Stan's POVNapaupo na lang ako sa sofa at napahilamos sa mukha.
Tama ba ang ginawa ko kay Stella? Oo tama 'yun!
Umakyat na rin ako sa taas.
"Alex babe?" Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto.
Nakita ko syang nakatalukbong ng kumot.
"Babe." Tawag ko ulit sa kanya.
"Pagod ako Stan." Sagot nya at tumagilid ng higa.
Nahiga na lang ako sa tabi nya.
I take a deep breath. Bakit parang nakokonsensya ako? Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko, dapat masaya ako.
Dapat masaya ako. Dapat masaya ako sa kinahinatnan nya.
------
Alex's POV
Sunday morning.
Agad akong bumangon para mag ayos at magluto.
"Alex."
Binitawan ko ang hawak na sandok at humarap kay Stanley.
"Aalis ka?" Nakapang alis kasi sya. Formal pa.
"Yeah. Uhm, may meeting lang." Sagot nya habang inaayos ang kwelyo nya.
"Meeting? Sunday? Wala ba sa bukabolaryo ng kameeting po ang salitang Sunday?" Grabe naman kasi, wala manlang pahinga.
"It's an important matter Alex, I need to go."
"Wait! Hindi ka manlang ba kakain? Ipaghahain na kita." Lalabas na kasi sya.
"I have to go. Bye." Yun lang at tuluyan na syang lumabas ng bahay.
Wala manlang kiss?
-----
"Hay naku! Panigurado may babae yan!" Napatingin ako ng masama may Georgia.
Nakipagkita ako kila Georgia para naman makapag usap kami.
"Salamat sa idea, George ah?" Sarkastikong sabi ko.
"Seryoso! Isipin mo, bakit sya biglang magiging cold kung wala syang ibang kinalolokohan?" Dagdag pa nya.
"Wow ah! Alam na alam? Ganyan ba si John?" Pang asar naman ni Amanda.
"Aba subukan nya lang! Kundi tapos ang maliligayang araw nya!" Natawa na lang ako kay George.
"Baka naman may pinagdadaanan lang si Stanley." Napatingin ako kay Amanda.
"Ano naman?" Sabi ni Georgia.
"Wala ka bang napapansin?" Sabi naman ni Amanda.
"I don't know. Wala naman syang naging problema." Napapaisip talaga ako.
"You should visit him in the office." Seriously Georgia?
"Manghuhuli? Ganun ba?" Natatawang sabi ni Amanda.
"Who knows?"
Hindi ako napakali sa mga pinag usapan namin kung kaya't pumunta talaga ako sa opisina.
"Good afternoon po Ma'am!" Bati sa akin ng guard.
"Good afternoon din po." Ganti kong bati.
Dumiretso na ako sa opisina nya.
"How many times do I have to tell you na 'wag mong tatanggapin yun?!" Napatigil ako sa paghawak sa pinto dahil sa narinig ko.
"What? Gusto kong tumulong sa kanila!" Sagot nung isa. Wait-- pamilyar sa akin yung boses na yun ah?
"Misa naman!" Sigaw ni Stan.
Sabi na nga ba!
Hindi na ako kumatok, agad kong binuksan ng pagkalakas-lakas ang pinto.
"What the hell are you doing here btch?!" Hindi ko mapigilang sumigaw.
"A-Alex.. Babe, calm down." Agad na lumapit sa akin si Stan.
"Don't! What are you doing here?" Singhal ko ulit.
"I-I'm working here." Nauutal na sabi nya.
"What?!" Tinignan ko ng masama si Stanley.
"Mauna na ako Stan." Sabi ni Misa at agad na lumabas.
"Babe." Akmang lalapit na sa akin si Stan.
"Don't come near me at baka masapak kita! Bakit hindi mo sinabi na dito sya nagtatrabaho?" Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.
"Babe, hindi na naman importante yun eh." Katwiran nya.
"Stanley! Naisip mo ba yung ginawa nya sa atin dati? Ganun na lang ba kadali yun para sayo?" Hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi ng unggoy na kaharap ko.
"Nagbago na sya, for the better."
"Yeah, for the better." Saka ako lumabas.
-----------
"Babe! Babe naman!" Tawag ng tawag sa akin si Stan, pero hindi ko sya pinapansin.
"Kaya pala Stanley! Kaya pala!" Humarap ako sa kanya at sumigaw.
"A-Anong kaya pala?"
"Kaya pala hindi ka na kumain kanina sa bahay! Kaya pala wala manlang goodbye kiss nung umalis ka!" Agad akong napatakip sa bibig ko ng mapansin kong marami na ang nanunuod sa amin.
Nakita ko si Stanley na halos mapunit na ang mukha sa kakangiti, dahan-dahan syang lumapit sa akin.
Hindi ko na alam kung paano ko itatago ang mukha ko, natutunaw na ako sa mga titig nila.
Nang nasa harap ko na si Stanley, agad ko syang niyakap at itinago ang mukha ko sa dibdib nya.
"Ilabas mo ko dito." Bulong ko.
"What? I can't hear you." Sabi nya na halatang pinipigilan ang tawa.
Tiningala ko sya. "Ilabas mo ko!" Napakagat labi na ako.
"Ok." Sabi nya and he suddenly kiss my lips!
"Ayiee~"
"Ang sweet!"
"All of you, back to work!" Sabi ni Stan na natatawa pa.
Napansin ko tumahimik ang paligid, unti-unti nang nag aalisan ang mga tao.
"Let's go." Inakbayan na ako ni Stanley at hinila palabas.
-----
Maria's Note:
Ano naman masasabi nyo sa Chapter na to? Hehe
BINABASA MO ANG
My Brutal Wife 2
ChickLitPanibagong pagsubok, paghihirap sa buhay nina Stanley at Alexandra Martin. 01/31/2017 Highest Rank #62 in Chicklet