Chapter 22: it's me mavie
MAVIE'S
Yun ang pinaka matagal na 15 mins speech na narinig ko buong buhay ko. Bawat buka ng bibig nya para sakin slowmo. Hindi nagreregister sa utak ko bawat salitang binibitawan nya.
Nagpalakpakan ang mga tao pero nanatili akong tulala sa kanya titig, naghihintay na dumako sya ng tingin sa kinaroroanan ko pero ni minsan hindi nya ibinigay. May malaking katanungan sa isip ko kung ano ang nagyayari pero nanatili akong tahimik at nag hihintay ng eksplinasyon.
Eksplinasyong hindi ko alam kung karapadapat bang ibigay sakin. Bumaba sya sa entablado at muling.nakipag kamay sa mga tao sa paligid nya. Lahat sila ay ginagawaran maski mumunting ngiti bagay na hindi nya rin nya binigay sakin kanina.
Naninikip ang dibdib ko. Naghintay ako ng walong buwan para sa pagkakataon na ito. Sa pag aakalang maayos ang lahat, sa pag aakalang panahon lang ang kailangan namin upang kapwa naming maayos ang sarili namin at upang humilom ang mga sugat saming nakaraan.
Mali bang bigyan sya ng kalayaan, mali bang imbis na malungkot ay natuwa ako na sa loob ng ikang buwan ay nabuhay sya ng wala ako, normal dahil hindi umiikot sakin ang mundo nya. Mali ba na hindi ako naging selfish at pinagsamantalahan ang pag ibig nya para sakin?
Oo, tama isa yan sa napagtanto ko. Natatakot ako na imbis maging ok sya kasama ko lalong lumala kung anong meron sya sakin. Natatakot ako sumobra ako sa dapat dahil alam Ko ang kapasidad nya.
Marahil iba ang paraan ko sa iba. Maraming hindi makakaintindi sa desisyon ko pero para sakin tama ang ginawa ko. Kaso nag uba ang paniniwala ko ngayon.
Nakita kong palabas sya sa main hall. Lakad takbo ko syang sinundan, ang bilis ng mga yabag nya. Hanggang sa hindi ko mapigilan at muling tinawag ko sya.
"Grae!" akala ko hindi sya titigil pero laking luwag sa dibdib ko ng tumigil sya kami lamang dalawa ang nasa lugar na. Ito.
Nakatalikod sya sakin.
"what do you want?" malamig nyang tanong.
Pumunta ako sa harapan nya.
"ka-kamusta kana?" tanong ko.
Kumunot ang noo nya. Tila iniisip nya kung ano ang s isasagot nya.
"bakit?" tanong nya.
"anong bakit?"
"bakit mo tinatanong kung kamusta ako" malamig nyang sabi.
"huh.."
"mukha bang ok ako? Wag kang mag alala wala na kong balak na guluhin ka" gumuho ang mundo.
"grae naman..."
"mavie look, I am who you want me to be. I'm over you"
"wag ka naman magbiro ng ganyan Grae.. Hindi lang naman tayo nakapag usap ng maayos noon eh parehas tayong naguluhan sa sitwasyon."
"hindi ako naguguluhan noong mga panahon na yon. Sigurado ako sa nararamdaman ko"
"kung ganoon.."
"pero mali pala ang nararamdaman ko noon. Marahil sigurado ako pero mali pala"
" anong ibig mong sabihin?"
"Mali ang mahalin ka dahil hindi ka karapadapat mahalin" on cue pumatak amg luha ko.
"paano mo nagagawang sabihin sakin yan? Sa ginagawa mo nasasaktan ako"
"nasasaktan? yang nararamdaman mo? Wala pa yan sa naranasan ko. Anong alam mo sa sakit? Kung nagtataka ka kung paano kong nagagawang sabihin to sayo? Isipin mo yung bato sa puso mo noong nagmakaawa ako sa harap mo na wag mo kong iwan" nanginginig ang boses nya. Galit? Sakit.. Bakas sa mukha nya yan.
Ako? Hindi ko alam kung paano ako Nanatiling nakatayo sa harap nya.
" Grae kinailangan kong iwan ka para matutunan mo na hindi dapat saakin umiikot ang mundo mo. Walang mali sa pagmamahal pero hindi na tama pag sobra"
"hindi yan ang kailangan ko noong mga panahon na yon. Ikaw mavie. Ikaw sana na aalalay sakin para maituwid ko ang mga nakasamayan ko. Sinong taong gugustuhin na hindi mahalin ng taong mahal nya sa paraang kailangan nya?"
"mahal kita!"
"bullshit! Spare me with your lies!" he shouted.
Napapikit ako. Paulit ulit akong pinapatay sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon parang awa nyo na gisingin nyo ko sa bangungot na ito.
"mahal mo ko? Mahal mo ko pero iniwan mo ko! PUT*NG IN* NG klase ng pagmamahal naman yan mavie bakit nakakasakit!" tuluyan ng tumulo ang luha nya.
"minahal kita at alam kong sa pagkakataon na yon, iyon ang tama!"
"iba ang tama sa dapat, sa ginawa mo itong pusong nagmahal sayo ng totoo, ay ang mismong pusong namumuhi sa buo mong pagkatao. Wala kang karapatan magmahal. Dahil hindi para sayo yon. Mali ang mahalin ka." nakatulala lang ako sa kanya. Kahit anong depensa ang gawin ko alam kong talo ako.
" so anong inaasahan mong gagawin ko ngayon grae?"
"layuan mo na ko ng tuluyan" saka tumalikod sya.
"hindi.. Hindi ako titigil" napatigil sya sa paghakbang
"sino ka para sabihing layuan ko kung noon hindi mo ginawa yan sakin. Hindi ngayong tinuruan mo kong mahalin ka. Kung sana alam mo na may kahit na ano oalang makakapg bago sa nararamdaman mo sakin sana hindi mo ipinakita sakin kung gaano kasarap ang mahalin mo. Kaya kung inaasahan mo na titigil ako hindi Grae. Siguro ito na ang karma ko. Hanggat kaya ko. Paulit ulit kong ioaapakita sayo na sa pagkakataong to. Mahal kita. At mahal kita ng totoo. Siguro mali ako sa nagawa ko noon, pero itatama ko yun. "
Tuluyan syang naglakad palayo ako naman ay napa handusay sa semento, sapo sapo ko ang puso ko..
___
Short update. Ok na kesa wala.
Naiyak ako habang nag uud haha.
Lemme know if you guys cried too!
BINABASA MO ANG
Submit to me Mavie
General Fiction"BDSM, FILIPINO STYLE" NOT YOUR TYPICAL DOMINANT/SUBMISSIVE STORY. WITH MATURE SCENES BUT IN CLEANEST WAY POSSIBLE.
