Chapter 18: OKAY, WE’RE FRIENDS…..
(Flashback)
“Kanina ka pa walang kibo, may gumugulo ba sa’yo?”
“Yaya, sa tingin n’yo po ba, isinasarado ko ang sarili ko sa iba?”
“Bakit ganyan ang tanong mo? Halika nga rito.”
She came nearer at humiga pa sa sofa. Nakaunan ang ulo niya sa lap ng Yaya niya. Iyon ang paborito niyang posisyon kapag naglalambing siya.
“Thracey, sasabihin ko sa’yo, nagbago ka na. Hindi na ikaw ang Thracey na inalagaan ko no’ng bata ka pa. ‘Pag kaharap ka namin, masaya ka pero ang mata mo, iba ang sinasabi. Itinatago mo ang totoong nararamdaman mo at gusto mong sarilinin kung anuman ang nararamdaman mo.”
“That’s why I’m being cold and too formal? Alam n’yo po ang pinagdaanan ko, Yaya. Masisisi n’yo po ba ako? I’m just protecting myself from hurting.”
“Anak, parte ng buhay ang masaktan. Kahit protektahan mo ang sarili mo, masasaktan ka pa rin. Hindi ba’t kapag nasasaktan, lalo kang tatapang? At kung isinasarado mo ang sarili mo, paano mo makikita kung saan ka sasaya? Hayaan mong makapasok ang ibang tao sa sistema mo. Mapapangalagaan mo pa rin naman ang sarili mo mula sa kanila. Magtiwala ka lang sa kakayahan mo. Magtiwala ka sa iba pero lagyan mo ng limitasyon.”
“Paano kong makikita na maaaring pagkatiwalaan ang isang tao?”
“Kilalanin mo s’ya. may mga taong kahit ipagtabuyan mo, babalik at babalik pa rin sa’yo. Kapag gano’n, pwede mo siyang pagkatiwalaan lalo na kung nababasa mo na sincere s’ya.”
“Yaya, pwede ring maging sincere ang taong may masamang intensyon.”
“Maaari pero malalaman mo pa rin sa kilos at pananalita nila kung ano ang nararamdaman nila. lalabas at lalabas ang tunay nilang kulay kahit ano pang gawin nilang pagtatago. Magtiwala ka sa sarili mo….. matalino ka….. sundalo ka….. makakaya mong basahin ang tao ayon sa kilos at pananalita niya kung totoo o hindi ang pagkatao n’ya.”
“Salamat, Yaya…..”
(End of flashback)
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Tama si Yaya. Iyon nga siguro ang dapat kong gawin.
She was driving habang inaalala ang pag-uusap nila. Pauwi na siya ng Manila — sa bahay niya after two days of staying in Batangas. Medyo naliwanagan na s’ya. Napag-isipan na rin niya ang mga sinabi ng Yaya n’ya at naniniwala s’ya rito.
Kung si Yke ang taong maaaring pagkatiwalaan, nakikita ko ang katapatan niya. At Oo, katulad siya ni Darrell. No, hindi sila magkatulad, they were two different people. Nagkataon lang na pareho sila ng pakikitungo sa akin.
Naisip rin niya, hindi kasalanan ni Darrell na masaktan siya — kaya hindi rin niya dapat isara ang sarili niya para sa iba. Nasaktan s’ya pero natuto na ulit s’ya. bago si Darrell, naging Malamig at pormal din siya pero natuto s’yang muling magtiwala. Ngayong wala na si Darrell, hindi naman iyon ang naging katapusan para sa kanya.
Oo, tama. Pero ngayon, alam ko na kung hanggang saan lang ako. Alam ko na ang limitasyon ko.
Marami p s’yang naisip hanggang sa makarating na s’ya sa bahay…..
BINABASA MO ANG
You're Near, Yet So Far
Fiksi Remajamasaktan ka man ng pag-ibig..... pag-ibig pa rin ang gagamot sa'yo...