Chapter 30: FROM SCRATCH.
MAVIE'S
WHAT THE HECK! Napasigaw ako sa isip ko matapos kong makita na puno ng bulaklak ang opisina ko.
"Roberta!" sigaw ko. Ayoko sa bulaklak. Hindi ako namamangha kahit pa ang babango nilang lahat, ang pupula, ang gaganda. Hindi talaga ako natutuwa. Akala naman nya madadala nya ko sa bulalak na ganito karami. Akala nya ba iisipin kong sweet to. Akala nya ba.... --Akalo ko ba Mavie hindi ka papadala sa mga karakas ni Grae.
"Maam?!" tanong ng nanginginig kong sekretarya.
"Sinong may sabing gawin nyong flowershop ang opisina ko!"
"S-sorry po maam kasi po sabi ng nagdala ilagay daw po dito saka akala ko po matutuwa kayo kasi ang sweet po.." pangangatwiran ng pakielamera kong sekretarya.
"Anong sweet dito!" maktol ko.
"Ibalik mong lahat yan kay Grae De Chavez!"
"H-ho maam?"
"Isaoli mo sa kanya lahat yan! Sabihin mo hindi ako kini...kilig!" humihina ang boses ko.
"Pero maam?"
"Ano nanaman ba Roberta! Naiinis na ako saiyo ha"
"Kay Mr. Cale Smith po ito galing.."
Parang nalaglag ang puso ko. Hindi ako napahiya pero parang disappointed ako. Parang sinapak ako ng katotohanang hindi ganito ang paraan nya. Na kahit kailan hindi magiging normal ang paraan nya.
Huminga ako ng malalim. After ng seminar hindi nagparamdam sakin si Cale. I thought tumigil na sya kasi obviously ayaw sakin ng daddy nya.
"Mahilig ba kayo sa bulaklak? Paghatihatian nyo nalang to ayaw ko ng masikip na work space. Kailangan pag balik ko malinis na dito. Mag pagdala ka ng thank you card kay Mr. Smith."
Umalis ako at nagtungo sa kotse ko. Nag iisip kung saan ba ako maaring pumunta.
Nakita ko sa back seat ang rubber shoes ko at athletic wear.
Gym.
Nang marating ko ang gym ay agad tumambad sakin ang naglalakihang katawan ng mga regular dito. Mga hubad at tagaktak ang pawis.
Napailing ako. Nagpalit ako ng damit at nag warm up bago ko tinungo ang treadmill.
Sinet ko ito at nagsimula na sa pag papawis. These past few days kulang na kulang ako sa tulog. Feeling ko hina-hunting ako ng lalaking yon sa panaginip ko.
I know what he can do kaya medyo natatakot ako sa pwede nyang gawin pero may parte sakin na umaasa rin na tutuhanin nya ito.
Hindi mo na mababago ang isip ko. I will win you back baby, by hook or by crook. There's no turning back this time.
Hindi mo na mababago ang isip ko. I will win you back baby, by hook or by crook. There's no turning back this time.
Hindi mo na mababago ang isip ko. I will win you back baby, by hook or by crook. There's no turning back this time.
FVCK! Here we go again! Yung boses nya na yan! Hell it's been 2 weeks pero wala parin akong nakikitang ginagawa nya!
Ano to paasa?
Where the hell is winning me back again! Damn it! I think mababaliw na ko.
Binilisan ko ang pagtakbo at pumikit! I need to erase that scene sa utak ko kung ayaw ko pang matuluyan.

BINABASA MO ANG
Submit to me Mavie
General Fiction"BDSM, FILIPINO STYLE" NOT YOUR TYPICAL DOMINANT/SUBMISSIVE STORY. WITH MATURE SCENES BUT IN CLEANEST WAY POSSIBLE.