24

17.3K 322 50
                                        

Chapter 24: weird things

Lagi akong nagdadala ng pagkain sa office nya. Pero walang pagbabago kinakain nya ang niluluto ko dahil siguro pinipilit ko. Napapaisip tuloy ako kung ano pang dapat kong gawin alam kong di naman sapat yung ganon kaso wala naman kasi akong alam sa ganito. Napakamot ako sa ulo ko.

"anong problema mo?" nagtatakang tanong ni elle sakin.

"tsk paano ba manligaw?" halos mapaubo sya sa iniinom nya.

" alam kong naging busy ako sa buhay ko at ang tagal nating di nagkita pero hindi ko na man inaasahan na sa loob ng maiksing panahon magiging tomboy ka? Best naman pinagnanasahan mo ba ko kada nag fifit tayo ng clothes together?"

"eh kung ibuhos ko kaya to sayo?" akmang ibubuhos ko sa kanya yung cocktail na iniinom ko.

"gaga! Di naman to mabiro. Iba naman kasi best manligaw ang babae sa lalaki"

"what do you mean"

"us girls are entitled to do weird things" she smiled.

Napangiti ako. Oo nga naman bakit gagayahin ko ang style nila kung pwede naman akong gumawa ng sarili kong the moves.

Uminom ako ng maraming cocktail.
Until i felt that the floor is somehow spinning.

"hey where are you goin'?"

"uuwi na!" kinuha ko yung bag ko at lumabas ng bar.

Lagot ka sakin.

Kinuha ko yung cellphone ko. Tas inactive yung redial ko.

"gusto ko matulog sa bahay ni Grae." tinawagan ko sya.

10 na tries na di pa sumasagot.

"hindi ata uubra." napanguso ako. Di naman ako lasing na lasing eh saktuhan lang.

Nagdrive ako papunta sa isang tulay saka ako pumarada sa tabi wala narin naman masyadong sasakyan dahil gabi na.

Hanggang sa 14th try may sumagot.

Game on.! Hindi ako sumasali sa teatro noong college para sa wala lang.

I'm always the lead role kasi nga pang best actress

"what do you want."

"Graeee" i called his name

"mavie."

"bakit ngayon ka lang sumagooooot" dapat ka talagang palakpakan mavs isa kang alamat!

"are you..."

"yeshhh.. I'm drunk." sige nanaman Grae, show to me that you still care kahit konti.

Narinig ko ang paghinga nya ng malalim.

" i dont wanna go home.. I drive.. And drive and drive until i reached this place"

"where are you"

"bridgeeeee"

"WHERE?"

"bridge... I wonder if i jump here will I..."

"don't move a nerve I'm coming"

Oh yes! Magpugay itaas taas ang mga kamay! Wooah!

Nawala na ang hilo, mas challenging tuloy ang pag arte mamaya.

Tumingin ako sa salamin sa sasakyan ko at saka ko sinigurado na presentable ang itsura ko.

Tinesting ko rin kung paano ko mapapapungay ang mata ko.

Submit to me MavieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon