Chapter 8: THE MISSION…..
Natupad ang hiling ni Thracey para sa next mission nila. malayo-layo rin ang pupuntahan. Somewhere in Visayas, particular na sa Leyte. Sila ang na-assign to secure a certain place there. May kaguluhan daw na naghanap doon at kailangan ang tulong ng militar. She felt the excitement and enthusiasm to do her duty and serve her purpose. Agad silang Naghanda at ngayon nga ay paalis na sila.
“This gonna be an exciting but critical one, right, men?”
“Sir, yes, Sir.”
“Good. Let’s do our best to solve this, okay?”
“Sir, yes, Sir.”
Buti na lang hindi pa nakasama si Luis, walang mangungulit sa’kin. Mainam na rin iyon. At isa pa, pansamantala akong makakalimot sa mga bagay na naaalala ko rito sa Maynila. — Iyan ang nasa isip ni Thracey.
_____________________________________________________________________________
Mahaba-haba rin ang naging biyahe from Manila to Leyte. Hindi na rin sila nag-aksaya pa ng oras nang makarating sa lugar. Ang nakapagtataka lang, tila gulat na gulat ang mga tao sa pagdating nila. Hindi ba dapat ay alam ng mga ito ang pagdating nila dahil humingi ng tulong sa militar ang namumuno sa mga ito. At kung may kaguluhan do’n, dapat ay sanay na sila sa pagdating ng mga sundalong katulad nila.
Pero iba ang naging interpretasyon ng mga kasama niya. They felt the tension that filled the air but her feeling told her otherwise. Magkagayunman, kailangan pa rin na maging alerto sila sa bawat sandali.
“Men, no need to repeat what will you do. Everything is clear, right?”
“Sir, yes, Sir.”
“Okay, move. Use your senses and be alert.”
“Sir, yes, Sir.”
Kanya-kanya na silang hanap ng pwesto. Liblib ang lugar pero marami ang naninirahan. Sa ganoong pagkakataon, minsan ay nanunuluyan sila sa isang bahay pero iba nag sitwasyon ngayon. Hindi sila kayang i-accommodate ng nakikita nilang bahay kaya kailangan nilang gumawa ng paraan. Kanya-kanya silang tayo ng masisilungan. Sanay naman sila sa mga ganitong pagkakataon. Walang lugar ang kaartehan sa kanila.
Pinili ni Thracey ang lugar kung saan may kalayuan ng kaunti sa mga kasamahan. Mas gusto niya iyon. Madali pa rin naman s’yang makikita ng mga ito. Isa pa, may sumama rin sa kanya, dalawang babae. Ayos lang naman iyon sa kanya dahil mukha namang mababait ang mga ito at hindi rin makwento. Nakilala na niya ang mga ito, si Lauren at Elena. Noon lang niya nakasama ang mga ito kaya hindi niya ito nakilala.
“Magpahinga na tayo. Magandang gabi sa’yo, Elena at Thracey.”
“Sa’yo rin, Lauren.”
_____________________________________________________________________________
Yke:
Nice! Makalalanghap ako ng ibang hangin. Makakalabas na rin ako ng Manila.
Iyon ang nasa isip niya nang lumabas mula sa opisina ng director. Isa s’ya sa makakasama sa Medical Mission na gagawin ng St. Luke’s. Matagal-tagal na rin mula ng huli s’yang maipadala kaya natuwa siya sa balita.
Three days after ang alis. Maiaayos ko pa ang mga maiwan ko rito. Para na rin akong nagbakasyon kahit trabaho pa rin ang sadya. Minsan lang ito kaya okay na rin. Sana makasundo namin ang mga naninirahan do’n.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Nang umuwi siya, hindi agad sa bahay ang diretso niya. May gusto s’yang puntahan. Gusto lang niyang mangumusta…..
Nang makarating, natuwa pa siya at may nadatnan siyang tao…..
“Yke! Ikaw pala, naligaw ka?”
“Haha! Naalala lang kita. Kumusta ba?”
“Ayos na ako. Pwede na ulit sumabak sa trabaho. Halika, pasok ka.”
“Sure.” — Pumasok na s’ya at nagtaka pa dahil napakalinis para sa tirahan ng isang lalaking katulad ni Luis.
“Nagtataka ka ba dahil nadatnan mong malinis? Kaaalis lang halos ng fiancée ko, nagpunta s’ya at pinaglinis ako. Teka, ano bang gusto mo?”
“Beer na lang kung meron ka.”
“Sige. Feel at home.”
May dala na nga ito nang bumalik. May kasama pang pulutan.
“Swerte ka sa fiancée mo, ano?”
“Sinabi mo pa. Kaya nga kahit may mga pagkakataon na magloko ako, eh, hindi ko magawa. Mahirap na siyang pakawalan, eh. Kabaligtaran iyon ni Thracey. Hahaha!”
Thracey!
“Ga’no na kayo katagal?”
“Lagpas ng isang taon. Ikaw ba, walang girlfriend?”
“Walang magkamali, eh.”
“Haha! Choosy ka siguro?”
“No.”
Natahimik sila then…..
“Hindi naman siguro ako ang ipinunta mo rito, di ba?”
Nagulat si Yke sa sinabing iyon ni Luis. Gano’n ba siya kadaling basahin?
“Uhurm….. kumusta na nga pala si Thracey?”
Sabi ko na nga ba, eh. – Luis
“Hindi ko s’ya nakita ulit. Balita ko may misyon s’yang sinamahan ngayon. Sa Leyte ‘ata ‘yon. Pinapatay niya ang cellphone ‘pag tumatawag ako.”
“Gano’n ba? Galit pa rin sa’yo.”
“Oo, eh. Bakit mo nga pala naitanong?” — Hinuhuli lang nito si Yke kaya naitanong ang gano’n.
“W-wala, wala.”
Natawa naman ito sa sagot niya at….. “Tinamaan ka ba sa kanya?”
“Ha?!”
Iba nag naaamoy ko sa’yo, Yke. Well, bahala ka. ‘Wag kang mag-alala, Darrell, hindi mapapahamak si Thracey. May dagdag misyon sa buhay itong si Yke.
Mission, ha?!
___________________________________________________________________
ayan na....medyo magtatagal ulit mag-upload...hahaha...
BINABASA MO ANG
You're Near, Yet So Far
Novela Juvenilmasaktan ka man ng pag-ibig..... pag-ibig pa rin ang gagamot sa'yo...