Chapter 13: ACCIDENT!!!

51 0 0
                                    

Chapter 13: ACCIDENT!!!

            Aaahhh!!! Bwisit!!! Peste ka sa buhay ko!!!

            She was really mad. Inilabas na naman ang lahat ng emosyon. Nag-iisa kasi. Napagdiskitahan ang mga halamang walang kalaban-laban. Naglakad ng naglakad. Hindi niya ma-appreciate ang kagandahan ng lugar.

            Pakialamero kasi ito. Hindi nadadala sa kasungitan niya at iyon ang ikinaiinis at ikinagagalit niya. Ilang beses na ba itong napahiya, pero wala pa rin. Si Yke ang tinutukoy niya!

            Bwisit!!! Peste ka sa buhay ko!!!

            Galit na galit s’ya. she cried because of that anger. Kailan ba s’ya umiyak dahil sa sobrang galit? Matagal na. umiiyak siya dati dahil sa pangungulila pero hindi dahil sa galit. Ngayon lang ulit iyon nangyari.

            Aaahhh!!!                                

            Umupo s’ya at sumandal sa isang puno. Doon umiyak nang umiyak. Hindi n’ya alam na ang paghikbi niya ay lutang na lutang sa ilalim ng katahimikang bumabalot sa lugar na iyon. Patuloy lang ang pagluha niya hanggang sa pumayapa rin ang kanyang kalooban. Hindi muna siya umalis sa lugar na iyon.

            Darrell, bakit ganito ang mga tao ngayon? Sana narito ka pa para maalagaan mo ako. But you’re not capable of fulfilling your promises to me. Kagaya ka rin nila, sinaktan mo rin ako.

            Kapag gano’ng nag-iisa, do’n lang niya nailalabas ang totoong siya. She’s vulnerable inside. A type of woman a man would lend his hand to care pero walang nangahas na kilalanin siya bago husgahan except for Darrell…..

            Para na rin s’yang namatay nang mawala ito, idagdag pang s’ya ang naging dahilan. Namatay ito dahil sa pagprotekta sa kanya.

            Sana ako na lang ang nawala. Sana pareho tayong nawala para magkasama pa rin tayo.

            Nagtagal pa siya sa pagkakaupo sa lugar na iyon….. At least doon, walang gugulo sa kanya…..

            But then…..

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

            Shit!!! Umiikot ang paningin ko! Kailangan ko ng bumalik.

Tumayo siya kahit nahihilo pa. kaya pa naman niya. Hindi na siya dapat gumawa pa ng ikapoproblema ng mga kasama. Kumakapit siya sa mga puno para makalakad. But…..

“Ouch!”

Hindi niya napansin ang isang batong nakaharang. Napatid siya at natusok pa ng tuod ang binti niya. Doble-dobleng kamalasan. Malalim ang naging pagbaon kaya hindi siya agad nakatayo. At nang tingnan niya….. it was bleeding at tila kaylakas pa ng pagdaloy.

            “Good God! Ang sakit!”

            Kahit nahihilo, ginawan niya ng paraan para gamutin ang sarili. May nakita s’yang panyo na dala at siyang ipinantali roon. Sinimulan niyang maglakad ulit. Mahirap. Masakit itukod ang isa niyang paa. She was sweating! And it hurts like hell!!! Huminto siya at tiningnan ang sugat. Hindi huminto ang pagdugo, lalo pa ngang lumakas. Makirot!!!

You're Near, Yet So FarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon