Chapter 27:
MAVIE'S
Ang aga akong sinundo ni Cale sa bahay para daw samahan syang kumain dahil nagugutom na daw sya.
Mababaw na dahilan pero sumama ako kesa naman nabuburo ako sa kakaisip sa mga bagay na hindi ko naman na dapat isipin.
Though nababawasan na, yung huling pagkikita namin eh nakapag dagdag pa ng mga tanong sa isip ko.
Ano kayang naramdaman nya noong nakita nya ako? Gaya ko rin ba? Na halos hindi ko makontrol ang tibok ng puso ko.
Nagselos ba sya? Scratch that mavie! Syempre hindi, nakakalimutan mo ata na nag makaawa ka sa kanya pero hindi ka nya pinakinggan.
Kinuyom ko ang kamao ko.
"alam mo, hindi naman lalaban sayo yang steak" sabi ni cale.
Nakatuon ang tingin nya sakin.
"ah.. Oo medyo matigas kasi"
"ipapalit ba natin?"
"huh? Hindi na.. O-ok lang"
" kung iniisip mo yung ex mong yun, wag na.. Hayaan mo na sya."
"a-ano kaba cale.."
"sinasabi ko lang na wag mo na isipin si Grae..."
Napatitig ako sakanya.
"oo alam ko"
"anong a-alam mo?" natatakot ako na baka alam nya yung tungkol sa deal.
"na ex mo sya"
"yun lang ba?"
"oo naman may dapat paba?"
"ha.. Wala naman.."
"alam mo mavs.. Akala ko matalino talaga yang si Grae pero nagkamali ako.. Ngayon masasabi ko na hindi pala sya perpekto gaya ng sinasabi ng daddy ko"
May galit sa paraan ng pananalita nya. May diin sa mga ito. Hindi ko alam kung saan o ano yung pinaggalingan pero alan kong malalim ang sugat nito.
"cale.. "
" alam mo kumain na tayo, wag mo nang isipin yon kasi hinding hindi na kita isasauli sa kanya." nakangiting sabi nya.
Natahimik ako at hindi na nagcomplain... Hinyaan ko nalang sya sa mga sinsabi nya.
Marami rin naman akong hindi na alam tungkol sa kanya. At isa pa natatakot akong magtanong dahil baka may malaman akong hindi naman dapat malaman.
__
Natapos kaming kumain at namasyal kami sa seaside.
Napaka gwapo ni cale, kumikinang ang buhok nya dahil sa liwanag ng araw. Hindi mapag kakailang may halo ang lahi nya.
Nakatingin lahat ng babae sa kanya, manghang mangha sa nakikita nila. Pero hindi ako..
May kulang sa kanya.. Kulang sa mga mata ko, isang bagay na hinahanap ko na alam ko kung nakanino..
"ano mavie nainlove kana ba sakin gaya nila?" Natatawang tanong nya.
BINABASA MO ANG
Submit to me Mavie
General Fiction"BDSM, FILIPINO STYLE" NOT YOUR TYPICAL DOMINANT/SUBMISSIVE STORY. WITH MATURE SCENES BUT IN CLEANEST WAY POSSIBLE.