Chapter 26: HIDE AND SEEK...

15 0 0
                                    

Chapter 26: HIDE AND SEEK…..

Yke,

            Aalis muna ako. I need to do this dahil naguguluhan na rin ako sa sarili ko. Sabi mo, ito ‘yong kinatatakutan mo — ang lumayo ako. I’m sorry but this won’t be long. You are important to me kaya ‘wag mong isiping balewala ka. I know, it’s unfair to you, natatakot ako pero ikaw, hindi ka natakot na sabihin kung anong gusto mo. you don’t deserve me, hanapin mo iyong taong mas karapat-dapat sa’yo. ‘wag ako. Masasaktan ka lang at ayokong ako ang maging dahilan. Hindi naman ako magtatagal. Babalik ako at handa nang makipag-usap sa’yo. Sa ngayon, kailangan ko ring hanapin ang talagang gusto ko. Make yourself happy kahit wala ko. Thanks for everything and I’m so sorry. See you soon!

Thracey

            Kailan ang SOON na ‘yan, Thracey? Kailan?

            Two weeks na mula ng umalis ito. natapos na rin ang hiningi niyang leave sa ospital pero hindi pa rin ito bumabalik. Ni walang nakakaalam kung saan ito nagpunta at kung kailan babalik. Tumatawag nga ito kay Nica pero wala man lang nababanggit kung nasaan talaga ito.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

(Flashback)

            “Nakausap ko ulit si Ate Thracey kaya ako na ang nagpunta rito sa Manila to talk to you. Isinaboy ko na ang pag-aasikaso sa business namin. Kinukumusta ka niya and she said that we don’t have to worry about her. she’s safe but she really never talk to her whereabout.”

            “Kahit safe s’ya, Nica, hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala. Gusto kong ako ang humanap sa kanya at ——”

            “Iyon pa nga ang sinabi niya, Kuya….. ‘wag mo raw siyang hahanapin. Babalik naman daw siya. Lalo raw siyang magagalit sa sarili niya ‘pag napabayaan mo ang trabaho mo o ang sarili mo. take care daw.”

            “Bakit hindi niya ako kino-contact? Bakit puro ikaw?”

            “Hindi ko rin nga po alam. Tinatanong ko siya pero wala siyang sinasabing dahilan.”

(End of flashback)

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

            “Hello, Luis. Si Yke ‘to.”

            (Oh, Yke, Napatawag ka?)

            “Nagbabakasakali lang ako kung may alam kang pwedeng puntahan ni Thracey. Baka may nabanggit siya sa’yo.”

            (Wala akong alam kung saan siya pwedeng magpunta. Bakit? Hide and seek ba ang drama n’yo ngayon?)

            “Baka naman may alam ka? Please naman, oh, sabihin mo sa akin.”

            (Wala talaga, eh. Hayaan mo, ipagtatanong ko rin.)

            “Sige, salamat.”

            Saan nga ba maaaring magpunta si Thracey?

            Hindi man lang ito tumatawag sa kanya. Ano ‘yon? Nilalayuan na talaga siya?

            Ito ba ang ibig sabihin ng mga panaginip niya….. na mawawala ito sa kanya pero sinabi naman nitong babalik rin ito.

            Kailan?

            Thracey, sabihin mo naman kung nasaan ka. nahihirapan na kasi ako.

            Hindi naman kailangang magtago pa, eh.

            Handa naman akong palayain ka na lang kung iyon ang magpapatahimik sa’yo at kung iyon ang gusto mong gawin ko.

_____________________________________________________________________________

            “Oh, Yke! Hindi dapat! You don’t deserve someone like me. Maraming iba d’yan. Iyon na lang.”

            Hindi! Kung hindi rin lang si Thracey, hindi na lang siya magmamahal pa. ito lang ang kaisa-isang babaeng mamahalin niya. ang katulad nito ang hinahanap n’ya kaya ito lang ang nararapat.

            Kahit anong sabihin mo, hindi kita kayang palitan sa puso ko. You owned my heart since the first time I met you.

            “Yke…… please….. ‘wag na lang ako.”

           Kung hindi di Thracey, sino ang dapat?

            “Yke…… please….. ‘wag na lang ako. You don’t deserve me, hindi ako ang nararapat sa’yo. Masasaktan lang kita. You are the greatest friend I ever had, so, I don’t want to hurt you. Mag-isip ka, Yke, friendship lang ang kaya kong ibigay, sana maintindihan mo.”

            Deserving?! Ikaw na nga ang pinili ko! Mahal kita! Iyon lang ang mahalaga! Wala na akong dapat pang pag-isipan dahil simula pa lang, ikaw na ang gusto ko, ikaw na ang mahal ko.

            THRACEY!!!!! MAHAL KITA!!!!!

            Why is it easy to fall in love yet so hard to be loved back? Why should I feel such if destiny permits me not? Why do I have to fall in love if it’s YOU, I can’t have? Why is there YOU and ME but never an US?

            Please, come back home, Thracey…… I missed you…… I love you…

_____________________________________________________________________________

ending na ba sa susunod?

kailangan ko pa bang pahabain?

ang hirap mag-isip...

gusto ko ma-drama.... pero parang may gusto akong gawin para hintayin n-yo pa ang iba kong gagawing story....

pero ang bottom line, suportahan n'yo lang po ang mga gawa ko...

SALAMAT...

You're Near, Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon