8

7.7K 124 3
                                    

Stan's POV

"Lumabas ka ng bahay na ganyan lang ang suot mo?" Singhal ko sa kanya pagdating namin sa parking lot.

"Susunduin lang naman kita kaya hindi na ako nagbihis pa." Paliwanag nya.

"Kahit na babe. Bar ang pinuntahan mo. Paano kung may mangbastos sayo?"

Hindi talaga kasi maiiwasan sa bar ang pasimpleng hipo. Lalaki ako kaya alam ko ang galawan ng kapwa ko lalaki.

"Para namang uubra sila sa akin." Pinakita pa nya ang muscle nya sa braso.

"Hayy. Wag mo ng uulitin 'to ah." Inakbayan ko na sya papasok sa passenger seat.

"Teka! Teka!" Problema nito? Pumapalag pa sya.

"Bakit na naman?"

"Ikaw magdadrive? Lasing ka ah!"

We decided na sa iisang kotse na lang kami sasakay. At ang kotse nya 'yun.

"Nakainom ako pero hindi ako lasing." Sabi ko.

Nagulat naman ako ng bigla syang lumapit sa mukha ko at inamoy amoy ako.

"Hmm! Alam kong marami kang nainum! 'Wag ka ng magpumilit dahil hindi ako papayag na ikaw ang mag drive." 'Yun lang at nauna na syang sumakay. Wala na akong nagawa.

"Ahh~" Pabagsak akong humiga sa kama pagkatapos kong maglinis ng katawan.

"Ano? Pagod ka no? Kagagaling lang kasi sa trabaho tapos inom agad?" Litanya nya habang nag aayos ng kumot.

"Nagyaya kasi si James." Pinulupot ko ang kamay ko sa bewang nya nung makahiga sya sa tabi ko.

"Nag toothbrush ka ba?" Hay.. May pagka maarte talaga 'tong asawa ko.

Para mapatunayan na nakapag toothbrush na ako ay dinampi ko ang labi ko sa labi nya. Magkalapat lang iyon.

"Paano ko malalaman kung nakapag toothbrush ka na kung hindi ka gagalaw?" Panghahamon nya sa akin.

Oo nga naman!

Gumalaw na ako, agad naman syang tumugon. Pumaibabaw na ako sa kanya to deepen the kiss.

Teka. Ganito na lang?

Pinagapang ko na ang kamay ko patungo sa mukha nya, pababa sa leeg, sa collar bone, at sa dibdib nya.

Pinatong ko ang kamay ko doon. Napansin ko na mukhang hindi naman sya nagrereklamo kaya I gently squeeze her right breast.

"Uhh~" Mahinang ungol nya. I take the chance to slid my tongue to her mouth.

Nakita kong nanlaki ang mata nya. Hindi nya pa ba nagagawa ito?

And then I move again. Giving him satisfaction. Mukhang nagugustuhan nya naman dahil napapasabay na sya sa akin.

Pinadausdos ko ang kamay ko sa laylayan ng damit nya. Ready na akong itaas 'yun ng bigla nyang kagatin ang lower lip ko.

"Aray!" Agad akong napaupo. Masakit 'yun.

"A-Ang likot ng kamay mo!" Pansin kong namumula sya. Hihi.

"Why? May sariling utak ang kamay ko." Kunwari pa ay kinakausap ko ang kamay ko.

"Ewan ko sayo." Sabi nya at tinalikuran na ako.

Ano 'yun? Hanggang doon na lang?

"Hey babe. Let's continue." I said in a husky tone. Pinagapang ko pa ang kamay ko sa braso nya.

"Ayoko." Mataray na sabi nya.

"What?" Halos walang boses na lumabas sa bibig ko. Nabitin ako!

"I-reserve na lang na-natin sa honeymoon." Mahinang sabi nya.

Sounds exciting.

"Ok." Masiglang sabi ko at niyakap sya mula sa likuran.


Alex's POV

"Ano na ang lagay ni Stella?" Tanong ko kay Bon pagka-upo ko sa office.

"Okay naman daw sya sabi ng mga staff doon. Kung minsan nga lang ay napapansin daw nila na napapaluha." Paliwanag nito sa akin.

"Mamaya na natin pupuntahan 'yung suspek. Babalaan muna natin sya, kapag pumalag, alam na." Diretsong sabi ko.

"Sige." 'Yun lang at nagkanya-kanya na kami ng ginagawa.

(Kring. Kring) Agad na sinagot ko ang cellphone ko.

"Hello Mister." Hindi ko maitago ang ngiti ko.

[Babe, busy ka ba mamayang lunch?]

"Wrong timing ka lagi. Pupuntahan ko 'yung suspek sa kaso ni Stella." Sabi ko.

[...] Teka bakit hindi sya nagsasalita?

"Hey, babe? Still there?" Tawag ko ulit sa kanya.

[Y-Yeah. I'm here. Si-Sinong Stella?] Ha? Anong nangyari dito?

"Biktima ng pananakit." Maiksing sagot ko.

[I-Is that safe? I think it's better na ibang kaso na lang ang hawakan mo.] Bigla nyang sabi.

"Ligtas 'to. Nasa puder na ng Gabriela si Stella."

[Mag-iingat ka babe. I love you.]

"I Lo--" TOOT TOOT TOOT

Ano 'yun? Hindi makapaniwalang napatingin na lang ako sa cellphone ko. Hindi manlang nya hinintay 'yung sagot ko?



Stan's POV

"Ugh~" Napahawak na lang ako sa sintido ko.

Bakit kailangang magkakilala pa sila?

Mang gugulo ba sya? Nakakainis!

Agad akong sumakay ng sasakyan at pinaharurot ito papunta sa opisina ng Gabriela.

"Meron ba ditong nakastay na nag ngangalang Stella Isaac?" I give my sweetest smile to the girl infront of me. Bumigay ka.

"Y-Yes Sir. Just wait here, tatawagin ko sya." Mukhang nahulog ng sobra.

Naghintay ako sa waiting area. Maya-maya lang ay nakita ko na syang naglalakad papalapit sa akin.

"S-Stan?" Naririnig kong sabi nya. Bigla nya akong sinunggaban ng mahigpit na yakap.

Nandidiri ako.

--

Maria's Note: Hindi ko po 'to na edit nang maayos kasi naantok na talaga ako.

Sino ba 'yang Stella na 'yan at naiinis sa kanya si Stan? Tsk. Tsk.

Vote.Comment.Share para masaya!

My Brutal Wife 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon