Chapter 38: Soon to be Mrs. De Chavez
Nakaluhod ang lalaking pinaka mamahal ko sa harap ko. Nagsusumamong tanggapin ko ang hiling nyang mapasakanya ang kamay ko.
Na-rehearse ko na ito sa isip ko eh, alam ko na kung paano ako magrereact, kung ano yung isasagot ko, maging ang planong pagyakap ko at paghalik sa kanya habang sinasabi ko sa kanyang 'oo Grae magpapakasal ako sayo.
Pero sadya nga palang matutulala at maiistatwa ka kapag andyan na. Tulad ko ngayon, nakatakip lang ang mga kamay ko sa aking bibig dahil sa gulat. Kasi bakit ngayon? Diba nag aaway kami?
Teka lang ha? Pwede ba akong huminga. Ang sakit lang ng tiyan ko. Naramdaman nyo na ba to? Yung sa sobrang kaba mo sumasakit yung tiyan mo? Yung humihilab dahil sa sobrang emosyon mo. Ang sakit!
"Baby" he whispered.
Nakatitig ako sa kanya at sa singsing na hawak nya. Nasa isang color velvet box yung singsing may malaking pusong bato na sa tingin ko ay diamond. Sa paligid naman ay may maliliit na tila brilyantitos na nakapalagid.
I was about to say yes nang biglang kumulo ang tyan ko.
NO! Di ko ata kaya. Uunahin ko muna itong tyan ko kasi sasabog na. Umiiling na tumakbo ako papasok ng C.r
Nilock ko ang pinto dahil nakakahiya kung malaman nya na sumakit ang tyan ko dahil sa proposal nya. Ilang kayang babae ang kagaya ko?
Puno ng alak ang sikmura ko. Halo-halo dahil sa previous na kaganapan.
"Baby open this door! Its ok if you're not ready yet. Just please open this" siguro natauhan na sya sa pag iwan ko.
"W-wait lang"
"Baby please."
"Wait nga lang give me time please?" sabi ko. Paano ko sasabihing natatae ako!
"I swear to God! Sisirain ko ang pintong ito!"
"Stop over reacting! Give me space.. Leave me alone! " kasabay ng pagsigaw ko ang paglabas ng kanina ko pa hinihintay.
__
Lumabas ako pag katapos ng kaganapan sa c.r. Ilang beses kong hinugusan kamay ko.
Naabutan ko si Grae naka topless. Naka-upo sa sofa tas may alak sa kamay.
"Hoy"
"I don't want to talk to you" he said.
"Why?" umupo ako sa lamesa sa harap nya.
"Because i know that you will reject me" nakayuko sya.
Akmang iinom sya ng alak pero hinablot ko iyon.
"Walang nagpo-propose ng lasing"
"I'm not drunk and besides ayaw mo naman" nag iwas sya ng tingin.
"Who told you na ayaw ko?" iniharap ko sakin ang mukha nya.
"You left me there" yung mata nyang nasasaktan.
"I didn't! I just need to go the bathroom! Binigla mo ko sumakit ang tyan ko"
Napa-awang ang bibig nya. At hindi makakibo.
"where's my ring?" i asked.
"Really?!" disbelief is all over his face.
"Really" I smiled.
Hinawakan ko yung face nya kaso hinawi nya yung kamay ko tas nag tatatakbo sya papasok sa kwarto.
Pagka-ilang sandali ay bumalik sya.
"Ask me again my love" tumango sya.
"Please Marry me..."

BINABASA MO ANG
Submit to me Mavie
General Fiction"BDSM, FILIPINO STYLE" NOT YOUR TYPICAL DOMINANT/SUBMISSIVE STORY. WITH MATURE SCENES BUT IN CLEANEST WAY POSSIBLE.