Babala!!!
Para po sa mga kabataan na readers ng story na 'to. Please! Please! Skip this chapter. Para po ito sa mga open minded at matured na isip. Alam ko may mga bata akong readers, I think 12, 13 something. Wala naman kayong malalaktawan na daloy ng story kahit iskip nyo 'to. Basta gagawa sila ng baby! Tapos! Haha!
At para sa mga naghintay, ayan na! Ayan na!
---
24
"Late na ba ako?"
Napalingon kaming lahat sa nagsalita.
"Felix!" Napatayo ako sabay yakap sa kanya.
"Woa! Woa!" Sigaw ni Amanda.
"Late ka na!" Sabi ko pagkahiwalay sa kanya.
"Pasensya na ha? Ayaw kasi akong paalisin ng anak ko kanina." Sabi nito na napapakamot pa sa ulo.
"Pare." Nilapitan na kami nina Stanley.
"Long time no see." Nakipag kamayan si Jc at James kay Felix.
"How's life?" Sabi ni Kuya John.
"Ito, masaya." Sagot ni Felix. Halata nga sa mata nya na masaya sya ngayon.
"Bakit hindi mo sinama ang asawa mo?" Biglang sulpot ni kuya Alfred.
"She's busy to her business eh, ibati ko na lang daw sya sa inyo Alex." Sabi ni Felix.
Masaya ang bawat oras na muling pagsasama naming lahat, ngayon na lang ulit nangyari ito, para kaming nagreunion.
Dumating ang mga dati kong ka-volleyball team, ganun din ang ka-basketball team dati ni Stan. Syempre hindi mawawala sina Coach Sarah at Coach Gerald. Wala na akong mahihiling pa.
Biglang nagpatugtog ng sweet music ang Dj.
"May I have this dance?" Inilahad pa ni Stan ang kamay nya. Malugod ko naman 'yung tinanggap.
"Ilang taon na rin tayo, pero hindi pa rin nawawala ang ka-sweetan mo." Sabi ko habang nagsasayaw kami.
"Syempre naman, para lagi kang kiligin." Hinalikan nya pa ako sa noo.
"Manganganak na si Amanda sa una nilang baby, si Georgia naman, balita ko buntis na naman sa pangatlo nilang anak. Tayo kaya?" Pagpaparinig nito sa akin.
"Gusto mo gumawa na tayo ngayon?" Sabi ko.
"Seryoso?" Parang hindi makapaniwalang tanong nito.
"Diba sabi ko sayo, after ng kasal natin saka tayo magbebaby."
"Tara na!" Akma ako nito hihilain ng pigilan ko sya.
"Sayaw muna tayo." Yinakap ko sya ng mahigpit at ganun din ang ginawa nya sa akin.
"I love you Alexandra."
"I love you too Stanley."
And we sealed it with a kiss.
---
"Maligo ka na." Sabi ko kay Stanley pagdating namin sa bahay.
"M-Mauna ka na."
"Okay." Hinubad ko na ang gown ko. Wag green! May tube at cycling pa rin ako.
"Sexy." Sabi ni Stan sabay sipol.
Dinilaan ko lang sya at dumiretso na sa c.r.
Habang naliligo napaisip ako. Gagawin na ba talaga namin 'yun? Kinakabahan ako! Hooh!
BINABASA MO ANG
My Brutal Wife 2
ChickLitPanibagong pagsubok, paghihirap sa buhay nina Stanley at Alexandra Martin. 01/31/2017 Highest Rank #62 in Chicklet