Alex's POV
Nagmamadali akong kumilos pag gising ko. Kasi naman! Ang sarap matulog kapag katabi mo 'yung taong mahal mo.
Malelate na ako!
"Hindi ka ba muna kakain Hija?" Pahabol ni Manang.
"Hindi na po! Pakisabi na lang po kay Stan na pumasok na ako." Huling sigaw ko bago paandarin ang kotse.
Nung makarating ako sa office ay puro pagbati ang natanggap ko.
"Congrats Martin!"
"Invite mo kami ah?"
"Ang swerte mo!"
Ang mga sagot ko?
"Salamat."
"Oo ba!"
"I know~"
Hayy~ para naman akong magpapakasal sa artista.
"Martin, tawag ka ni Chief sa office nya." Bungad sa akin ni Ramirez.
"Sige." Agad naman akong pumunta.
"I want you to handle this case." Sabi ni Chief sabay abot sa akin ng folder.
Binabasa ko 'yun. "Stella Isaac Case 2009"
"Chief ang tagal na nito ah? Ioppen ulit ang kaso?"
"Oo. Nakalaya kasi 'yung suspect, at nagsumbong 'yung biktima na binalikan sya."
Hayy. Kawawa naman 'tong si Stella. Ayaw ko talaga sa lahat ay 'yung mga babaeng naaapi.
Paglabas ko ng office ni Chief ay agad kong binasa ang nakapaloob sa folder.
Stella Isaac, walang nakalagay na edad, pero merong address. Binugbog ng kanyang kinakasama, nakulong din naman ang suspect. Etc. Etc.
Napapailing na lang ako sa nabasa ko.
(Kring. Kring) Naagaw ang atensyon ko ng tumunog ang cellphone ko.
Si Stan.
"Hello?"
[Anong ginagawa mo?]
Wala ba 'tong trabaho at patawag-tawag lang?
"May binasa lang akong kaso."
[Hmm. Pag gising ko wala ka na.] May halong pagtatampo ang tinig nya.
"Tulog ka pa kasi kanina, hindi na kita ginising dahil alam kong pagod ka." Pagpapaliwanag ko.
[.....] Hindi sya nagsalita.
"Nandyan ka pa ba?"
[Let's have lunch together.]
"Hindi ko alam kung makakasabay ako sayo. You know, may case akong aasikasuhin ngayon, pupuntahan ko pa yung victim." Sana maintindihan nya.
[Is that safe?]
"Oo naman." Pero joke lang 'yun, hindi ko kasi sigurado kung ligtas ba na puntahan ang lugar na 'yun.
[Nabaril ka na ng isang beses. I don't want that to happen again. May kasama ka bang pupunta dun?] Naninigurista ang tinig nya.
"O-Oo! May kasama ako!" Pero wala talaga.
[Are you sure?]
"Yeah babe. 100% sure." He.He.He.
[Okay. Kita na lang tayo mamaya.] He ended the call.
Phew~ Buti nakalusot ako.
"Ano 'yan Martin?"
BINABASA MO ANG
My Brutal Wife 2
ChickLitPanibagong pagsubok, paghihirap sa buhay nina Stanley at Alexandra Martin. 01/31/2017 Highest Rank #62 in Chicklet