Alex's POV
Lutang ako na bumalik sa opisina ni Stan, wala pa rin sya doon. Paano ko ba sisimulan ang lahat? Paano ko sasabihin sa kanya na hindi sya magagalit? Na hindi sya masasaktan.
"Babe?" Nagulat ako ng makita ko si Stan na nasa harapan ko na pala. "Tulala ka." Nakangiti nyang sabi.
Napatitig ako sa kanya, sa kabila ng bigat na nararamdaman nya ay nagagawa nya pa ring ngumiti. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kaagad ko syang niyakap ng napaka higpit.
"Woa~ What happen?" Tanong nito sa akin.
"Wala." Tanging sagot ko. Gumanti na rin sya ng yakap sa akin. "Mahal na mahal kita Stanley." Saglit syang natigilan.
"Ang sarap pakinggan. Mahal na mahal din kita Alexandra."
Naluha na lang ako sa sinabi nya.
"May nangyari ba?" Bulong nya sa tenga ko. Umiling lang ako.
Pag uwi sa bahay ay tahimik lang kaming dalawa. Sinusulyapan ko sya habang nagmamaneho sya.
Paano ko ba sasabihin sa kanya ang nalaman ko? Diba dapat sa isang samahan ay walang lihiman?
"Babe." Panimula ko.
"Yes?"
"Mamaya na nga lang sa bahay." Napatakip na lang ako sa mukha ko.
"May problema ba?" Sumulyap sya sa akin sandali.
"Wala. Wala."
Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi pa rin ako nakakapagsalita. Napag isip isip ko na kumuha na lang ng wine at ayain syang uminom.
"Ano bang meron ngayon?" Natatawang sabi ni Stan.
"May gusto lang akong pag usapan natin. Cheers."
Medyo lumakas na ang loob ko.
Tumingin muna ako sa langit. Buti na lang nasa balcony kami, medyo presko ang hangin.
"Nakausap ko si Stella." Napansin kong natigilan sya.
"So?"
Tinitigan ko sya.
"Magkausap sila ni tito carlo." Nanlaki bigla ang mata nya.
"P-Paano--"
"Alam ko na ang lahat, Stan." Nalungkot na ako.
"Sinabi sayo nung babae na yun?" Ramdam na ramdam ko ang galit sa bawat salita nya.
"Aksidente ko lang silang narinig na nag uusap. Stan, kausapin mo si Stella." Hinawakan ko ang kamay nya, pero nagulat ako ng tinabig nya 'yun.
"No Alex, no! You don't know what happened to me when she leave me. Naging miserable ang buhay namin ni daddy." Nagsimula ng tumulo ang luha nya.
"May dahilan sya Stan, pakinggan mo muna sya."
"No. Let's not talk about this anymore. Matutulog na ako." Tumayo na sya at umalis. Sinundan ko sya kaagad.
Nahiga na rin ako sa kama, niyakap ko sya kahit pa na nakatalikod sya sa akin.
"Babe, talk to her, please." Sabi ko.
"Please Alex! I'm fcking tired! I want to sleep." Mariing sabi nito.
Bumitaw na ako. Naiintindihan ko sya, hindi pa siguro ito ang tamang oras para malinawan sya.
BINABASA MO ANG
My Brutal Wife 2
ChickLitPanibagong pagsubok, paghihirap sa buhay nina Stanley at Alexandra Martin. 01/31/2017 Highest Rank #62 in Chicklet