21

7.3K 129 0
                                    

Alex's POV

Ang saya sa pakiramdam ng ganito, ang makita ang mahal mo na masaya kasama ang mga taong mahalaga sa buhay nya.

"Tita Stella, mag meryenda po muna kayo." Inilapag ko na ang binake kong cake.

Nagkekwentuhan kasi silang magpapamilya.

"Salamat hija, maupo ka na dito." Pag-aalok nya.

"Sige po." Nilingon ko si Stan pero iniwasan nya 'yung tingin ko.

"Balak naming pumunta sa ibang bansa para makapag bakasyon." Sabi ni tito na nakahawak sa kamay ni tita Stella.

"Mukhang maganda nga po 'yun para makapag relax manlang kayo." Sabi ni Stan.

"Babalik kami bago ang kasal nyo." Si tita Stella.

"Next, next month pa po 'yun tita." Sabi ko habang nilalagyan ng cake ang plato nila.

"I'll move it this week." Napatingin ako kay Stan.

"Akala ko ba next next month pa?" Ang gulo nya talaga.

"I want it to be as soon as possible. Ayaw mo ba?" Tumaas pa ang isang kilay nito.

"H-Hindi naman sa ganun. Ikaw kasi." Sabi ko. Hindi ko mapigilang mapangiti ng lihim.

"Good, after na lang ng wedding kami aalis." Si tito.

Lumipas ang oras na masaya ang mga kwentuhan namin, hanggang sa nagdecide sila tito na umuwi na.

Habang nagliligpit ako ng pinagkainan namin ay nakaramdam ako na may yumakap sa bewang ko. Hinarap ko sya, pinatong ko ang mga kamay ko sa batok nya.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

Tumango sya.

"I'm sorry sa inasal ko, sorry kung nasaktan kita." Sabi nya habang umiiyak.

"Wag kang magsorry, naiintindihan kita." Pinunasan ko ang luha nya.

"Salamat, kung hindi dahil sayo siguro hindi pa kami ayos ngayon."

"Ayoko namang ikasal tayo ng hindi kayo nagiging okay ni tita." Masuyo kong hinalikan ang labi nya.

"Namiss kita Alex."

"Namiss din kita Stan."

--

"Kasi naman 'yang Stanley na yan! Pabago-bago ng isip!" Reklamo ni Georgia.

"Oo nga! Pati tuloy tayo nagagahol sa oras!" Sabi naman ni Amanda habang pinagkakasya sa kanya yung gown.

"Wag ka ngang magfeeling Amanda! Ang laki na ng tyan mo!" Pang aasar ko dito. Sinimangutan nya lang ako.

"Ang dami kasing nangyari. Pero sure na talaga 'to." Sabi ko.

"Ito na lang gown mo!" Itinaas ni Georgia yung gown.

One word lang ang naisip ko. Beautiful. Heart shape tube style at pa-mermaid naman ang laylayan.

"Nice gown. Panigurado kukurba talaga ang sexy na katawan mo dyan." Sabi ni Amanda sa tonong naiingit pa kaya nagtawanan kami.

"Salamat sa inyo." I give them my sweetest smile.

---

"Nasaan na ba kasi ang asawa mo at tayo lang ang namimili ng pagkain?" Reklamo ulit ni Georgia habang kumukuha ng pagkain.

Namimili kasi kami ng mga handa pagkatapos ng kasal.

"Kasama daw sya nina kuya John, hindi sinabi kung saan pupunta eh." Sagot ko.

"Yan talagang kuya mo, minsan naiinis na ako dyan eh." Sabi ni.Georgia. Tinawanan lang namin sya ni Amanda.

"Tapusin na nga natin 'to." Sabi ni Amanda.

Natapos ng masaya ang food tasting namin. Ako na ang naghatid sa mga kaibigan ko tutal ginawa na rin lang naman nila akong driver, lubos-lubusin na daw!

Gabi na nang makarating ako sa bahay. Nadatnan ko si Stan na nakahiga sa sofa.

"Babe, gising." Kinalabit kalabit ko pa sya.

"Hmmn." Tanging sagot nya. Amoy alak!

Kapag sina kuya talaga ang magkakasama, walang hindi malalasing sa kanila.

"Stanley, bumangon ka na dyan. Lumipat ka na sa kwarto."

Dahan-dahan naman 'tong tumayo, inalalayan ko pa.

"Babe, bibili ako ng lupa sa mindoro!" Sabi nito na halatang lasing.

"Bakit ka naman bibili dun? Malayo yun ah?"

"Gusto ko dun tayo magbakasyon after our wedding."

"Oo na! Oo na!" Pagtatapos ko para lang makatulog na sya.

My Brutal Wife 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon