5

8.5K 156 7
                                    

Alex's POV

Ngayon na ang araw ng pag-uwi ni Stan. Nagtataka lang ako kung bakit kailangan pa nya ng escort, pwede namang tahimik na lang syang umuwi. Dami pang arte.

"Nasa posisyon na ba kayo? 3 minutes na lang dadating na ang eroplanong sinasakyan ni Mr. Martin." Sabi ni Chief over head phone.

Naka civilian lang naman kami kaya hindi kami agaw atensyon. Katabi ko ngayon si Ramirez.

"Para naman tayong spy nito." Mahinang bulong nya sa akin.

"Kahit ako naiinis na rin." Sagot ko sa kanya.

"Nandyan na si Mr. Martin. He's wearing black polo nakatupi hanggang siko." Sabi ni Chief.

And then I saw Stanley. Walking with full of confident. Naka shades pa sya habang hila ang maleta nya.

Napakagat labi ako. Sobra kong namiss 'tong tao na 'to.

Hindi na ako nakapag pigil. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng napakahigpit. Medyo nagulat pa sya, pero agad din namang gumanti ng yakap.

"Martin! Anong ginagawa mo?" Naririnig kong sermon ni Chief, tinanggal ko na ang head phone sa tenga ko.

"Namiss kita." Bulong ko sa tenga ni Stan.

"I miss you too, Babe." Bulong nya rin sa akin.

Lumayo ako sa pagkakayakap namin at tinitigan ang mukha nya. Ako na ang tumanggal ng shades nya.

Diyos ko! Salamat at gwapong nilalang ang binigay Mo sa akin.

Ang mga mata nya na parang laging nakangiti ay nakita kong muli.

"Ayun na si Stanley Martin!"

"Oo nga!" May mga narinig akong nagsigawan at papalapit sa amin.

Medyo nataranta ako. Hihilain ko na sana si Stan para tumakbo kaso pinigilan nya ako.

"What the hell are you doing?! Tara na!" Sigaw ko sa kanya.

Naku! Ayan na sila! May mga nakikita na akong nagf-flash na camera.

Teka, nasaan na ang mga kasama ko?

Nilingon ko si Stan. Nakangiti lang sya. Napakunot noo na ako.

Binaling ko ang atensyon ko sa paligid. Nakakahiya.  Hinila ako ni Stan paharap sa kanya. Tinignan ko sya ng may pagtataka.

Hinawakan nya ang dalawang kamay ko at nagsalita. "Alexandra, five years. Five years ang tiniis ko bago ulit kita mahawakan ng ganito." He gently squeeze my both hands.

"At ngayong hawak ko na ng mahigpit ang kamay mo, hindi ko na ulit 'to bibitawan ng matagal." Dagdag pa nya.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Tuwa, dahil sa muling pagkikita namin at gulat, dahil sa mga pangyayari.

Bigla na lang tumulo ang luha ko.

"Patawarin mo ako sa mga panahong wala ako sa tabi mo kung kailang kailangan mo ako, patawad kung minsan nagkaka-away tayo." Nagbabadya na ring tumulo ang luha nya.

Gusto ko syang pigilan sa mga pinagsasabi nya dahil nakakahiya sa mga nakakakita sa amin, kaso gusto kong marinig lahat ng gusto nyang sabihin.

"Hindi naging maganda ang nakaraan natin, nagsimula sa arrange marriage, nagkakasagutan, nagkakasakitan. Gusto kong ulitin ang lahat. Kaya ngayon--" Sandali syang tumahimik at may kinuha sa bulsa.

Napasinghap ako nang may inilabas syang box. Hindi ako kahapon lang pinanganak para hindi malaman kung ano ang laman nun'. Kasabay nang pagluhod nya ay ang pagtugtog ng isang pamilyar na musika.

(Deeper by: Julie Ann San Jose)

♪♬Each day my love grows deeper..

Deeper like never before..

Love is not easy~

but I'm holding on to this.

So don't give up and feel my heart, nothing else matters but you and me.♩♪

Napatingin ako sa paligid. Lahat sila ay nakatingin sa akin at nakangiti. Nahagip ng mata ko sina Ramirez na nakangiti din sa akin.

Binalik ko kay Stan ang tingin ko. He slowly open the box, then I saw a ring.

"Will you marry me again?" Sabi nya sabay ngiti.

Napakagat labi na lang ako sa pinagsamang kaba at tuwa. Marahan akong tumango.

"Can you say it loud?" Sabi nya nang nakaluhod pa rin.

"Y-Yes. YES!" Sigaw ko.

Napatayo na sya at inilagay sa daliri ko ang sing-sing kasabay ng mahigpit na yakap.

"Wooh!"

"Kasalan na!"

"Congratulations!"

Hindi ko na inintindi pa ang hiwayan ng mga tao, basta masaya ako!

Nalaman ko na planado pala ang lahat ng nangyari sa airport.

Ang kunwaring pag eescort namin, ang mga reporter, lahat 'yun pakana ni Stan. Para na tuloy kaming artista dahil laman kami ng dyaryo.

Ngayon ay nagdidinner kami sa restaurant ni Kuya John.

"Ang sweet nyo kanina." Kinikilig na sabi ni Ella.

"Oo nga! Nakaka-inggit!" Segunda ni Perez.

Nahagip ng mata ko si Ramirez na tahimik lang.

"Waiter." Lumapit kay Stan ang waiter.

"Yes sir?"

"Bring us two bottle of wine." Sabi nya. "Ok lang ba sa inyo ang wine?" Pagtatanong nya kina Chief.

"Sure." Sagot ni Chief.

"Babe, are you okay?" Bulong sa akin ni Stan. Nginitian ko lang sya.

Inaalala ko lang talaga si Ramirez.

"Hey Stanley Martin, ang laking eksena yung ginawa mo kanina sa airport." Napalingon kami sa nagsalita. Si Kuya John.

"Long time no see." Tumayo si Stan at nakipag shakehands kay Kuya.

"So kailan ang kasal?"

"Next week." Kaswal na sagot ni Stan.

"Next week?" Tanong ko. Ang bilis naman ata.

"Ayaw mo?" Pananakot ni Stan.

"No. Agad-agad? Saan ang venue?"

"Planado na lahat bago pa ako umuwi dito. Nothing to worry babe." Sabi ni Stan sabay kindat.

Ew~ feeling teenager.

My Brutal Wife 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon