6

8.3K 166 2
                                    

Alex's POV

Nung pauwi na, I take the opportunity para makausap si Ramirez.

"Hey!" Pasimple ko syang siniko.

"Congrats." Sabi nya.

"Salamat sa tulong nyo kanina." Err-- Awkward.

"Wala 'yun no. Ikaw pa ba, kaibigan kita eh." Sabi nya ng nakayuko.

Na-touch ako kaya napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Thankful ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na katulad nya sa trabaho, maunawain. Maswerte ang magiging girlfriend nito panigurado.

"Tama na! Baka kung ano pa isipin ng makakita sa atin." Pilit syang kumakawala sa yakap ko. Natawa naman ako.

Kaso parang na-conscious ako, feeling ko may nakatingin sa amin. Lumingon ako sa paligid. Hindi nga ako nagkamali dahil matalim na nakatingin sa amin si Stan.

"Sige. Salamat ulit. Babye." I said as I wave my hand to Ramirez.

Nilapitan ko na si Stan. Nakakunot noo sya.

"Katrabaho mo lang ba talaga 'yun?" Paninigurado nya.

"Oo." Problema nito?

"Katrabaho daw, may yakap-yakap pang nalalaman." Bumulong sya, pero hindi ako bingi para hindi marinig 'yun.

"Masama bang yumakap sa kaibigan?" Pang-aasar ko pa.

"Oh? Kanina katrabaho tapos ngayon kaibigan naman? Ano ba talaga?" May pagka-irita na ang boses nya.

"Ikaw kakauwi mo pa lang, ganyan ka na agad. Tara na nga." Inakbayan ko na sya papasok sa kotse, para wala ng palag.

Teka. May naalala ako, may kasalanan pa pala sa akin 'tong unggoy na 'to.

Bumitaw ako sa pagkaka-akbay sa kanya at nagpameywang sa harap nya, nasa loob na sya ng kotse.

"What are you doing? Pumasok ka na." Nakakunot noo nyang tanong.

"Bakit nga pala sobrang busy mo noong mga nakaraang buwan? Ha?" Pagtataray ko. Hindi nya kasi magawang sagutin 'yun kapag kausap ko sya sa phone dahil lagi syang nagmamadali.

"I was busy preparing for our wedding." Sabi nya at lumabas sa kotse. Humarap sya sa akin at nilagay ang mga kamay nya sa bewang ko. Hinila nya ako papalapit sa kanya. "I'm sorry. Surprise ko talaga sayo 'yun. Kung alam mo lang, kapag lagi mo akong sinisigawan sa phone, gustong-gusto ko nang sabihin ang plano ko, wag ka lang magalit." Buong paglalambing na sinabi nya.

Para namang natunaw lahat ng galit ko sa kanya.

"Edi dapat sinabi mo na lang para hindi ako nagalit sayo. Maiintindihan naman kita eh." I put both of my hands in his chest.

"'Wag daw sabi ni Alfred eh." Natatawang sabi nya.

"Si kuya talaga. Tatamaan sa akin 'yun." Natawa na rin ako at tuluyan nang nawala ang galit.

Pagdating sa bahay ay parang ayaw pa nyang pumasok.

"May problema ba?" Tanong ko, kasi naman nakatitig lang sya sa bahay.

"Ngayon ko lang 'to nakita ng personal, sa picture ko lang kasi 'to nakita nung nasa US ako. Maganda nga." Sabi nya na parang kumikinang pa ang mata.

I take a deep breath.

"Tara na." Inangkla ko na ang braso ko sa kanya, baka kasi abutin pa kami ng umaga kakatitig nya.

Dumiretso na ako sa kwarto para magbihis, at sya? Nasa baba pa, naglilibot.

Parang ang bilis nang pangyayari. Noong mga nakaraang araw ay halos ibato ko na ang phone dahil sa sobrang inis ko sa kanya, at ito kami ngayon, ikakasal ulit.

Paglabas ko ng c.r ay naabutan ko si Stan na naghuhubad ng polo.

"Still macho as ever." Nakangiting sabi ko.

Napalingon naman sya.

"Syempre, hindi ko pwedeng pabayaan ang katawan ko." Sabi nya at lumapit sa akin.

Hinawakan nya ang mukha ko.

"I missed you." Kahit pabulong nya sabihin 'yun ay ramdam na ramdam ko ang mga emosyon.

"I missed you too." Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, karakaraka na! Siniil ko sya ng halik.

Alam kong nagulat sya sa ginawa ko dahil natigilan sya, pero nakabawi rin naman agad.

His left hand is roaming around my waist, while the other one is on my face.

I miss his touch. I miss his lips. I miss his smell, oh damn! I miss everything about him!

Tumigil kami sandali para huminga. Nakatitig lang kami sa isa't-isa.

"Let's reserve that for our honeymoon." Makahulugang sabi nya. Ngumiti rin ako.

Bilid din ako sa lalaki na 'to. Nakayanan magpigil. We all know that Stanley Martin is one hell of a playboy, alam kong marami ng napasigaw 'yan sa kung saan man. I'm thankful na nirerespeto nya ang desisyon ko. Napaka swerte ko talaga!

My Brutal Wife 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon