Alex's POV"What?!" Napatayo na ako sa upuan ko.
"Uulitin ko pa ba?" Napapakamot sa ulo na sabi ni Stan.
"Bakit hindi tuloy ang kasal natin sa next month?" You read it right guys. Next, next month na daw itutuloy ang kasal namin.
"Biglang dumami ang gawain sa company babe." Sagot nito.
"I understand." I truly do. I smiled.
"Salamat." He kiss me on my forehead. "Aalis muna ako."
"Sige."
Naiwan akong nakatunganga sa lamesa nya, naupo na ako sa swivel chair nya at umikot ikot. Anong gagawin ko dito ngayon?
Nga-nga?
Tinawagan ko muna si Kuya John. Nakatatlong ring bago nya sinagot.
"Hey bro!" Masiglang bati ko.
[Ugh! Alex! Ang aga-aga eh.] Reklamo nya. Problema nito?
"Hello?! Tanghali na po kuya! Punta tayo kila mommy." I miss my mom.
[Ikaw na lang, I'm busy-- hey! Wait! Georgia!]
"Anyare kuya?" Ano bang ginagawa nila?
[Nabitin. Princess, I'll call you later. Bye.]
"Teka-- Anak ng tokwa naman oh! Binabaan pa ako. Tsk!" Sino na ang kukulitin ko ngayon?
Napagdesisyonan kong maglakad lakad sa labas at maghanap ng makakainan. Then someone caught my attention, wait-- hindi sya nag- iisa. Pasimple akong pumasok sa isang restaurant.
Si tito (daddy ni stan) at Stella. Magkakilala sila?
Naupo ako sa bakanteng upuan sa likod ni tito. Naririnig ko na ang usapan nila.
"Nagagalit sayo si Stan, ginugulo mo raw ang buhay nya." Sabi bigla ni tito.
"Carlo, alam mong hindi ko gustong sirain ang buhay nya." Sabi naman ni Stella. Teka, naguguluhan ako.
"Bakit mo kami iniwan ng anak natin Stella? Nangulila sya sayo." Dahil sa sinabi ni tito, napatulala ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo na. Lumapit ako sa kanila.
Nakatayo ako sa gilid nila at mukhang gulat na gulat talaga sila. Kahit hindi ako ang nawalan ng ina, parang ako ang mas nasasaktan. Naiyak na ako.
"A-Alex, hija." Sabi ni Stella at pinaupo ako sa tabi nya.
"Totoo po ba lahat ng narinig ko?" Tanong ko sa kanila.
"O-Oo Hija." Sagot ni tito.
Bakit hindi 'to sinabi sa akin ni Stanley?
"P-Paanong-- Bakit--" Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.
"Galit si Stan kay Stella hija, kaya hindi nya ito magawang ipakilala sayo." Paliwanag ni tito.
Ito ba ang dahilan kung bakit madalas magkita sina tito at Stan? Naaawa ako sa asawa ko, may ganitong kalagayan pala sya, hindi ko manlang sya natutulungan.
"Tito, bakit walang kinilalang ina si Stan?" Naguguluhan pa rin ako sa nalaman ko.
"Ayaw ni mama kay Stella, kaya ginawa nya ang lahat para magkahiwalay kami." Sabi ni tito na nakatingin kay Stella. "Simula ng ipanganak nya si Stan ay umalis na sya."
Nilingon ko si Stella, umiiyak sya.
"Binayaran ni Do?a Elena ang kuya ko para ilayo ako sa mag-ama ko, pinilit ako ng kuya na makisama sa lalaking nangbubugbog sa akin para kumita ulit ng pera." Humagulgol na ng iyak si Stella, agad kko syang dinaluhan. "Napaka saklap ng buhay ko sa simula ng mawala sa akin ang mag-ama ko, araw-araw at gabi-gabi hinihiling ko na mapatawad nyo ako Carlo."
Tumayo na ako para bigyan ng daan si tito. Agad nyang niyakap si Stella. Hindi ko na rin napigilang umiyak. Grabe ang nangyari sa buhay nila. Lumaki si Stan ng may galit sa ina, kinamumuhian nya ito panigurado. Kailangan kong makausap si Stan.
"Kakausapin ko po si Stanley." Sabi ko.
"'Wag na hija, masaya na sya ngayon." Nakangiting sabi ni Stella.
"Hindi po, kailangan nya kayong makausap ng matino, kailangan nyang malaman ang katotohanan." Desididong sabi ko.
"Sana matulungan mo kami anak." Sabi ni tito na maluha-luha pa.
BINABASA MO ANG
My Brutal Wife 2
Chick-LitPanibagong pagsubok, paghihirap sa buhay nina Stanley at Alexandra Martin. 01/31/2017 Highest Rank #62 in Chicklet