29

7.6K 136 0
                                    

"Mga walang hiya." Mahinang sabi ko.

Halos umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at nahirapan akong huminga. Napahawak ako sa tyan ko.

Tinignan ko ng masama ang babae na kanina lang ay nakakandong sa asawa ko. Mukhang gulat na gulat sya.

"Lumabas ka na Miss at mamaya tayo magtutuos." Gigil na sabi ko.

Dali-dali naman 'tong umalis.

Lumakad si Stan papalapit sa akin at akmang hahawakan ako. Umiwas ako at umupo sa sofa. Kailangan kong kumalma dahil talagang nanggigil ako.

"Babe." Pagmamakaawa nito.

"Sa bahay lang ako nila mommy hanggang sa manganak ako. Ipapakuha ko ang mga gamit ko mamaya kay Kuya John. Wag na wag kang magtatangka na pumunta doon. Mag-usap na lang tayo after kong manganak." I came up to that decision.

Alam ko na hindi dapat nagpapadalos-dalos lalo na kapag galit. Kaso di ko maiwasan.

"Babe wag ka namang ganyan. Let me expla--"

"Magpapaliwanag ka? Una Stanley, bakit hindi mo sinabi na babae pala ang secretay mo? Pangalawa, 'yung babae na 'yun pa talaga? Alam mo bang napakalaki ng kasalanan nun sa akin?" Hindi na ako nagsalita pa.

Tumayo na lang ako at lumabas na. Nakita ko ang secretary nya na nakayuko.

Kinuha ko ang telephone sa table nya. "Guard, pakibaba 'yung secretary ni Stanley at wag na wag nyo ng papapasukin sa building." Ibinaba ko na ang telepono.

Gulat na napatingin sa akin ang babae.

"Pinagbigyan kita nung una, pero gusto mo talaga akong banggain ano?"

"M-Ma'am kailangan ko po ng trabaho." Maluha-luhang sabi nito.

"Sana inisip mo 'yan bago ka kumandong sa asawa ng iba." Mataray na sabi ko.

"H-Hindi ko po alam na may asawa si Sir."

Natawa ako sa sinabi nya.

"Hindi alam? Bulag ka ba? Hindi pa ba patunay yung wedding ring sa daliri nya pati yung napaka laking wedding picture sa wall?" Napahampas pa ako sa table nya.

"S-Sorry po."

Maya-maya lang ay dumating na ang mga guard, sakto namang lumabas si Stan.

"Anong nangyayari dito?" Naguguluhang tanong nito.

"Inutusan po kami ni Ma'am na ibaba ang secretary nyo Sir." Sabi nung isang guard.

"No!" Mariing tutol nito.

Nanlaki ang mata ko. "Sige Stanley! Kampihan mo sya!" Sigaw ko.

"Alex pag-usapan muna natin 'to."

Nakaramdam ako ng kirot sa tyan ko. Agad akong napahawak dito.

"A-Aray." Mahinang daing ko. Maya-maya lang ay naramdaman kong may umaagos sa binti ko.

"Ma'am dinudugo kayo!" Sigaw ng isang guard.

Agad akong napatingin sa binti ko at halos mamutla ako ng makakita ng maraming dugo.

"Aray! Ang sakit ng tyan ko!" Hindi ko na napigilan ang mapasigaw.

"Babe! Tumawag kayo ng ambulance! Babe. ALEX!"

"A-Ang sakit. Tulungan nyo ako."

Hindi ko maexplaine ang sakit na nararamdaman ko. Parang may malalaglag sa akin.

"Stay with me babe." Huling salita na narinig ko bago ako nawalan ng malay.

---

Nadismaya ako ng mapansing nasa hospital ako. Ayoko dito.

Pinakiramdaman ko ang katawan ko. Agad kong hinawakan ang tyan ko.

Naalala ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay.

"Yung baby ko." Taranta akong napataupo.

"Humiga ka lang Alex." Maawtoridad na sabi ni Kuya John. "Okay lang kayo ng baby mo."

Nakahinga ako ng maluwag. Napatingin ulit ako kay Kuya John at Georgia. At yung itsura nila? Si Kuya gulo-gulo ang buhok, magulo ang pagkakasuot ng polo nya. Si Georgia naman lagpas yung lipstick!

"Anong nangyari sa inyo kuya? Bakit ganyang ang itsura nyo?" Natatawang sabi ko.

Sinamaan lang nila ako ng tingin. "Nasa bahay kami nung tumawag sa akin si Stan. Nataranta ako kaya kung ano-ano na lang ang nasuot ko."

Natawa na lang ako.

Napatingin ako sa pinto at lalo akong natawa. Si Kuya Alfred at Ate Perry! Epic yung mga itsura!

Si Kuya Alfred baliktad yung sando, nakashorts at tsinelas lang. Si Ate perry naman gulo-gulo yung tali ng buhok, may apron pa na suot!

"Gising ka na pala Alex! Kamusta pakiramdam mo?" Agad na umupo si Ate Perry sa tabi ko.

"Okay na naman po ako Ate." Inayos ko ang ilang hibla ng buhok nya.

"Hindi na kami nakapag ayos sa sobrang taranta." Natatawang sabi nito.

"Si Stan?" Gigil na sabi ni Kuya John.

"Inutusan kong bumili ng pagkain."

Maya-maya lang ay pumasok na si Stan at may dugo sa magkabilang labi. Mukhang naupakan na nila Kuya.

"Stan, ipatingin mo na yang sugat mo." Sabi ni Ate Perry habang inaabot yung dala nyang pagkain.

"Okay lang ako Ate Perry." Napatingin sa akin si Stan. Inirapan ko lang sya.

Nagulat kami ng padabog na tumayo si Kuya John at akmang susugurin si  Stan, naagapan naman ni Georgia at agad na humarang.

"Gago ka Martin! Pasalamat ka at walang masamang nangyari sa mag-ina mo! Ako talaga papatay tayo!" Gigil na sabi nito.

"Chill Kuya. Napatikim mo na nga ng suntok." Awat din ni Kuya Alfred.

"Hayaan mo sila. Ito Alex, kumain ka ng prutas. Sabi ng doctor iwasan mo daw yung mga junkfood." Nginitian ko lang si Ate Perry.

"Opo Ate Perry, salamat po." Sinimulan ko nang kumain.

"Babe." Napatingin ako kay Stan.

"Guys, labas muna tayo." Pag-aaya ni Georgia.

Ayaw pa sana lumabas nila Kuya, kaso sinabi ko na okay lang ako.

Nung nakalabas na sila Kuya, naupo si Stan sa tabi ko.

"I-I'm so sorry." Nakayukong sabi nito. "It's my fault. Nang dahil sa akin kaya ka nahospital."

Tinignan ko lang sya. I know na it's my fault too, naging pabaya ako sa mga kinakain ko.

"Payag na ako na doon ka muna kila Mommy mo magstay." Tumayo na 'to at lumabas na.

Napaluha ako. Ganun-ganun na lang 'yun? Parang inamin nya na rin na babae nya 'yung secretary nya.

My Brutal Wife 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon