Wag tayong magalit kay Stanley. Lahat po ng pogi, nagkakamali :)---
Stan's POV
Three days. Three days ang lumipas simula ng umalis sa bahay si Alex.
Three days na parang three years na. I know it's my fault. I didn't expect that Karen, my secretary would do that. Nagresign na sya after that incident.
Galit na galit ako sa sarili ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang nangyari sa mag ina ko. I always bring fruits at Alex's house, hindi nga lang ako nagpapakita sa kanya. Wala akong lakas ng loob na humarap sa kanya.
(KRING. KRING)
Naputol ang pag-iisip ko ng biglang mag ring ang cellphone ko. It's John.
[Stan.]
"Yeah?"
[Are you free? Let's meet at my resto.]
"After my work. Marami pa akong hindi natatapos." Sagot ko.
[Okay, just text me kung on the way ka na.] Then he hung up.
Napahawak ako sa sentido ko, wala akong gana magtrabaho. Ang dami nang nakatambak na papeles. Hindi na rin ako minsan umuuwi sa bahay, dito na ako natutulog sa office.
(Tok. Tok)
"Come in." Sabi ko habang iniscan ang papeles.
"Stan."
Napatigil ako sa pagtawag ni Misa. Sya na ang nagpresinta na maging secretary ko.
"You can leave all the documents in my desk." Sabi ko without looking at her.
"It's already 1:25pm Stan, you should take your lunch."
"Noted."
Biglang bumuhos ang malakas na ulan nang dumating ako sa bahay nila Alex, wala pala akong dalang payong.
Agad akong nagdoorbell at yaya ang sumalubong sa akin.
"Sir, pasensya po. Sabi po ni Ma'am Alex, wag daw po kitang papasukin." Dire-diretsong sabi nito.
Nanlambot ako at napaatras na lang.
"Okay, thank you." Sabi ko. Dali-dali rin 'tong pumasok sa loob.
Hindi ko na ininda ang ulan. Gustong-gusto ko na talaga syang makita.
Alex's POV
"Ma'am nasa labas pa po si Sir." Sabi ni yaya pagpasok nya ng bahay.
"Hayaan mo sya." Sabi at itinuon ang sarili sa panunuod.
Natiis nya ako ng ilang araw tapos ngayon pupunta sya? Magdusa sya!
[REPORTER: Nagsimula na po ang bagyo, umabot na ito sa signal no. 3 kaya hangga't maaari ay 'wag na po tayong lumabas ng bahay para po sa kaligtasan natin.]
Mukhang pati ang panahon nakikisabay sa akin.
Pinatay ko na ang tv at umakyat na ako sa kwarto. Saglit akong sumilip sa bintana at laking gulat ko ng makita ko si Stan sa labas.
"Alex! Please kausapin mo na ako!" Sigaw nito. Basang-basa na sya sa ulan.
Hindi ko sya pinakinggan at mas pinili ko ang matulog na lang.
Kinaumagahan nagising ako dahil sa ingay ng sasakyan.
Sumilip ako sa bintana at wala na si Stan pati na ang kotse nya.
Pagbaba ko naabutan ko si Kuya John na kausap si Yaya.
"Kuya John, napadaan ka." Sabi ko.
"How could you do this Alex?" Bungad nya sa akin.
Napakunot noo naman ako. "What?"
"Sinugod si Stanley sa hospital. Bakit mo sya tiniis na nasa ulanan? Dapat kahit na magkagalit kayo ay pinapasok mo pa rin sya." Sigaw ni kuya.
Nanlambot ako sa sinabi nya.
"Sobrang taas ng lagnat nya. Alam mo bang pwede syang mamatay dahil sa ginawa mo?" Sigaw nito ulit.
Hindi ko na napigilan pa at kusang tumulo na ang luha ko.
Anong gagawin ko kapag nawala si Stan? Napahawak ako sa tiyan ko. Sobrang sama ko na ba?
"K-Kuya, sorry." Sabi ko sa pagitan ng pag iyak.
Niyakap ako ni Kuya. "Let's go to the hospital."
BINABASA MO ANG
My Brutal Wife 2
ChickLitPanibagong pagsubok, paghihirap sa buhay nina Stanley at Alexandra Martin. 01/31/2017 Highest Rank #62 in Chicklet