Alex's POV
"San ka galing?" Bungad ko sa kanya. Tumayo ako at hinalikan sya sa labi.
"Maiwan ko muna kayo." Biglang umalis si Stella. Nag uusap pa kami ah.
"Kinausap ko lang si daddy." Sagot nya.
"Bakit hindi mo pinapasok dito?"
"Napadaan lang sya." Naupo na kami.
"Babe, ininvite ko si Stella sa kasal natin." Sabi ko.
"No! Hindi ka pwedeng basta-basta na lang mag invite ng kung sino-sino!" Nagulat ako sa biglang pag init ng ulo nya.
"Hindi sya basta-basta at kung sino-sino. Sya si Stella." Kalmadong sabi ko.
"It's still a no, Alex." Mariing sabi nito.
"Bakit ba?" Iritadong tanong ko.
"Wala ng maraming tanong." Sabi nito at tinakpan pa ang bibig ko. "Mamaya, magpasama ka kila Georgia, mag sukat ka na ng wedding gown." Sabi nya at ngumiti pa. Sht! Nakakatunaw. Tinanggal nya na ang kamay nya sa bibig ko.
"Hindi ka sasama?" Inangkla ko ang mga kamay ko sa batok nya, naramdaman ko na lang ang magkabila nyang kamay sa bewang ko.
"May meeting ako with daddy. Hindi ako makakasama." Sagot nito.
"Sasama na lang ako sayo."
"N-No need." Napasimangot ako sa sagot nya.
"Oo na! Oo na!" He gently kiss my lips.
"Uyyy~!!" Agad kaming napahiwalay ni Stan ng makarinig kami ng hiyawan. Nasa amin na pala ang atensyon nila. Kakahiya!
-------
Stan's POV
"Yeah dad, galing kami kanina sa tinutuluyan nya." Palakad lakad lang ako sa harapan ni daddy.
"Stanley! Will you please sit down? Nakakahilo ka." Sita sa akin ni dad. Naupo na lang ako.
"Ginugulo nya kami dad! Nakikipaglapit sya kay Alex! I hate her!" Hindi ko mapigilang sumigaw. Hindi na nanahimik ang buhay ko.
"Stanley, maybe she really need your wife's help." Napalingon ako kay daddy.
"Seriously dad? You're on her side?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"No, I'm not son. I'll meet her." Sabi nito. "Let's drink first." Pag-aya sa akin ni dad.
"Dad, do you still love her?" Tanong ko kay dad habang nag iinuman kami.
"I don't know son, she left us." Sagot nito, napalingon ako kay dad, ang lungkot nya.
"Sinabi nya sa akin na si lola daw ang dahilan kaya nya tayo iniwan." Nilingon ako kaagad ni dad.
"Really? Ayaw kasi ng lola mo sa kanya, dahil nga daw mahirap lang at walang pinag aralan." Lalong nalungkot si dad.
"Naniniwala ka dad?"
"I don't know." Sagot nito sabay tungga ng alak.
"Iniinvite sya ni Alex sa kasal."
"Alam na ba ni Alex?" Tanong nito.
"No, ayokong sabihin."
"Why son? Kinakahiya mo ba ang mommy mo?"
Naiiritang nilingon ko si daddy.
"Dad, wala na akong mommy, ok?" Nakakainis.
"Ok, ok. Tama na ang kakainom, uuwi ka pa." Awat nito. Medyo may tama na nga ako. Inabot na rin kami ng gabi.
------
Alex's POV
Ginabi na ako ng uwi dahil kasama ko ang dalawang adik. Imbes na pagsusukat lang ng gown ang gagawin ko, nagshopping pa kami! Su Amanda kasi daming hiling porker buntis. Tsk!
Teka, anong oras na rin at wala pa si Stan. Sinipat ko ang orasan, 10pm na.
Maya-maya lang may bumubusina na sa labas. Hindi ba sya marunong magbukas ng gate? Lumabas na lang ako.
"Oh? Manong Eddie?" Driver ni tito.
"Good evening mam! Eh lasing na po kasi si Sir Stan, nag inuman po sila ni Sir." Sabi nito na napapakamot pa.
"Ganun po ba? Sige po manong, patulong na lang po ako sa pagpasok kay Stan sa loob."
"Opo."
Hirap-hirap kami ni manong eddie sa pagbuhat kay Stan, ang laki-laking tao kasi.
"Salamat po manong." Yun lang at lumabas na si manong. Mamaya ko na ilolock ang gate, safe naman ang lugar namin.
"Nakakaasar ka! Iinum-inum tapos hindi naman pala kaya!" Singhal ko kahit na alam kong hindi nya ako maririnig.
Naiinis na hinubad ko ang polo nya. Hmmp! Amoy alak! Hinubad ko na rin ang pants nya, pero syempre iniwan ko yung boxer nya, haha! Pinunasan ko na rin ang katawan nya.
Dumilat sya.
"Babe.. Kanina ka pa ba?" Sabi nito.
"Gusto mong matamaan ng suntok? Ano namang naisipan nyo ni tito at naglasing kayo?" Sermon ko sa kanya.
"We're just happy!" Parang baliw na sagot nya.
"Ewan ko sayo Stan." Tatayo na sana ako ng bigla nyang hilain ang braso ko at mapahiga ako sa dibdib nya.
"I love you, Alex." Bulong nito ng paulit ulit.
"I love you too Stanley." Sagot ko.
"Don't leave me.. Please. Don't."
"I won't, promise." Yinakap ko na rin sya ng mahigpit.
BINABASA MO ANG
My Brutal Wife 2
ChickLitPanibagong pagsubok, paghihirap sa buhay nina Stanley at Alexandra Martin. 01/31/2017 Highest Rank #62 in Chicklet