Last

10.2K 173 34
                                    

"Jb! Oh my--" Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko ng bigla syang tumakbo sa tatay nya. Napaka sutil talaga.

"O Alex, ba't ka sumisigaw?" Salubong sa akin ni Stan habang hawak sa kamay si Jb.

"Yang bata na 'yan talaga! Iniwan na naman ang t.v na bukas, ilang beses ko na 'yan pinagsabihan na patayin ang t.v after manuod." Sumasakit ang ulo ko sa anak ko. He's only five years old.

"I forgot. Sorry nanay." Malambing na sabi nito.

"Jb, you're a big boy now. Listen to your nanay." Sabi naman ni Stan habang inaayos ang magulong buhok ni Jb.

Tumango naman ang bata. "Pumunta ka muna sa kwarto mo, susunod ako doon." Utos ni Stan kay Jb.

"Opo." Kiniss pa ako nito bago umalis.

"Babe, I think we need a nanny for Jb." Tinignan ko ng masama si Stan.

"What do you mean? Na hindi ko kayang alagaan ang anak ko?!"

"N-No! Syempre sobrang likot na ni Jb, hindi na sya pwedeng magstay mag isa sa bakeshop kapag busy ka." Paliwanag nya.

"No! Kaya kong alagaan si Jb! Kaya kong pagsabayin ang trabaho at pagbabantay." Nakakainis!

"Alex, kukuha naman tayo ng kakilala natin at mapagkakatiwalaan para sa-"

"I said no! Kung ayaw mong alagaan ang anak ko, pwes ako, kaya ko! Kahit 'wag mo na akong tulungan!" Iniwan ko na sya. Bumalik na ako sa kitchen para ituloy ang pagluluto.

I can't believe him!

"Babe." Yumakap sa likuran ko si Stan. "I'm sorry, okay?"

"Let go off me." Mariing sabi ko. Hindi na naman sya tumutol at agad na lumayo.

"Just go to your work, I don't need you here." Kung iniisip nya na hindi ko kaya mag isa, pwes, mali sya.

"Babe, wag ka namang ganyan. Hindi ko sinasadya 'yun okay?"

"Just... get out of my sight. Please." Nanggigigil na ako. Hindi ko sya nilingon habang sinabi yun.

He take a deep breath bago umalis. Bumalik ako sa kusina para mag ayusin ang mga lulutuin ko mamaya.

Nagpahanda sya para sa dinner nya with the business man pero hindi nya naalala na wedding anniversary namin ngayon.

--

Stan's POV

"Hindi ko alam kung dahil lang ba doon kaya sya nagalit! Pinaalis nya pa ako!" Kwento ko habang kausap si James.

"Baka naman nagdamdam pare, ikaw naman kasi." Sabi nito.

"Nagsorry na ako, I even hug her." Napaupo na lang ako.

"Moody?" Tanong nya.

"No, ngayon lang sya nagkaganoon. Kahapon naman ang sweet nya pa."

"Kulang lang sa sex 'yun pare." Natatawang sabi nito. "Tuloy ba mamaya ang dinner sa bahay nyo?"

"Oo, I need your support guys." Natatawang sabi ko.

"Maaasahan ko kami dyan. So, let's meet later." Sabi nito at umalis na.

So now, I think I need to buy flowers and her favorite chocolate cake. No, not me.

Tinawagan ko ang secretary ko at inutusan na magpadala ng cake at flowers sa bahay.

After 1 hour, tumawag si Alex. I smiled.

"He--"

"WALANG HIYA KANG LALAKI KA! HINDI KA BA MARUNONG MAG ABOT AT PINADALA MO PA SA SECRETARY MO? DON'T YOU HAVE A F*CKING FEET?!"

My Brutal Wife 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon