Ilang araw ang lumipas at talagang ilag sa akin si Stan.
Umaalis sya minsan sa bahay na hindi na kumakain, wala manlang kiss. Pag uwi naman, diretso study room na sya, dun na rin sya natutulog minsan.
Napupuno na rin ako, pero iniisip ko lang na kailangan nya talagang mapag isa para makapag isip sya.
Ito ako ngayon at papunta sa opisina nya. Balik trabaho na rin ako sa pagpupulis.
"Good afternoon mam." Bati sa akin ng secretary nya. Ngumiti lang ako.
Kumatok ako ng dalawang beses bago pumasok.
Opps. May kasama sya. Naupo na lang ako sa gilid. Magkaharap sila ng kausap nya, saglit pang napalingon sa akin si Stan.
"I'm sorry for not answering your call. " Sabi ni Stan.
"It's okay Stanley. Just keep me updated. Can we have dinner after your work?" Nakangiting sabi nung blonde girl.
Hindi ako nagseselos. Hindi ako nagseselos.
"Sure." Masiglang sagot ni Stan.
Ok. Nagseselos na ako.
"Good. I'll leave now." Bigla nyang hinalikan sa pisngi si Stan.
"I'll send you outside." Tumayo na rin si Stan. Dinaanan nya lang ako at dumiretso na palabas.
What? Invisible ba ako dito? Hangin lang ba ako? Hindi nya ba ako nakita?
Naghintay ako ng ilang minuto, ilang oras, pero wala pa rin sya kaya lumabas na rin ako.
Nakita ko sya katabi ng guard at nakikipag usap. Humarap ako sa kanya. Nang gagalaiti na ako sa galit.
Mukha namang nagulat sya dahil nawala ang ngiti sa labi nya.
"Ang tagal mong bumalik." Kalmadong sabi ko.
"I forgot." Sabi nito. Naglakad ito papasok sa isang kwarto, sinundan ko sya.
I take a deep breath.
"Ilang oras akong naghintay sa opisina mo, pero hindi ka bumalik." Kalmado pa rin ako.
"I said I forgot. Ok? Are you happy?" Sarkastikong sabi nito.
No, hindi 'yun ang hinihintay kong sabihin nya.
"Kasama mo lang yung blonde na yun, nakalimutan mo na ako."
"Stop it ok? I'm tired!" Sigaw nito.
"Eh putcha pa lang tired-tired na yan eh! Isang salita lang ang hinihintay ko sayo! Sorry lang! Ilang oras ako dun naghintay, dinaanan mo lang ako na parang wala kang nakita!" Hindi ko na kinaya ang emosyon ko.
"Ito ba ang gusto mo? Ha? Ang hindi tayo magpansinan? Sige! Kung dyan ka masaya! Napapagod na ako kakaintindi sayo, masyadong sarado yang utak mo!" Akma na akong aalis.ng bigla nyang hikitin ang braso ko.
"We're not yet done talking." Mariing sabi nito.
"Tapos na!" Hinawi ko ang kamay nya sa braso ko at tuluyan ng lumabas.
Kasabay ng pag sara ko ng pinto ay ang pagtulo ng luha ko.
Umiiyak ako habang nag ddrive pauwi sa bahay, hindi ko na kaya pang pumasok sa trabaho. Mukhang gusto nya namang mag isa eh. Napapagod na ako sa pag iwas nya. Nakakapagod na.
Dumiretso ako sa kwarto, kumuha ng ilang damit at lumipat sa guest room, dito muna ako mag sstay. Nahiga na ako. Gabi-gabi akong napupuyat kakahintay na tatabi sya sa akin at yayakapin ako sa gabi, kaso wala.
Naalimpungatan ako ng makarinig ng kalabog sa labas. Agad akong lumabas para tignan 'yun. Naabutan ko si Stan na nasa sala at umiinom, may mga basag na bote, kalat-kalat na pagkain.
Pinagmasdan ko lang sya. Naaawa ako sa kanya pero kailangan nyang tanggapin ang mga nasa paligid nya para wala na syang dinadala na mabigat sa pakiramdam nya.
Hinayaan ko na lang sya at bumalik na ako sa kwarto at natulog.
--
Patawad po at ngayon lang ako nakapag update, super busy kasi :/ Enjoy!!
BINABASA MO ANG
My Brutal Wife 2
ChickLitPanibagong pagsubok, paghihirap sa buhay nina Stanley at Alexandra Martin. 01/31/2017 Highest Rank #62 in Chicklet