1

12.4K 171 1
                                    

"Ugh!! Ramirez! Bakit mo ako tinapunan ng kape?" Pagmamaktol ko! Kasi naman naka uniform pa man din ako.

"Hindi ko naman sinasadya! Hindi ko naman alam na kukuha ka rin ng kape eh!"

"Ehh! Nakakainis ka!"

"Wag ka ng magalit! Tara! Ililibre na lang kita ng lunch!" Para pa akong inuuto nito.

"Talaga? Matakaw ako." Binantaan ko na sya.

"Alam ko na 'yun. Tara na."

"Ako mamimili ng pagkakainan natin ah?" Dapat manigurado muna ako.

"Oo na!"

Winner! Yari sa akin 'tong mokong na 'to. Naka duty kasi kami ngayon sa police station, lunch naman kaya okay lang na umalis muna kami. Nung makarating na kami sa parking lot ay pinigilan ko muna syang pumasok sa kotse.

"Dyan ka lang. Magbibihis muna ako."

"Oo na!"

Regalo sa akin 'tong kotse ni Stan. Inartihan ko pa 'yun para lang bigyan ako. Kaya ko namang bumili, eh kung hindi nya ako papayagan mag drive, masasayang lang. Kaya mabuti na yung malalaman nya. Heavilyy tinted naman 'to kaya hindi ako makikita sa loob. Buti na lang lagi akong may dala na extra t-shirt, nagpalit na rin ako ng doll shoes bago ko papasukin si Ramirez.

"Ganda nitong kotse mo ah. Magkano bili mo?" Tanong nya habang naglalagay ng seatbelt.

"Regalo sa akin 'to." I said as I start the engine.

"Hoy! Hoy! Wag mong sabihing nangongotong ka?" Napatingin agad ako sa kanya.

"Seryoso ka ba? Pati kung nangongotong man ako, hindi ko magagawang bumili ng ganitong kotse." Nakakaloka 'tong Ramirez na 'to.

"Edi may balak ka nga?"

"Sira! Gusto mong mabatukan?" Akma ko na syang babatukan nang pinag krus nya ang kamay nya sa ulo nya.

"Naglilihi ka ba? Lagi mo na lang akong binabatukan!" Sigaw nya.

"Baliw ka ba?" Sigaw ko sabay suntok ng mahina sa tyan nya.

"Aray! Sumusobra ka na ah! Dumaan muna tayo sa Life Bank, dadaanan ko yung Ate ko dun, sabay sana kami kakain eh." Tignan mo 'to! Ang kapal talaga ng mukha.

Nung nakarating kami sa Life Bank ay sumama na ako sa loob. Naupo muna kami, naitext nya naman yung Ate nya. Nasa gilid lang kami ng pinto kaya lahat ng papasok at lalabas ay makikita. Maya-maya lang ay may lumapit na sa amin na babae, ito na siguro yung Ate nya, naupo rin sya sa tabi namin.

"Ate hindi kita masasabayan. May date kasi kami." Narinig kong saabi ni Ramirez sabay tingin sa akin.

Pasimple ko syang siniko sa tagiliran nya sabay ngiti sa ate nya. "Hindi po totoo 'yun."

"Ang cute nyo, bagay kayo." Nagulat ako sa sinabi ng Ate nya.

"Marami ng nagsabi nyan sa amin Ate, ito lang kasi si Martin masyadong pakipot." Pagbibiro ni Ramirez.

Pinadilatan ko sya ng mata. Totoo naman ang sinabi nya, may mga tao talagang tinutukso kami sa isa't-isa.

Naagaw ang atensyon ko ng may grupo ng kalalakihan ang pumasok, nakatakip ang mukha! Tatayo na sana ako ng bigla itong sumigaw.

"Holdap 'to!" Sigaw ng pinaka malaki sa kanila.

Nagsimula ng magpanic ang lahat. Nagkatinginan kami ni Ramirez, naka uniform sya at samantalang ako ay naka civilian lang.

"Pare may parak dito!" Natatarantang sigaw nung isang payat sabay turo kay Ramirez.

"Gag*! Walang magagawa yan!" Sigaw ulit nung pinaka malaki. "Hoy parak! Dapa!" Utos nya kay Ramirez, sinunod nya naman.

My Brutal Wife 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon