20

7K 134 4
                                    

Alex's POV

Nagising ako ng makarinig ng katok.

"Hija, Alex."

Napabalikwas ako ng bangon ng makilala ko ang boses na tumawag sa akin. Binuksan ko kaagad ang pinto.

"Stella?" Nanlaki ang mata ko. Baka makita sya ni Stan! Agad ko syang hinila papasok sa loob ng kwarto.

"Wag kang mag alala hija, nagkita kami kanina sa baba at sinabi nya na dito kita makikita." Sabi nito.

Teka. "Ok na po ba kayo?" Naguguluhang tanong ko.

"Hindi ko alam. Hinanap lang kita sa kanya at sinabi nya na nandito ka daw." Sabi nito.

Napangiti ako. Mukhang paunti-unti na nagiging okay na si Stan.

"Sa baba po tayo, kain po muna tayo." Inakay ko sya palabas.

Nakasalubong kami ni Stan. Nagkatitigan lang kami.

"Let's talk." Sabi ni Stan na nakatingin sa ibang direksyon.

"A-Ahmmn, sino sa amin?" Tanong ko. Wala naman kasi syang sinabi kung sino.

"Not you Alexandra." Masungit na sabi nito at lumakad na.

"Sungit." Bulong ko. "Sige po, hmmn, tita, sumunod na kayo kay Stan."

"Sige hija." Sinundan ko ng tingin si tita Stella habang naglalakad, sana maging ok ang lahat.

----------

Stan's POV

Kailangan ko ng harapin 'to para matapos na. Para maging okay na kami ni Alexandra.

Naupo ako sa harap ng table ko sa study room, naupo naman si Stella sa harapan ko.

"K-Kwinento sa akin ni Dad ang lahat ng nangyari sayo." Panimula ko.

"I-I'm sorry." Tinitigan ko sya, nagsimula na syang umiyak.

"Wag mong isipin na porket kinausap kita ay okay na sa akin ang lahat, ginagawa ko 'to para kay daddy at Alex. Hindi mo lang alam pero naaapektuhan ang pagsasama namin ng dahil sayo." Sabi ko ng harap-harapan sa kanya.

"Patawad kung dahil sa akin ay nagtatalo kayo. Salamat at kinausap mo ako." Ngumiti sya sa akin.

"Welcome." Nabigla ako ng niyakap ako nito.

Natigilan ako. Hindi ako makakilos, matagal kong hinintay 'to, ang mayakap ng isang ina.

"M-Mama." I try calling her.

"Anak ko!" Humagulgol na sya.

"Mama! M-Mama!" Napaiyak na rin ako.

--

a/n:

Pasensya na kung medyo waley ang chapter na 'to, waley pa rin kasi akonh matino na tulog. Hehe.

My Brutal Wife 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon