Alex's POVIt's been 8 months. Eight months ng paghihirap sa pagpapalaki kay Jb, pero sulit dahil sa konting ngiti lang ng anak namin ay napapawi lahat ng pagod namin.
Abala ako sa pagluluto habang sya naman ay pinapatulog si Jb.
Everything seems so perfect when our baby was born. Lalo kaming naganahan gumising sa umaga dahil alam namin na may magpapasaya sa amin.
Ngayon ang iisipin namin ay palakihin ng mabuti si Jb. Minsan nga ay nagtatalo kami ni Stan kung anong kurso ang ipapakuha namin, hanggang sa marealize namin na malayo pa pala 'yun.
"Anong iniisip mo?" Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Stan.
"Wala. Nakatulog na ba si Jb?" Hinarap ko sya at niyakap na rin.
"Oo, pinaakyat ko na kay Manang. Babe? Gawa na tayo ng kalaro ni Jb." Ngali-ngali kong batukan si Stan sa sinabi nya.
"Ano ka? Sinuswerte? Kung gusto mo, ikaw manganak!" Sabi ko.
"Biro lang naman. Ayoko nang makita na nahihirapan ka sa panganganak." Napatitig ako sa kanya. "Ayokong makita na nasasaktan ka, na umiiyak ka. Kung pwede lang na ako na ang manganak, wag ka lang nahihirapan."
Kusang tumulo ang luha ko sa mga sinabi nya. Kahit ilang taon na kaming magkarelasyon ni Stanley ay hindi pa rin nawawala ang pagiging malambing namin sa isa't-isa.
"I love you Stan, salamat at naiintindihan mo ako. Salamat." Sabi ko at niyakap ko sya ng mahigpit.
"I love you too, Alex."
---
"Nasaan na si Stan, manang?" Tanong ko kay Manang pagkapasok namin sa simbahan.
"May pinuntahan po saglit." Sagot nito.
Lumingon-lingon pa ako sa paligid, at ayun sya, talking with one of his ex-flirtfriend. Tinignan ko lang sila ng masama. Naiirita talaga ako sa babae na 'yun, minsan ko na rin kasi syang nakasagutan noong college pa kami.
Be good Alex, nasa simbahan tayo.
Napalingon sa akin si Stan at isang malaking ngiti ang binigay nya sa akin. Tignan ko lang kung makangiti ka pa mamaya.
Kakauwi lang namin galing sa church, at talagang hindi ko sya kinikibo. Alam kong hindi dapat ako magselos dahil asawa ko na si Stan, kaso hindi ko lang talaga mapigilan.
"Babe kanina ka pa walang imik, may masama ba pakiramdam mo?" Tanong nito.
"Hindi." Simpleng sagot ko at pinakarga si Jb kay Manang. "Magluluto muna ako." Hindi na muna ako nag bihis at sinimulan ng magluto.
Naramdaman kong sumunod sya sa akin. "May problema ba tayo?" Tanong ulit nya.
"Pwede ba Stan?! Wala nga sabi!" Hindi ko napigilang sigaw.
"Relax Alex, nagtataka lang ako dahil tahimik ka." Napaatras na sabi nya.
I take a deep breath bago simulan ang pagluluto.
ANG INIT NG ULO KO.
Maya-maya lang ay naramdaman kong niyakap nya ako mula sa likod at hinahalikan ang balikat ko.
"I know you're jealous. Nagkamustahan lang kami. She's with her husband and son. Don't be jealous babe, I'm yours, you know that." Malambing na sabi nya.
"I know that. Hindi ko lang mapigilan. I don't know." Pag aamin ko.
"Natural lang 'yan, gwapo ang asawa mo eh." Natawa kami pareho sa sinabi nya. "Shower tayo babe." Pag-aalok nya.
At sino ba naman ako para tumanggi? Iniwanan ko ang mga gulay na hinihiwa at para kaming excited na mga bata habang umaakyat sa hagdanan.
Agad kaming pumasok at CR. Binukasan ni Stan ang shower at nabasa na kaming dalawa. Dahan-dahan nyang hinubad ang damit ko, ganun din ang ginawa ko sa kanya.
Binigyan nya ako ng isang matamis at punong-puno ng pagmamahal na halik. Isang halik na nagpapatunay ng pagmamahalan naming dalawa.
I know na marami pa kaming pagdadaanan na pagsubok, pero hindi kami susuko para sa forever.
Alam kong walang forever, pero we will enjoy our days together.
--
Note:
I'm so sorry for the long wait, inayos ko 'tong chapter na to kasi napangitan ako, at hanggang ngayon, pangit pa rin. Sorry talaga, nawalan kasi ako ng inspiration, bigyan nyo nga ako :)
BINABASA MO ANG
My Brutal Wife 2
ChickLitPanibagong pagsubok, paghihirap sa buhay nina Stanley at Alexandra Martin. 01/31/2017 Highest Rank #62 in Chicklet