15

25.4K 394 21
                                        

Chapter 15: come back to me baby...

MAVIE'S

Noong gabing yon umalis si Grae. Nadagdagan na ng nadagdagan ang mga dahilan kung bakit ayaw ko muna syang makasama.

"anak why didn't you tell us na boyfriend mo pala si Mr. De Chavez? " dad confronted me.

"di kayo nag tatanong" wala ako sa mood makipag usap ngayon.

"darling leave mavie alone" napairap nalang ako. Samantalang kanina halos ibenta na nila ako sa kay bern.

Napapikit ako dahil sa sakit ng ulo ko.

Pumasok nalang ako sa kwarto ko saka natulog. Dahil siguro sa nararamdaman ko ay dinalaw na agad ako ng antok.

Pag kagising ko kinabukasan ay  agad akong bumaba para mag almusal. Nasanay na ang body clock ko na gumising ng maaga para paghandaan ng almusal si Grae.

"good morning" bati ko

"papasok ka ba sa opisina ngayon?"

"kailangan ko ba?" masama parin ang loob ko sa kanila. Nag iisang anak nila ako tapos ipapamigay nila ako?

"hindi naman napapatakbo ko naman ng maayos."

"hindi na muna ako papasok."

__

Hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang araw na to. Para bang boring na boring ako.

Nagpasya akong mag mall.  Pumasok ako sa isang class na boutique para tumingin ng damit nakakita ako ng isang body hugging dress na kulay tan ang kulay.

Kinuha ko yon at dali-dali akong nag fit. Ang ganda ko, napasmile ako nakalimutan ko na ata mag ayos para sa sarili ko. Nag aayos kasi ako noong mga nakaraang araw para sa ibang tao.

Pag labas ko ng fitting room, pumunta ako sa cashier para bayaran ang damit ko.

Nilabas ko ang credit card ko.

"miss I'll take this." abot ko

"ok mam." pinunch nya yung barcode tas inabot ko na yung card.

"ay maam bayad na po yan"

"ha?"

"bayad na po."

"sinong nag bayad?" nagtatakang tanong ko.

"yung boyfriend nyo po ata yung nakasunod po sa inyo kanina? Kaso pagkatapos nya pong bayaran yung damit nayan umalis na."

"anong itsura natatandaan mo ba?" tanong ko habang ginagala ang tingin ko sa paligid ko. May naiisip ako na pwedeng gumawa nito.

"hmm pogi po." Kinikilig pa na sabi ng babae.

"pogi.."

"tas green po yung mata nya"

"shit. Saan sya lumiko?" nagmamadaling tanong ko.

Isusoli ko tong damit bahala sya kung saan nya gagamitin.

"doon po" patakbo kong tinahak yung daan na posible nyang daanan.

Wala naman. Hanggang sa napagod nalang Ako. Nakakainis pumasok ako sa isang cafe para umorder ng cold drinks.

"ang haba ng pila" naupo muna dahil talagang napapagod ako. Hinihintay ko mabawasan ng konti yung nasa counter.

Pinagmamasdan ko ang mga tao sa paligid ko may nakangiti, walang ekspresyon, humahagalpak sa tawa. Tsaka yung mukhang malaki ang problema.

Submit to me MavieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon