12

29.8K 339 14
                                    

Chapter 12: Ice and candle. (twisted)

MAVIE

pangalawang araw na namin dito sa palawan at napaka normal ng lahat. Walang pressure, wlang stress, walang submission, wala yung dominanteng side nya. Sya lang yung tipong natural, pangkaraniwan hindi nga maalis sa isip ko ang pag nanais na ganito nalang kami. Natatakot akong umuwi sa bahay nya dahil alam ko pag nangyari yon, babalik na lahat sa dati at tapos na ang magandang panaginip na ito.

"Nakatulog ka ng maayos?" tanong nya. Pagkatapos nong nangyari sa beach napagpasyahan muna naming humiga sa buhanginan at tanawin ang mangilang bituwin sa langit. Tapos ay pumasok kami para kumain at uminom ng kaunti.

"oo naman naparami rin yung nainom ko" sagot ko syempre hindi naman kami magkatabi matulog. Isa yan sa mga issue nya eh.

"sabi na e ang daldal mo" he smiled. Napapadalas ang pag ngiti nya lalo akong nahuhulog da ginagawa nya.

"ang ganda talaga dito no?" sabi ko.

"oo nga kaso.."

"kaso ano?"

" kailangan na nating umuwe first thing in the morning bukas dahil may mga aasikasuhin akong papeles"

"oh.." uuwe na pala kami bukas tiyak na babalik na kaming lahat sa dati. Hindi pa ata ako handa sa mga mangyayari sa pag uwe namin sa mansyon nya.

"are you ok? Kung ayaw mo pa umuwi, ipapacancel ko nalang yung meeting ko"

"no, need. Alam ko rin naman ang mga ganyang bagay, I've been there so I understand"

"we could always go here whenever we are free"

"talaga?" napangiti ako.

"don't smile like that mavs" nag iwas sya ng tingin

"bakit?" nagtatakang tanong ko.

"dahil yang ngiting yan ang dahilan bakit kita minahal ng husto.. Dati"

I froze. Yung ngiti ko na yun ang nakapag paghulog sa kanya dati? Eh dapat pala ngumiti ako ng madalas. At dahil nga doon nagsimula ana kong mapangiti, baka naman may pag asa pa.

"bagay na pinagsisihan ko ng matagal" Grae

Yung saya at pag asa na naramdaman ko kanina, binawi at pinalitan nya ng sakit. Sa isang iglap nasaktan nya ko, pinagsisihan nya. Pinagsisihan nya na minahal nya ko. Gustong-gusto ko umiyak pero pinipigilan ko dahil nga walang love sa napagkasunduan namin.

"sorry, nasaktan kita dati" bulong ko sabay alis.

Lumabas ako sa villa, at naglibot nalang. Tutal aalis narin naman kami bukas e, nag ikot ako at pinasok ilang masukal na lugar na hindi ko pa nararating.

"buti pa ang saging may puso si Grae wala" nakasinagot kong tinapik ang puno ng saging na noo'y namumunga na.

" bata pa naman ako nun eh, malay ko ba na seryoso yung love nya sakin" parang tanga kong kinakausap ang mga naglalakihang puno na nakakasalubong ko.

Napagod naman ako kaya naupo ako sa isang malaking bato. Napatingin ako sa langit. Tanghali na...

"makabalik na nga" binalikan ko ang mga alam kong nadaan ko kanina. Pero patuloy akong bumabalik sa malaking bato na inupuan ko kanina.

"naliligawa ata ako." kinakabahan na sinuong ko ulit ang gubat.

"shit! Naliligaw nga ako" pagod na pagod at pawis na pawis na ko. Anong gagawin ko ngayon? Tanga naman kasi mavie eh! Alam na di mo kabisado to.

Submit to me MavieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon