Alex's POV
Hindi ko maiwasang mag-alala.
"Hey babe, are you okay?"
[Ye-Yeah I'm fine.] Narinig ko syang suminghot.
"No you're not. Umiiyak ka ba? What happen?" Nagsisimula na akong kabahan, pati si Bon hindi maiwasang lumingon sa akin.
[I'm ok. Anong oras ka uuwi?] Hindi pa rin ako mapakali kahit na sabihin nyang ok na sya.
"Pauwi na rin ako, galing kami ni Bon sa isang--"
[Hihintayin na lang kita sa bahay.] Hindi ko na natapos ang dapat kong sabihin dahil biglang nagsalita si Stanley.
"Teka nga, may problema ka ba? Sabihin mo, ano ba yun?" Hindi ko mapigilang itanong sa kanya.
[W-Wala 'to.] Narinig ko pang suminghot sya sa kabilang linya.
"Hindi pa tayo tapos dito Stanley." Ako na mismo ang unang bumaba ng telepono, bigla akong nainis sa inaasal nya.
(THIS WILL BE STAN'S FLASHBACK NUNG PUMUNTA SYA SA GABRIELA)
Stan's POV
Nandiri ako.
"Let go of me." Matigas na sabi ko. Sinunod nya naman 'yun.
"Salamat at naalala mo ako." Maluha luhang sabi nya.
"Anong kailangan mo? Bakit ka pa nang gugulo?" Walang emosyon na sabi ko. Hindi ako naaawa sa itsura nya kahit puro pasa pa sya. Kulang pa sa kanya 'yun.
"A-Anong ibig mong--" I cut her words.
"Don't you dare fool me! Tahimik na ang buhay ko, kasama ang asawa ko! 'Wag ka ng manggulo." Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko.
"Hi-Hindi ko alam ang sinasabi mo." Naiiling pa sya habang umiiyak.
"Stop lying! Ok? Layuan mo si Alex."
"Asawa mo sya? Sya ang tumulong sa akin." Parang natutuwa pa sya.
"Layuan mo sya. 'Wag kang humingi ng tulong sa kanya tungkol dyan sa kalokohan mo!" Sabi ko.
"Stanley.. 'Wag ka namang ganyan. Mahal na mahal kita." Biglang nag init ang ulo ko sa sinabi nya.
"Mahal? Naisip mo ba 'yan noon bago mo ako iniwan?"
"May dahilan ako Stanley. Ang lola mo.. Ang lola mo--"
"Pati si lola sinsisi mo? Wala na ang lola ko!" Napasigaw na ako.
"H-Hindi ko alam."
"Hindi mo alam dahil iniwan mo ako." Singhal ko sa kanya. Tumayo na ako at tinalikuran sya.
"Stanley.. Anak ko." Humahagulgol na sabi nya, dahilan para mapatigil ako sa paglakad.
.
.
.
.
"Anak? 'Wag mo akong matawag tawag na anak, dahil wala akong ina na pabaya!" Hindi ko alam na napaiyak na pala ako, marahil ay dahil sa galit.
"Anak ko.. Pakinggan mo ang paliwanag ko!" Pagsusumamo nya.
"Haha." Natawa ako ng mapait. "Bakit? Kinakarma ka na ba? (sorry for the word) Lalapit ka dahil mahirap ka na ngayon? Magkano ba ang kailangan mo? Ibibigay ko, lumayo ka lang sa buhay ko." Sabi ko at kinuha ang wallet ko.
"Hindi ako humihingi ng pera sayo Stanley. Ang gusto ko lang ay pakinggan mo ako." Tinignan nya ako ng diretso sa mata.
Binaling ko ang atensyon ko sa wallet at naglabas ng P10,000. Lumapit ako sa kanya at ibinato ang pera sa mukha nya.
"Ayan ang bayad ko sa pag anak mo sa akin. Dadagdagan ko 'yan, wag kang mag-alala." 'Yun lang at umalis na ako.
Pagkasakay ko sa kotse ko ay doon bumuhos ang luha ko. Galit na galit ako sa kanya! Kulang pa ang dinaranas nya ngayon.

BINABASA MO ANG
My Brutal Wife 2
Chick-LitPanibagong pagsubok, paghihirap sa buhay nina Stanley at Alexandra Martin. 01/31/2017 Highest Rank #62 in Chicklet