Kamusta po ang new cover? Hehe. Kakadugo ng utak gumawa!
-----
Alex's POV"Everyone, meet my wife, Alexandra Martin." Pinakilala ako ni Stan sa mga kasosyo namin sa company.
"Hello." Yun lang ang sagot ko.
"She will be the one na maghahandle para sa Gabriela. Kung may idea kayo, just tell her." Sabi nito.
"I have a question." Tinignan ko ng masama si Misa.
"Yes?" Sabi ko.
"Ako ang may idea nito, is it okay kung dalawa tayong maghandle?" Nag init bigla ang ulo ko.
"Good idea!" Sabi nung isang board member.
Tinignan ako ni Stan.
"Sure. Ikaw magluto ah?" Natigilan naman ang lahat. "Joke! Relax ka na lang dyan." Sabi ko ng nakangiti. Pilit naman na ngumiti ang iba.
"So it's final. Sina Alex at Misa ang maghahandle ng project na 'to." Seryosong sabi ni Stan, lalo ata syang gumagwapo.
"Siguro mas maganda kung sasama lahat ng nandito." Sabi ko na nakatingin sa kanila.
"Hindi po pwede yun. M-Masyado kaming busy." Sagot nung isa na halatang nag dadahilan lang. Imbento.
"Isang araw lang? Napaka busy mo naman masyado no? Ang swerte pala ng kumpanya namin sayo." Sarkastikong sabi ko. Hinawakan ni Stan ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.
"Hindi ko itutuloy 'tong project na 'to kung hindi sasama ang lahat. Saka na lang kapag hindi na kayo busy." Yun lang at lumabas na ako.
Tss. Napapailing na lang ako. Kailan ba ako magiging mabait?
"Alex!" Napalingon ako nung tawagin ako ni Stan.
"Ano?"
"What the hell was that?" Galit na sigaw nito.
"Bakit ba?" Galit din na sabi ko.
"You don't have to do that! Busy ang mga board!" Halatang nagtitigil na 'to.
"I don't care." Mataray na sabi ko.
"Ugh!" Inis na napasabunot sya sa buhok nya.
"Inassign mo ko dito tapos tumututol ka." Pang asar ko pa.
"Nagpumilit ka lang." Bulong nito.
"Bubulong bulong ka pa dyan! Pupunta ako kila Stella." Sabi ko.
"No! Umuwi ka na sa bahay."
"What?" Hindi makapaniwalang sabi ko. "Hindi na ako bata!"
"Umuwi ka na Alex." Pagmamatigas nito.
"Stanley naman! Bakit ba?"
"Dahil sinabi ko." Sagot nito.
"Isasama ko si Georgia."
"No!"
"Isasama ko rin si Amanda!" Sabi ko.
"No, buntis sya."
"Ee~ Ikaw na lang." Nginitian ko sya ng wagas. Para pumayag.
"No, busy ako." Sagot agad nito.
"Ok. Si Felix na lang." Sabi ko at akma ng tatalikod.
"Don't you dare Alexandra!" Galit na sabi nya.
"O ano? Sasama ka o hindi?" Pinipigilan kong ngumiti.
"Oo na!" Kinuha nito ang phone nya at may tinawagan. "Elle, cancel all my appointment today. Thanks."
Tinignan nya ako ng masama.
"Let's go babe." Inangkla ko pa ang kamay ko sa braso nya.
----
Ito na ang araw ng pagpunta namin.sa Gabriela. And guess what? Kumpleto lahat ng nasa board. Haha!
"Stella, halika po dito, tikman nyo 'tong niluto ko." Sabi ko habang nagsasandok ng pagkain.
"Salamat hija." Tinanggap nya naman ang binigay ko. Naupo kaming dalawa sa bakanteng lamesa.
Tumingin ako sa paligid. Mukhang nag eenjoy ang lahat. Yung mga kasama namin sa office, nakikipag kwentuhan sila sa mga taga dito.
Hinanap ng mata ko si Stan, kaso hindi ko sya makita. Tsk! Nasaan na naman kaya yun?
"Ay! Stella, malapit na akong ikasal ulit." I giggled. Parang teenager. Haha!
"Talaga? Congratulations kung ganun."
"Salamat po. Gusto ko po sanang imbitahan kayo." Sabi ko.
Para naman syang natigilan.
"H-Ha? Naku! Wag na!" Sabi nito na natatawa pa, pero alam kong pilit yun.
"Sige na po." Pagpupumilit ko pa.
"Hindi na--"
"Babe." Pareho kaming napalingon kay Stan.

BINABASA MO ANG
My Brutal Wife 2
ChickLitPanibagong pagsubok, paghihirap sa buhay nina Stanley at Alexandra Martin. 01/31/2017 Highest Rank #62 in Chicklet