whoa...... i'm back again... dami ginawa eh... may performance pang pinagkaabalahan....
pero sunud-sunod na ulit yan....
promise...
______________________________________________________
Chapter 15: I SHALL RETURN…..
Kumusta na kaya s’ya? One week na rin ako sa Manila, bukas papasok na ako sa ospital pero parang ayoko pa. okay naman daw siya sabi sa main office nila kaya lang hindi pa rin ako mapakali.
He was in his room that time. as usual, iniisip na naman niya si Thracey. Kahit nagsusungit ito, ayos lang sa kanya basta nakikita niya ito. Alam niya, may mabigat itong pinagdaraanan kaya gano’n na lang ang pakikitungo nito sa iba.
Bago ako umalis, sabi ko babalik ako. Ngayon ko na kaya gawin iyon. Babalik na lang ako do’n.
Like McArthur said….. I shall return…..
Pwede?
Then…..
Naligo, nagbihis, nagdala ng damit, gamit sa panggagamot saka umalis. Dadaan muna siya sa ospital para mag-file ng leave for one week ulit. Naman?! Excited much!!! Gustung-gustong makita si Thracey. Hanggang kailan ide-deny ang…..
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Buti na lang pinayagan ang leave ko.
Nakapagpaalam na s’ya at ‘yon nga, positive ang resulta.
“Nagmamadali ka ‘ata, Yke? Sa’n ang punta?” – Russle
“Sa Leyte. Nag-file lang ako ng one week leave.”
“Leyte?! Ang layo naman, sinong pupuntahan mo do’n?”
“Si ——”
“Si Thracey, Russle. Iyong sundalong babae na ginamot ni Yke.”
“Hay naku, Mel! D’yan na nga kayo!”
“Ikumusta mo lang ako sa kanya.”
“Yeah, I will.”
Naman, napakadaldal talaga. Gusto yata buong Pilipinas ang makaalam. Bahala na sila, nabuking na rin naman ako, eh. Wala ng magagawa pa.
Eh, totoo naman kasi, hindi na kailangang itago pa. Iyon din ang kapupuntahan, eh.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Madilim na rin nang makarating s’ya sa eksaktong lugar kung saan naroon si Thracey. Marami pa s’yang inayos bago nakabiyahe pero sulit naman kasi makikita na naman n’ya si Thracey.
Asus! Di lumabas din! Ooppss….. ‘Wag ng magkaila. Buking na!!!
Okay fine!
“Oh, Doc, kayo pala. Nag-iisa lang po kayo?”
“Oo, Tatang. Dadalawin ko lang si Thracey. Nariyan pa po ba sila?”
“Oo, Oo. Halika, sasamahan na kita.”
“Salamat po.” — Sinamahan nga s’ya nito papunta sa kinaroroonan ni Thracey. Nagkakasayahan ang mga ito. Nagulat pa nang makita s’ya. nakakagulat naman talaga kasi bigla na lang s’yang sumulpot.
BINABASA MO ANG
You're Near, Yet So Far
Teen Fictionmasaktan ka man ng pag-ibig..... pag-ibig pa rin ang gagamot sa'yo...