After our honeymoon, we decided to go home because of his work.
I'm now with my friends at my house.
"Alex, ano yan?" Napalingon ako sa tanong ni Georgia.
"Pancit." Simpleng sagot ko.
"Yeah, pancit with suka!" Dagdag ni Amanda.
I'm eating pancit with vinegar, ang sarap!
"Weird mo." Pang aasar ni Georgia.
"Inggit ka lang." Dinilaan ko lang sya.
"Baka buntis sya, meron ako ditong pregnancy test, let's try!" Pang eenngganyo ni Georgia.
Napaisip ako. "Sige."
We waited for a minute or two, and I finally got the result.
"Ano na?" Inip na tanong ni Amanda.
"Three lines!" Seryosong sabi ko.
Nagkatinginan naman sina Amanda at Georgia. "Three lines? Meron ba nun?" Narinig kong bulong ni Amanda.
"Joke!" Sigaw ko. Sumama naman ang tingin nila sa akin. "Two lines! Positive!" Masayang anunsyo ko.
"OMG!!" Hiyaw nila at nagyakapan kami.
"Magiging mommy ka na!" Sigaw ni Georgia.
"Tama! A-Aray!" Biglang napahiwalay si Amanda sa amin.
"Bakit? Naapakan ko ba paa mo?" Tarantang tanong naman ni Georgia.
"H-Hindi. Manganganak na ata ako." Nagulat pa kami ng may tumulong tubig sa pagitan ng binti nya.
"OMG! Pumutok na panubigan mo! Tara na sa hospital, Alex ikaw magdadrive!" Sabi ni Georgia.
Dali-dali kong kinuha ang susi ng kotse. Inalalayan pa namin si Amanda pasakay sa kotse.
"Alex, use your driving skill now." Napangiti ako sa sinabi ni Georgia.
"Kumapit kayo ng mahigpit, papaliparin ko ang kotse." I announced. Dinoble check ko ang seat belt ko, may laman na ang tyan ko kaya kailangan ng todo ingat.
---
"G-Georgia! Ang sakit! Ayoko na!" Angal ni Amanda habang tinutulak ang hinihigaan nyang kama.
"Just take a deep breath Amanda. Hoo~ Hoo~" Pagpapakalma ni Georgia kay Amanda.
Pati ako ay hindi maiwasang masaktan sa nakikita kong kalagayan nya. Sobrang sakit talaga siguro dahil hindi na maipinta ang mukha nya.
"Tinawagan ko na si James, on the way na daw sya." Sabi ko.
"Hanggang dito na lang po kayo ma'am." Pagpipigil sa amin ng nurse.
"Papapasukin namin si James kapag dumating na sya!" Pahabol na sigaw ko.
Naupo kami sa labas ng delivery room. Ilang minuto ang lumipas ng dumating si James.
"Si Amanda?" Tarantang tanong nito.
"Nasa loob na. Pumasok ka na, tulungan mo sya." Sabi ni Georgia.
Dali-dali namang pumasok si James.
Napahawak ako sa tyan ko.
Baka hindi ko kayanin manganak.
Baka mapahamak kaming dalawa.
Bigla akong natakot manganak. Kakayanin ko ba?
"Okay ka lang?" Natigil ako sa pag iisip ng lumapit sa akin si Georgia.
"Para kasing natakot ako. Baka hindi ko kaya."
"Tungkol ba sa panganganak?" Tumango ako sa tanong nya. "Normal lang 'yan. Sulit ang sakit kapag nakita mo na ang baby mo."
Napangiti ako sa sinabi nya. Kaya ko 'to!
Mahigit isang oras ang lumipas bago namin mabisita si Amanda.
Nakahiga na sya ngayon sa hospital bed at talagang nakakaawa ang mukha nya. Maputla sya at medyo nanghihina.
"Kamusta?" Tanong ko.
"Medyo okay, napagod ako." Sagot nya kasabay ng simpleng ngiti.
"Iiwan ka muna namin para makapagpahinga ka. James, ikaw na ang bahala sa kanya." Sabi ni Georgia.
"Sige, salamat. Papunta na rin naman dito sina mommy." Sabi ni James.
Binisita muna namin ang baby nila sa nursery room. Halos kamukha ni James ang baby boy nila, pero ang labi nito ay nagmana kay Amanda.
Naexcite na rin tuloy akong magkababy.
BINABASA MO ANG
My Brutal Wife 2
ChickLitPanibagong pagsubok, paghihirap sa buhay nina Stanley at Alexandra Martin. 01/31/2017 Highest Rank #62 in Chicklet