Chapter 1: FIRST TIME!!!

56 0 2
                                    

'yon oh....nasundan na ang update.....

sensya, tinamad, eh... ngayon nga lang sinipag....

__________________________________________________________________________

Chapter 1: FIRST TIME!!!

(Flashback)

            Wow! A woman in her uniform — military uniform to be exact. In fairness, ang lakas ng dating niya, ah. Hmmm….. sa’n kaya ang costume party nito? Ooppss…..sorry, hospital nga pala ito and bakit ang lungkot ng mukha niya? Lapitan ko kaya.

Yke Rhodnee or Yke (pronounce as AYK), doktor sa ospital na iyon, St. Luke’s. Nagra-round s’ya that time when he saw this girl.

Patuloy siyang naglakad until matapat sa babaeng kanina pa n’ya pinagmamasdan.

Ooppss….. hindi lang pala s’ya malungkot kundi naghihinagpis. She’s crying. Ano kayang problema?

Then…..

“Here, take this. Basa na iyang sa’yo.” – Yke

            “Thanks but no thanks.”

            He shrugged.

Typical military officer, masyadong pormal. I wonder why…..

“Kamag-anak mo ba ‘yong nasa loob? Don’t worry, makakaligtas s’ya. ‘Wag ka ng umiyak, hindi bagay sa’yo, eh.”

            No response. Nakatitig lang sa kawalan habang patuloy ang pag-agos ng luha. He was sure she’s in pain. Nababasa n’ya sa mukha at mga mata nito.“”

            “By the way, I’m Dr. Yke Santillan, you can call me Yke.” — He extended his hand para lang mapahiya. Tiningnan lang kasi nito ang kamay niya at ni hindi man lang nagsalita.

            “Uhurm….. Kung may kailangan ka, ‘wag kang mahiyang humingi ng tulong sa’kin. Kahit naman siguro pa’no may maitutulong ako. Sige, mauna na ako.”

            Sigh…..

            Para akong nakapag-usap sa hangin. Hayy….. isang beses lang nagsalita. Gano’n kaya ang mga sundalo? Masyadong pormal?

            Nilingon n’ya ito and to his surprise, lalo lang itong umiyak. Nakasubsob na ito sa dalawang palad at yumuyugyog ang mga balikat. Mabigat masyado ang problema nito sa buhay. Pero sa kanya, maganda pa rin ito kahit sa gano’ng kalagayan.

            Aalamin ko ang tungkol sa’yo. You intrigued me too much.

(End of flashback)

_____________________________________________________________________________

            Dalawang taon na mula ng mangyari iyon pero para kay Yke, parang kahapon lang. iyong pagkaintriga n’ya noon, tumagal hanggang ngayon. Tuwing madadaan s’ya sa lugar na iyon, lagi niyang naaalala ang tanging babaeng pumukaw sa atensyon niya. Babaeng malakas ang personalidad pero tanging siya lang ang nakasaksi kung pa’no ito masaktan.

“Nasa’n na kaya siya?” – Yke

            “Bro, may sinasabi ka ba?” – Russle (his colleague)

You're Near, Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon