2

9.3K 170 10
                                    

Nagising ako ng makaramdam ng pangingirot sa kanang hita ko. Babangon sana ako ng bigla akong pigilan ni Ramirez.

"Magpahinga ka muna Martin." Halata sa boses nya na talagang nag-aalala sya.

"A-Anong nangyari?"

"'Yun isa sa mga holdaper, pinatamaan ka ng baril sa hita. Pero okay naman ang lahat." Natuwa naman ako sa sinabi nya, atleast walang ibang nasaktan.

"Galing nga pala 'yung kuya mo dito." Bigla akong naalerto sa sinabi ni Ramirez.

"Si Kuya Alfred? O Kuya John?" Patay na!

"Alfred daw." Hoo~ Nakahinga ako ng maluwag.

"Nasaan na si Kuya?"

"Kausap 'yung doctor." Maiksing paliwanag ni Ramirez. Parang may kakaiba sa kanya.

"Hoy! May problema ka ba?" Tanong ko.

"Tsk." 'Yun lang at inirapan nya na ako.

"Anong problema mo? Iirap-irap ka pa dyan, para kang bakla." Natawa nalang ako sa kinilos nya. Tinignan nya naman ako ng masama na syang ikinatigil ko.

"Dahil kasi sa akin kaya ka nabaril. Dapat hindi na lang kita sinama sa bangko." Sabi nya ng nakayuko. 'Yun naman pala. Concern pala ang loko.

"Ano ka ba naman? Wala 'yun no. Bago ako magpulis ay handa na ako sa lahat ng bagay. Buti nga at nandoon tayo, isipin mo kung wala tayo doon, ano na lang mangyayari?" Mahabang litanya ko.

"Yeah, alam ko. Tsk. Nagpapasalamat nga pala si Ate, nakauwi na sya sa bahay." Hindi pa rin mawala sa tinig ni Ramirez ang pagka-guilty.

Pareho kaming napalingon ni Ramirez ng bumukas ang pinto. Si Kuya Alfred.

"Maiwan ko muna kayo." Sabi ni Ramirez at lumabas na.

"Kuya, sinabi mo ba kila Mommy?" Panimula ko.

"Yeah. Uuwi sana sila, but I already told them that you are fine now." Walang emosyon na sabi nya. "Si Kuya John, pupunta dito mamaya." Dagdag nya.

Nasapo ko na lang ang ulo ko. Yari na naman ako doon.

"Tsk! Anong gagawin ko?" Nagpapaawa pa ako baka sakaling tulungan ako.

"Mag resign ka." Kalmadong sabi nya na syang ikinagulat ko.

"Aksidente lang 'yun kuya." Pagpapaliwanag ko.

"Yeah I know." Malumanay na pahayag ni kuya. "Bahala na si Kuya John sayo mamaya."

Kaharap ko na ang pamilya ko ngayon. Naka upo lang ako at naka straight ang mga binti, samantalang sina Mommy at daddy ay nakaupo sa harap ko, while kuya John and kuya Alfred ay nakatayo sa likod nina Mommy.

"So, this is it." Matigas na turan ni Kuya John. Napapakagat labi na lang ako. Hawak-hawak ni Mommy ang dibdib nya, dahil sa kaba.

"Aksidente lang po ang nangyari, under control na po ang sitwasyon kanina, kaso talagang malakas ang loob ng holdaper at pinaputukan pa ako." Mahabang paliwanag ko at sana effective.

Alam ko naman na alam na nila ang nangyari, gusto ko lang ipaliwanag sa kanila na okay na naman ako.

"I don't want this incident happen again." Walang emosyon na pahayag ni Daddy.

"Opo dad, hindi na po mangyayari ulit 'to." Agad na sabi ko. Grabe talaga ang kaba ko kapag kaharap ko sila, lalo na't may kinalaman sa trabaho ko.

"Pero we are not sure na hindi na mauulit 'to kapag nandyan pa si Alex sa trabaho nya." Makahulugang sabi ni kuya sabay tingin sa akin ng masama.

My Brutal Wife 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon