Alex's POV
"Arrgh!" Sigaw ni Stan at napahawak sa ulo.
"O ano? Sakit no? Kumain ka na dyan para makainum ka na ng gamot." Sabi ko.
"Paano ako nakauwi?"
"Hindi mo maalala? Tsk! Tsk! May nangyari sa atin!" Sabi ko.
Nanlaki naman ang mata nya. Pag gising nya kasi ay wala na ako sa tabi nya.
"Holy-- Fck! Are you serious? I can't remember anything!" Frustrated na sabi nito.
"Lasing na lasing ka eh! Masyado kang malakas kaya hindi ako nakapang laban." Sabi ko. Pinipigilan ko na rin ang tawa ko.
"Alex! Bakit ka pumayag? Wala akong maalala! Shit naman oh!" Napahawak na sya sa ulo nya lalo.
"Ikaw kasi eh! Masyado kang mapusok!" Pang aasar ko.
"Fck! Fck! Fck!" Hindi ko na mapigilang matawa.
"HAHAHAHAHA~~" Naluluha na ako.
"Niloko mo ko?" Napatayo na si Stan.
"Grabe! Haha! Nakakatawa ka!" Hindi ko pa rin mapigilang tumawa.
"Ah ganun!"
Nagulat ako nung bigla syang lumapit sa akin at kiniliti ako ng kiniliti.
"Sht! Stan haha-- stop it!" Sigaw ko.
"No! Niloko mo ko! Akala ko may nangyari talaga."
"Tama na haha-- ang sakit na ng tyan ko!" Niyakap naman ako nito.
"Wag mo ng gagawin yun, okay?" Sabi nito.
Tumango lang ako.
He gently kiss me. I kiss him back. Bigla ako napahiwalay ng makaramdam ng kakaiba.
"Why?" Tanong ni Stan.
"Saglit lang." Tumakbo ako sa C.R at naupo sa bowl. Tama nga ang hinala ko.
Agad akong naghanap ng napkin sa cabinet ng C.R, sht! Wala na? Ugh! Nakalimutan kong mag grocery!
"Stan!"
"Yes babe?"
Nagtapis muna ako ng towel sa ibabang parte ng katawan ko at sumilip sa pinto.
"A-Ano.. Ahmm.." Paano ko ba 'to sasabihin?
"Ano ba yun? May problema ba dyan?" Nag aalala na rin ang itsura nya.
"Ano.. Kasi-- Meron ako ngayon. Naubusan ako ng napkin." Nahihiyang sabi ko. Feeling ko lahat ng dugo napunta na sa mukha ko.
"O? Yun lang pala, bili ka na." Sabi nito at ngumiti pa.
Tinignan ko sya ng masama.
"Tingin mo ba makakalabas ako ng ganitong itsura?" Binuksan ko ang pinto at nakita nya akong nakatowel lang. "Gusto mong duguin ako lalo sa labas?"
"Relax. Ako na lang ang bibili. Anong brand ba?"
"Basta may wings!" Naiinis na sagot ko.
"Wings? Baka maghabulan pa kami nun Babe!" Pang aasar nito.
"Dalian mo na!"
"Ok!" Sagot nito at bigla akong hinalikan sa labi bago umalis. Napangiti na lang ako.
------
Stan's POV
Napasubo ata ako ng wala sa oras ah. Saan ba ang malapit na store dito?
"Ayun!" Pinark ko na ang sasakyan at kaagad na bumaba.
Pagpasok ko sa isang store ay may mga estudyante lang na iilan.
Saan ba yun dito? May winga daw? Pumunta ako sa mga corner ng napkin. Sht! May dalawang babae na estudyante.
"Mas maganda ang may wings para kahit anong likot mo, hindi kaadag matatanggal." Sabi nung isa.
"Nakakailang kasi." Sagot naman ng isa.
Pareho silang napalingon sa akin.
"Ang pogi ni kuya."
"Oo nga, teka, anong ginagawa nya dito? Section to ng mga napkin ah!"
"Oo nga! Baka binibilhan nya yung girlfriend nya."
"Ang sweet."Ugh! Kumuha na kaagad ako ng dalawang pack ng napkin na may pakpak at bahagyang lumingon sa dalawang babae, nakangiti sila sa akin kaya ngumiti na lang din ako.
Pagdating ko naman sa counter, babae pa rin ang cashier. Dyahe!
Nakangiti lang 'to sa akin habang pinaprocess ang binili ko. Buti na lang private ang buhay ko, kung nagkataon na hindi, malamang ay kilalang kilala ako ng mga tao dito.
Kaagad akong nakarating sa C.R.
"Babe?" Binuksan nya ang pinto at lumabas. "Ito na."
"Salamat." Agad syang pumasok sa C.R at sinara ang pinto. Wala man lang kiss. Tsk!
Maya-maya lang ay lumabas na sya. Nakayuko.
"Kain na tayo babe." Pag aaya ko.
"A-Ano-- Hmm. Mauna ka na." Sabi nito at mukhang aakyat na sa kwarto. Hinawakan ko na sya sa kamay.
"Hey, let's eat." Pangungulit ko pa.
"Kasi--
"Nahihiya ka?"
"O-Oo." Palihim akong napangiti.
"Don't be, okay?" Tumango tango lang sya. "Let's eat." Inakay ko na sya papunta sa lamesa. My lovely wife.
----
Kamusta mga readers ko? Hehe. Pasensya sa matagal na update T.T
Sana magustuhan nyo. Sana rin suportahan natin ng bongga ang love story nina Alex at Stan, Salamat!!
BINABASA MO ANG
My Brutal Wife 2
ChickLitPanibagong pagsubok, paghihirap sa buhay nina Stanley at Alexandra Martin. 01/31/2017 Highest Rank #62 in Chicklet