"Ingat ka lang sa pagbaba!" Narinig kong sigaw ni Stan habang pababa ako sa hagdanan.
Hindi pa naman masyadong malaki ang tiyan ko pero mahahalata na buntis na ako.
"Over acting lang?" Natatawa kong sabi. Lalo pa akong natawa ng makita ko syang naka apron at nagluluto. "Anong niluluto mo?"
"Pancit." Nagningning ang mata ko sa sinabi nya.
It's been a month simula ng ibalita namin sa lahat ang pagdadalang tao ko. And they we're all happy for us.
"Matatapos na ba? Natakam ako." Sabi ko sabay upo.
"Malapit na." Sagot nya.
Paghain nya sa akin ng pancit ay kaagad akong sumandok at nilagyan ng 'yun ng suka. Ang sarap talaga!
"Gusto sana kitang samahan dito maghapon kaso kailangan kong bumalik sa office." Sabi nya habang nagtatanggal ng apron.
"I can handle myself. Tatawagan ko na lang sila kuya kapag may kailangan ko." Simula kasi ng sinabi ko sa kanilang buntis ako ay kaagad nilang sinabi na kapag may kailangan ako ay tawagan ko lang sila.
"It's good to hear. Maliligo lang ako saglit." Isang halik ang binigay nya sa akin bago naglakad papunta sa kwarto namin.
Ang sarap pala ng buhay ng buntis. I texted kuya Alfred to bring pizza and chocolate juice, I'm craving for foods!
Maya-maya lang ay umalis na si Stan at sakto naman na dumating si Kuya Alfred.
"Kuya ang tagal mo." Napanguso pa ako. Kanina ko pa kasi sya hinihintay.
"I'm sorry princess. May dinaanan pa kasi ako. Here's the pizza and the chocolate juice." Laking ngiti ang salubong ko sa pag abot nya sa akin ng pagkain.
"Salamat kuya." Agad akong umupo sa sala at sinimulan ng lantakan ang pizza.
"Hinay-hinay lang Alex. Hindi naman kita aagawan eh."
"Ang sarap kasi." Ahh~ Ang sarap talaga ng pizza.
"Tataba ka nyan." Napatigil ako sa pagnguya sa sinabi nya.
Tataba ako?
"Hayaan mo na." Baliwala kong sagot at tinuloy ang pagkain.
"Bahala ka." Natatawang sabi ni Kuya.
(Kring Kring) Sinenyasan ko si Kuya na sagutin muna ang phone ko.
"Yes. Nandito si Alex, ang takaw kumain ng pizza.. Yeah, sinabi ko nga sa kanya na baka tumaba sya.. Oo, sige.." Putol-putol na sabi ni kuya bago iabot sa akin ang phone. "Si Georgia."
"Hmmn?" Sabi ko sa phone.
"Babaita ka! Wag kang masyadong kumain! Mahihirapan ka nyang manganak."
"Magdadiet na po! Ngayon lang naman." Pagdadahilan ko.
"Siguraduhin mo lang Alex. Oo nga pala, bisitahin natin si Amanda sa bahay nila."
"Sure, sunduin mo ako."
"Bakit? Wala ka na bang sasakyan?"
"Meron. Kaso hindi na ako pinayagan ni Stan umalis mag-isa. Dala nya susi ng kotse ko para daw wala akong takas." Napalingon ako kay Kuya at tinatawanan lang ako nito. Sinimangutan ko lang sya.
"Over protective lang ang peg?" Pati si Georgia ay natatawa na rin.
"Ano? Pagtatawanan nyo lang ba ako dito?" Pagmamaktol ko.
"Haha! Sorry na, sorry na. Sige susunduin kita dyan. Babye." Agad kong binaba ang phone at pinagpatuloy ang pagkain.
"Saan ang lakad nyo?" Biglang tanong ni kuya.
"Kila Amanda."
"Nga pala, bakit pala nagresign si Erick?" Napalingon ako sa sinabi ni kuya.
Si Erick ang trusted secretary ng asawa ko.
"Resign? Sabi ni Stan nagleave lang daw si Erick dahil nahospital ang anak nya." Paglilinaw ko.
"Galing ako sa office nya kanina, at hanep yung bago nyang secretary! Kulang na lang makita na ang kaluluwa sa iksi ng suot." Natatawang sabi ni Kuya.
Bigla akong natigil sa pagkain.
"Babae ang bago nyang secretary?"
"Oo. Hindi mo alam?" Ngumiti pa talaga sya ng nakakaloko.
"Walang sinabi si Stan." Sagot ko.
"Naku Princess. Nahuhuli ka sa balita. Sige mauna na ako." Sabi ni Kuya at tumatawa pa bago lumabas ng bahay.
Bakit hindi nasabi sa akin 'to ni Stan.
Napagdesisyunan kong dumaan muna sa office nya.
Inayos ko muna ang buhok ko bago buksan ang pinto. Nakakapagtaka lang at wala ang secretary nya.
"Stan--" Napatigil ako sa ere sa nakita ko.
"A-Alex." Agad na napatayo si Stan.
BINABASA MO ANG
My Brutal Wife 2
ChickLitPanibagong pagsubok, paghihirap sa buhay nina Stanley at Alexandra Martin. 01/31/2017 Highest Rank #62 in Chicklet