong ako. Ngayon, satisfied ka na ba sa sagot ko?!”
“Thracey, sorry…..”
“Yeah, right! Kung kaya ka narito ay para pagsabihan ako tungkol sa ginawa ko sa kaibigan mo, well, he deserved it. Kung patuloy mo akong sesermunan, kayo ang magsama at ‘wag mo ng pakialaman ang buhay ko. Kaibigan lang kita o kung kaibigan ka nga ba? So, tigilan mo na ang pakikialam sa gusto kong gawin.”
Sigh from Luis. Mali ng ‘ata s’ya.
“Tapos ka na siguro? Aalis na ako at wala akong panahon para makinig sa’yo. Excuse me!” — Iniwan na n’ya ito. bahala na kung ano ang iisipin nito sa kanya. Wala na s’yang pakialam.
_____________________________________________________________________________
Yke:
Hindi niya makalimutan kung pa’no s’ya napahiya. Nagagalit s’ya pero wala sa isip niya ang gumanti. Gusto lang niyang makilala si Thracey ng lubusan at buwagin ang pader o tunawin ang yelong ibinalot nito sa sarili.
Alam kong may dahilan kung bakit s’ya gano’n at ‘yon ang balak kong tuklasin. Wala akong hangad na masama sa kanya. Hope she’ll believe me.
Nababaliw na s’ya sa kaiisip dito at kaiisip ng dahilan kung bakit ito gano’n. Buti na lang, hindi naaapektuhan ang trabaho niya dahil kung hindi….. tuluyan ng nakain ng kabaliwan ang katinuan niya.
Sana may chance pa ulit na makita ko s’ya. gusto ko s’yang maging kaibigan.
Really? Iyon lang ba talaga?
May iba pa bang rason? I think so…..
Whoa! Sa’n ba nanggaling ang gano’ng isipin. Katakot. Nababaliw na nga siguro ako. Okay, skip that in mind.
If you can…..
____________________________________________________________________________
ayan na po.... hope you like it....
BINABASA MO ANG
You're Near, Yet So Far
Teen Fictionmasaktan ka man ng pag-ibig..... pag-ibig pa rin ang gagamot sa'yo...