Chapter 33: Yes.
"Don't run too much princess nabibingi ako" nagtatakang napalingon ako kay Grae na nanonood sakin habang ginagawa ko ang routine ko sa threadmill.
"What?" tanong ko habang patuloy sa pagtakbo.
"I said don't run too much"
Pinindot ko ang stop button para matigil yung threadmill.
"As you can you see Grae nag eexercise ako, nagpapapawis"
"Sa sobrang pagod mo ang bilis ng tibok ng puso mo. Sinisigaw nito ang pangalan ko sabi nya Grae! Grae! Grae!" sabi nya habang niluluwagan nya ang necktie nya.
Nalaglag ang panga ko sa kanya.
Nakacorporate attire sya. At sabi nya galing daw sya ng trabaho."Sigurado kabang ikaw ang sinisigaw nito?" balik ko ng biro.
Nakita ko ang biglang pag bago ng ekspresyon nya.I guessed hindi lahat kaya nya i-control. Seloso parin sya.
"Malay mo.. Gusto ko pala yung lalaking yon?" sabay nguso sa isang artistang hunk sa di kalayuan.
"Are- are you serious?"
Ngumisi ako at tinuloy ang pag takbo ko. Tatapusin ko nalang to at itutuloy sa ibang ang araw ang iba sa mga routines ko.
Binalik ko ang buong atensyon ko sa pag takbo, mahirap dahil talaga namang nakakapukaw ng pansin si Grae. Halos lahat babae dito nakatingin sa kanya, ang maganda lang ay ako lang binibigyan nya mg pansin.
Limang minuto bago pa matapos ang sinet kong oras ay may kumalabit sa braso ko mula sa likuran ko.
Halos malaglag ang mata ko ng makitang nasa likod ko na ang sikat na artista na tinutukoy ko kanina. Namumutla sya na para bang hindi natunawan. Hindi sya makatingin ng maayos sakin.
"Bakit?" tanong ko.
"Ahm.. Gusto ko lang sabihin sayo na.. hi-hindi kit-a type" nauutal na sabi nya.
"Excuse me?" napatanong ako ulit.
"Hindi kita type" lumunok sya ng laway at umiiling iling habang inuulit nya ng mas malinaw ang sinasabi nya.
"What made you think na gusto kita?" nagtatakang tanong ko.
"Ah.. Kasi sinabi sakin ng ka-kasama mo" Kinakabahang sagot nya.
Napanganga akong lumingon kay Grae na hindi nakatingin sakin. Nakatikom ang bibig nya maging ang kanyang kamay.
"Ganoon ba.." sabi ko nalang. Nagkusa na sa pag -alis ang binata.
"Seriously, Grae?" napairap na sabi ko pero deep inside natatawa ako. Alam ko na may kinalaman sya sa inasta ng lalaking yon.
Hindi ko namalayan na umalis sya sa kinauupuan nya kanina.
"You like him so i need to make a move" mahinahong sabi nya.
"what did you do?"
"Just necessary things"
Napairap ako pero hindi naman ako naiinis. Somehow kinikilig ako. Minahal ko naman sya noon eh nagawa ko syang tanggapin kahit ano pa sya.
Nabigla lang ako noon, pero sigurado ako na mahal ko sya."I will finish this then aalis na ako"
"Punta muna tayo ng condo ko" sabi nya.
Sorry pero ang dumi ng isip ko. Ang dami kong ina-anticipate na mangyari. I miss those intimate days with him.
"Bakit?"
"I will change my clothes."
"Uh- bakit sa condo?" biglang nagbalik sa ala-ala ko yung huling tagpo namin sa bahay nya. Yung huling nakita ko doon ang palitan namin ng masasakit na salita. Masakit parin, pero hindi na gaya ng dati na nakakamatay. Nakakayanan ko na sya knowing na andito si Grae sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Submit to me Mavie
Narrativa generale"BDSM, FILIPINO STYLE" NOT YOUR TYPICAL DOMINANT/SUBMISSIVE STORY. WITH MATURE SCENES BUT IN CLEANEST WAY POSSIBLE.