Good morning!
---
Stan's POV
"Ok na naman ako eh. Bakit nyo pa kasi ako dinala dito?" Sabi ko habang nakahiga sa hospital bed.
"Aba! Eh alangan naman na pabayaan ka namin na mamatay sa labas ng bahay nila Alex!" Sabi ni James.
"Mas mabuti pa nga siguro 'yun. Hindi na nga ako matanggap ng asawa ko eh." Naalala ko na naman si Alex. Hindi nya na siguro ako mapapatawad pa.
"Ikaw naman kasi eh. Gagawa ka lang ng kasalanan, magpapahuli ka pa!" Pang aasar nito.
Tinignan ko lang sya ng masama.
"I was shocked pare. Hindi ko alam na magagawa 'yun ng secretary ko. Bata pa 'yun at alam kong family nya ang priority nya." Paliwanag ko. "Hindi ko inaasahan na ganun' ang gagawin nya."
"Sabi nga nila, expect the unexpected."
"Stan!"
Halos lumundag ang puso ko ng biglang pumasok si Alex at yakapin ako kahit pa na nakahiga ako.
"S-Stan. Sorry." Sabi nito at halatang umiiyak na.
Bumangon ako pero nakayakap pa rin sya.
"Hey, stop crying." Sabi ko.
Humiwalay sya sa yakap at pinunasan ang luha nya.
"I'm so sorry." Sabi nya.
"No, no. I should be the one saying my sorry." I cupped her face and gently wipe the tears away.
"I love you babe. I'm so sorry." Sabi ko.
"Apology accepted." Then she gave me a kiss.
I'll promise to myself that this won't happen again. I love my wife and my baby.
--
"Ano ba naman 'yan?! Mag aalagaan ba kayong dalawa?" Sabi ni Georgia.
"Magaling na naman ako Georgia." Sabi ko naman habang umiinom ng kape.
Nadischarge na kasi ako kahapon at kasalukuyan kaming nagbebreakfast sa bahay. Kasama ang mga kuya ni Alex at mga asawa nila.
"Oo na lang." Pagtataray nito. Hinawakan naman ni John ang ulo nito at ginulo ang buhok. "Ano ba?!" Angal nya.
"LQ!" Pang-aasar ni Alfred.
"Nag-away kayo?" Segunda ni Perry.
"Just a misunderstanding." Nakangiting sagot ni John.
"Misunderstanding mo mukha mo!" Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Georgia.
Napatingin ako sa katabi ko na kumakain pa rin hanggang ngayon. Kahit anong pigil ko sa kanya na maghinay-hinay sa pagkain ay ayaw paawat, sya pa ang nagagalit. Gusto daw 'yun ni Baby!
"Babe." Tawag ko dito.
"Hmmn?" Sagot nito habang isinasawsaw ang fried chicken sa peanut butter.
"Tama na 'yan." Pag-aawat ko ulit.
Tinignan lang ako nito ng masama. Pero maya-maya ay ngumiti ito ng pagkatamis-tamis.
"Say ahh~" Sabi nito habang isinusubo sa akin ang chicken na may peanut.
"No. Busog na ako." Pagtatanggi ko.
Hindi ko maimagine kung anong lasa nun!
"Sige na Babe. Isang kagat lang!"
"Stop it Alex." Iniilag ko na ang ulo ko.
"Sige na!" Sabi nya pa. Napapitlag ako ng kurutin ako nito sa tagiliran. "Ayaw mo pa rin?"
"B-Babe. Masakit!"
"Ngumanga ka na!" Sigaw ni John.
Nagtawanan naman ang iba.
Binalik ko ang tingin ko kay Alex at parang anytime ay magwawalk out na 'to. Wala na akong nagawa pa at kumagat na rin.
"Ayun oh!" Hiyaw ni Alfred.
"Goodluck sayo. Aantukin ka nyan." Natatawang sabi ni Georgia.
"Aantukin?" Nagtatakang tanong ko.
"Yeah. Kinagatan mo lang naman ang kinagatan ng buntis." Paliwanag nito.
"Totoo ba 'yun?" Tanong ko kay Alex.
"Hindi ko alam." Sabay ngiti.
Oh sht!

BINABASA MO ANG
My Brutal Wife 2
ChickLitPanibagong pagsubok, paghihirap sa buhay nina Stanley at Alexandra Martin. 01/31/2017 Highest Rank #62 in Chicklet