Alex's POV
"So matagal na ba sya sa company?" Bungad ko sa kanya pagpasok sa kotse niya.
"Hmmn. Two weeks na. Nakakatulong sya sa company, kanina lang medyo sumabit." Napakamot pa sya sa ulo nya.
"Why?"
"Tinanggap nya yung request sa G-Gabriela." Napayuko sya.
"Really? That's great. Wait, did I just agree to her?" Ugh!
"Yes you are, babe." Tinignan ko sya ng masama.
"Ngayon lang 'to. Gusto ko 'yun Stanley, I want to be there." Excited na ako.
"No you can't, Alex." Sumeryoso sya bigla.
"Yes I can, babe." Nakipagtigasan pa ako sa kanya.
"Ang tigas talaga ng ulo mo." Sabi ni Stanley at ginulo-gulo pa ang buhok ko.
Sumimangot lang ako.
"Nga pala, naalala mo pa yung kaso na hawak ko? Yung kay Stella Isaac?" Tinignan ko sya. He's busy driving.
"Y-Yeah. Why?"
"She suddenly change her mind. Ayaw nya ng magpatulong, hindi ko alam kung bakit." 'Di talaga ako mapakali kung bakit hindi pumayag si Stella.
"Let her. Kung ayaw nya, edi wag." Nilingon ko sya.
"What's with you? Bakit ganyan ka magsalita?" Hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig nya.
"What? Tama naman ako ah!" Sagot nya at agad na binalik ang tingin sa daan.
Alam kong may mali sa inaasal nitong lalaki na 'to.
"Kailan ang punta nyo sa Gabriela?" I change the topic.
"That's not gonna happen, Alexandra."
"Why? Why?!" Hindi ko na mapigilan ang pagtaas ng boses ko.
"Because I said so." Saglit nya akong sinulyapan.
Mariin kong pinikit ang mata ko.
"Magtatrabaho ako sa company, and whether you like it or not, I'll be the one handling that project!"
"What?" Biglang nagpreno si Stan, siguro kung hindi ako naka seatbelt, lumusot na ako sa bintana.
"You can't do that Alexandra Martin!" Banta nya sa akin, pero dahil matigas ang ulo ko, hindi ako makikinig.
"Wag mo akong subukan Stanley Martin!" Nginitian ko pa sya.
"Sht!" He look wasted. Haha!
-----------------
I'm on my way papunta sa company. Nagleave muna ako sa trabaho ko para maasikaso ko ito.
"Good morning mam!" Napalingon ako sa Guard.
"Good morning din po."
Hinihintay kong magbukas ang elevator, may mga empleyado na rin akong nakasabay maghintay.
(Tingining ngining) Agad kong sinagot ang phone ko.
[Hello babe.]
"Yes babe? Papunta na ako dyan." Sagot ko sa kausap ko na unggoy.
[Nandito ka na agad?]
"Bakit? Ayaw mo Stanley?"
[H-Hindi naman.]
I smell something fishy.
"Sige. Magkita na lang tayo dyan." Pinatay ko na ang phone.
Nang makarating ako sa tapat ng opisina nya ay hindi na ako nag abala pang kumatok.
Nagulat ako sa nakita ko.
Si Stella. Anong ginagawa nya dito?
"A-Alex.." Agad na lumapit sa akin si Stan at hinalikan ako sa labi.
Biglang nagpunas ng luha si Stella. Umiiyak ba sya?
Pinulupot ni Stan ang kamay nya sa bewang ko. Inalis ko yun at lumapit kay Stella.
"Umiiyak po ba kayo?" Hinawakan ko ang balikat nya, nanginginig sya.
"N-Naku. Hindi hija. Tears of joy. Nagpapasalamat lang ako kay S-Sir Stanley dahil napili nilang tulungan ang tinutuluyan ko." Humagulgol na naman sya ng iyak.
Tinignan ko si Stan, umiwas lang sya ng tingin.
"Wala po yun. Sabi nga po nila, share your blessing, kaya po shinishare ni Stan yun sa inyo." Sinenyasan ko si Stanley na lumapit sa akin. Pero umiling lang sya.
"Martin." Tinignan ko sya ng masama. Wala na naman syang nagawa.
"W-Walang anuman." Yun lang ang sinabi nito. Pinulupot lang nya ang kamay nya sa braso ko.
"Ma-Mauna na ako sa inyo. Salamat." Yun lang at umalis na si Stella.
"Alex." Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Stan.
"What's wrong babe?" Sabi ko habang pinapat ang likod nya.
"Nothing." Hindi na ako nagtanong pa.
-----
BINABASA MO ANG
My Brutal Wife 2
ChickLitPanibagong pagsubok, paghihirap sa buhay nina Stanley at Alexandra Martin. 01/31/2017 Highest Rank #62 in Chicklet