Book 2
MAVIE'S
"hanggang kailan mo sya susundan? Hanggang kailan mo sya titignan mula sa malayo? Hanggang kailan mo titiisin ang makita syang masaya sa piling ng iba habang ikaw hindi ka makabangon sa nakaraan?"
"Elle, kasalanan ko ok?" uminom ako ng tsaa habang nakamasid sa building ni Grae sa di kalayuan.
Masilayan ko lang naman sya ok na ko kahit pa makita ko na may kasama syang iba."wala kang kasalanan Mavie. Dapat nga hindi ka nya iniwan eh dapat inintindi nya!"
"ano ka ba dapat lang sakin yon kahit nga ako tanggap ko kung bakit nya ako iniwan."
"Tanggap mo na pala, why don't you move on? It's been what? 2 years since he broke up with you. Dalawang taon ka naring tatanga tangang nagtatago para makita sya!" nagagalit na giit ng bestfriend ko.
Nagkibit balikat lang ako, nagsasawa na sya sa set up ko pero alam kong mahal nya ko kaya hindi nya magawang magalit sa katangahan ko.
"Mahal ko Elle, mahal na mahal ko"
"Pero sya hindi ka nya na mahal at sa nakikita ko?! Yung klase ng pagmamahal na binibigay mo sa kanya eh yung klase ng pagmamahal na ibinibigay nya kay Czeska."
Muli kong naramdaman na ang pamilyar na sakit kada naalala ko ang nakaraan. Dumaan ako sa proseso ng sakit habang kasama ko sya at noong nawala sya.
Sa totoo lang hindi ko talaga sya masisisi kung nakakita sya ng iba kasi hindi ko naman naibigay yung karapatdapat para sa kanya.
"what the--" napataas ang tingin ko dahil kay Elle.
"Bakit?" Hindi sya sumagot pero nakita kong nakatingin sya sa likod ko kung saan naroroon ang entrance ng cafe.
Liningon ko na rin ang tinitignan nya at halos malaglag ang panga ko ng makita ko ang lalaking kanina ko pa hinihintay na pumasok sa emperyo nya.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Pero dahil ito sa sakit lalo na ng makita ko kung paano naka palupot ang mga bisig nya kay Czeska.
Ang sikip sa pakiramdam ng nasa iisang lugar kami. Napapkit ako dahil sa pagkirot ng puso ko. Para akong masusuka at hindi ako makahinga.
Paano nga naman ako makakapagpatuloy sa buhay ko kung ganito parin ang epekto nya saki.
"Let's go Mavie?" yaya ni elle sakin. Gusto kong umalis pero wala akong lakas.
Napadako ulit ang tingin ko kay Grae na noon ay tila naghahanap ng mauupuan.
Nakatingin na si Czeska sakin. Nakita ko kung paano humigpit ang hawak nya sa nobyo nya. Inaangkin nya ang lalaking mahal ko sa harap ko. Inaangkin nya ito kung paano ko inaangkin si Grae sa harap nya noon.
At ang sakit sakit.
Siguro naramdaman ni Grae ang mga hawak ni Czeska kaya tinignan nya ito. Sinundan nya ang tingin nito hanggang sa makarating ang mga mata nya sakin.
Muli sa loob ng dalawang miserableng taon matapos nya akong iwang nakaluhod sa harap nya. Nagtama ang mga mata namin.
Nagsisisi na ako. Nagsisisi na ako mahal ko bumalik kana...
Sinalubong nya ako ng mga malalamig na titig. Titig na nanunuot sa pagkatao ko. Kaparehong titig noong nanghingi ang ng tawad.
Mga titig na iginawad nya sa akin noong sinabi nya na ayaw nya na at binabawi nya na yung sumpa nya ihaharap nya ako sa altar.Kusang pumatak ang luha ko.
Nagtiim ang bagang nya."Tang na mavs tara na!" kiladkad ako ni Elle. Tinatahak nami. Ang daan kung nasaan si Grae.
Dadaan ako sa harap nya. Mapapalapit ako. Alam kong mali pero masaya ako sa ideya na maamoy ko ang mabango nyang pabango.
Baliw na nga ata ako.
Inilang hakbang lang namin ni Elle hanggang nasa tapat na kami ni Grae.
Akala ko ay makakalagpas na kami ngunit may isang mainit na palad na humablot sa braso ko.
"what are you doing here and why the hell are you crying?" galit na sabi ni Grae.
"w-we.. Just had a co-coffee--"
"Let go of her hand Grae" angil ni Elle.
"Bakit ba kayo nandito? Are you stalking me?" matalim ang titig nya.
"N--no"
"Of course not Grae!" si Elle ang sumasagot sakin.
"I made it clear to you that i don't want to see you again right? So what the hell are you doing infront of me mavie" halos hindi bumubuka ang mga labi nya dahil sa gigil nya sakin.
"Hi-hindi ko naman sinasadya n-na mapunta dito" naiiyak kong sagot.
"Kailan mo ba sinadya? Lagi ka namang walang sinasadya diba? Puro katangahan lang ang meron ka!" tumataas ang boses nya.
Para nanaman akong pinapatay.
"wag ka na mag pakita ulit maliwanag ba Mavie?"
Inaawat ni Czeska si Grae.
"Hindi naman sayo tong cafe na to ah!" angil ni Elle.
"Good news bestfriend. I own this." para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Elle na ang ginawa nalang ay ang irapan si Grae.
"Wag ka nang magpapakita ulit maliwanag ba?" tinitigan ko sya.
"sige..." bumuntong hininga ko.
Tumalikod na ako pero naiwan ko si Elle na ngayon ay mukhang nakaisip na ng kanyang comeback.
"ROT IN HELL GRAE De CHAVEZ" Narinig kong salita ng bestfriend ko.
"I did. I actually did rot in hell because of your friend. I'm actually in hell as you can see. I rule my own hell and she's not invited in my world. Tell her to make her own because i have no plans of making her my queen ever again."
My jaw dropped after hearing that.
___
:)

BINABASA MO ANG
Submit to me Mavie
General Fiction"BDSM, FILIPINO STYLE" NOT YOUR TYPICAL DOMINANT/SUBMISSIVE STORY. WITH MATURE SCENES BUT IN CLEANEST WAY POSSIBLE.