Alex's POV
Hindi naging madali ang mga sunod na buwan para sa akin. Naging sensitive ako, at moody.
Laking pasasalamat ko at naiintindihan ako ng mga tao sa paligid ko. Grabeng pagpapasensya ang ginagawa nila, lalo na ang asawa ko.
Nakaharap ako ngayon sa salamin at pinagmamasdan ang sarili ko. Napakalaki na ng tyan ko, di ko alam kung nakakahinga nga ba talaga ang baby ko sa loob.
"A-Aray." Napahawak ako sa tyan ko. Omg! Manganganak na ata ako!
"Stan!!" Sigaw ko.
Tarantang lumabas naman si Stanley sa C.R na nahihirapang itapis sa katawan ang towel.
"What happen?" Hindi magkandaugagang tanong nito.
"Aray! Manganganak na ata ako!" Halos mapaupo na ako sa kama sa sobrang sakit.
"Really?" Excited na tanong nito at kinuha ang cellphone.
"Hey! Anong ginagawa mo?!"
"Itetext ko sila John." Nakangiting sabi nito.
Kung hindi lang masakit ang balakang ko, baka naupakan ko na sya!
"Uunahin mo pa ba yan kesa sa panganganak ko?!" Sigaw ko.
Natigilan naman sya. "Ay oo!"
Agad nitong kinuha ang mga nakaready na baby kit at inalalayan akong tumayo.
"Utang na loob Stanley! Pupunta ka sa hospital na nakatowel lang?" Omg! Nakakaloka!
"Wait." Agad itong tumakbo sa closet at nagsuot ng short, kumuha rin sya ng white t-shirt at isinukbit sa balikat.
"Let's go."
Pagkasakay sa kotse ay hindi na ako nag seatbelt pa, dahil mas iniinda ko pa ang sakit.
"Bilisan mo!" Sigaw ko.
Hindi ko alam kung saan ako kakapit para mailabas ang sakit.
Napalingon ako sa kanya at dali-dali syang sinabunutan.
"A-Aray! Babe! Baka mabangga tayo!" Sigaw nya.
"Masakit! It's your fault!" Naiiyak na talaga ako.
"I know! I know! Let go of my hair babe, masakit." Angal nito.
"Mas masakit 'yung nararamdaman ko Stan!"
"Okay! Relax! Inhale, exhale, babe." Hinawakan nya ang kamay ko na nakasabunot sa kanya.
Binitawan ko na ang kamay nya at kumapit na lang sa kanya.
Lord, tulungan Mo po kami.
---
Kaagad akong pinahiga sa hospital bed pagdating namin.
"Misis, inhale, exhale po tayo." Sabi nung nurse.
"Hoo~ Hoo~" Relax Alex.
"Mister, maiwan po muna kayo dito sa labas."
Saglit kong tinignan si Stan.
"Babe, kaya mo 'yan. Be strong, okay? I love you." He kissed my forehead.
"I love you too."
---
Stan's POV
"Sir, gusto nyo po ba na manghiram muna ng hospital gown?" Pag aalok sa akin nung nurse. Napansin kong nakatingin sya sa katawan ko.
Sht! Wala nga pala akong suot na damit.
"No, no. Thank you." Agad ko namang sinuot ang damit na dala ko.
I already texted our relatives, at papunta na sila.
Hindi ako mapakali. Halo-halo ang nararamdaman ko.
Alam kong kaya ni Alex 'yun. Sya pa, eh napakalakas nya.
"Stan." Nakita kong papalapit na sa akin ang magulang ko at magulang ni Alex, pati na rin ang mga kapatid at close friends namin.
"Congrats pare." Sabi ni James.
"I'm so excited for our princess." Sabi ng papa ni Alex.
Lumipas ang isang oras at lumabas na ang doktora.
"Kamusta doc?" Agad na tanong ko.
"Congratulations Mister, it's a healthy baby boy." Masayang balita ng doctor. "Ililipat na namin sya mamaya sa kwarto para mabisita nyo, maiwan ko muna kayo." Dagdag nito bago umalis.
"Congratulations Son." Niyakap ako ni daddy.
Hindi ako mapalagay, kailangan kong makita ang mag-ina ko.
BINABASA MO ANG
My Brutal Wife 2
ChickLitPanibagong pagsubok, paghihirap sa buhay nina Stanley at Alexandra Martin. 01/31/2017 Highest Rank #62 in Chicklet