45

9.4K 190 6
                                        

CHAPTER 45:

(present day /chapter41 continuation)

MAVIE'S

I caressed his face ang himbing ng tulog nya.

Bumalik sakin ang nakaraan. Sariwa at bagong bago parin sakin. Kahit na masakit na hindi nya ako pinakinggan wala akong magawa kung hindi tanggapin yon. Sino ako para hingiin ang pag iintindi nya kung simula sa umpisa sya na ang gumawa non para sa relasyon namin. Samantalang ako sinagad ko ang pasensya nya. Kaya sa pagkakataon na kailangan nya akong pakinggan eh wala akong nataggap mula sa kaniya.

Kaya naiwan akong miserable sa estado na ito dahil alam kong ako ang responsable sa kung ano ako ngayon. Ang dami-daming sana sa isip ko. Kung sana mas naging mature ako, kung sana mas pinaka ingatan ko ang relasyon namin at ang damdamin nya, kung sana naging mas mautak ako sa bawat desisyon ko, kung sana hindi puro awa, kung sana hindi ko isinakripisyo ang buhay ng anak ko.

Muling umagos ang mainit na luha sa pisngi ko. I never been this close to him simula ng iwan nya ko. Sobrang pamilyar sakin ang pakiramdam sa tabi nya.

Idinikit ko ang tenga ko sa dibdib nya. Pinikit ko ang mata ko ang pinakinggan ang tibok ng puso nya.

"Talaga bang hindi na ako ang isinisigaw nito?" bulong ko.

"Sana ako ulit ang maging dahilan sa bawat pagtibok ng puso mo Grae." napahagulgol ako.

"Kasi kung hahayaan mo ko. Iingatan ko na ang puso mo. Hinding hindi nya na mararanasan ang pagsikip dahil sa pananakit ko" Patuloy at walang putol ang pag agos ng luha ko.

"Mahal na mahal na mahal kita, paano ako makakamove on Grae kung kahit na alam kong galit nalang ang nararamdaman mo ay nakukuntento ako. Nakukuntento ako sa kahit na anong nakukuha ko pero hindi mo rin sakin maalis ang umasa na sana bumalik sa dati"

Lumalim ang paghinga nya.

Hinalikan ko ang mata ni Grae, mga mata na alam kong minsang umiyak dahil sakin, ang tungki mg ilong nya na alam kong minsan halos higitin na ang paglabas ng hangin dahil sa sikip ng dibdib nya, hinalikan ko muli ang labi nya na nanatiling tahimik noon para hindi ako masaktan.

Kung kaya lang sanang burahin ng labis na pagsusumamo ko ang lahat. Napasabunot ako sa ulo ko..

Itong lalaki na ito, ay ang lalaki sinira ko sa lahat ng paraan mula sa pagkabata nya hanggang sa muntik nya nang pagiging ama.
Wala naman syang ibang ginawa kung hindi mahalin ako.

Kung ako mismo hindi ko mapatawad ang sarili ko. Umaasa ako pero tanggap na tanggap ko na hindi ako karapatdapat sa pagpapatawad nya.

Loving him from a far gives misery but unloving him means death.

I cannot unlove him, i don't know how and i don't want to.
Kung ang habang buhay ko syang mamahalin ang kabayaran, siguradong tatanda akong dalaga.

Napangiwi ako ng konti.

"so it's real, I'm not dreaming this time. What are you doing here" napatuwid ang upo ko ng marinig ko ang boses nya.

"Ah-I saw you struggling kanina so i helped you out." napatayo ako.

"I was about to go.." sabi ko.

"Thanks. Sana hinayaan mo nalang ako."

"I can't stand na makita kang nahihirapan don" sabi ko.

"That's new, ang alam ko kasi sanay kang pahirapan ako" ang kalmado ng boses nya. Ni walang bakas ng kahit na ano. Ang lamig lamig lang sa pakiramdam.

"Ah-I d-don't know what to say" napayuko nalang ako.

"Umalis kana. I really can't stand being in a same place with you" tinakip nya ang braso nya sa mata nya.

"Anything that makes you happy."

"Happy? Can you bring Avirae back?" that was the last straw. Humagugol na ako sa harap nya.

"I can see how miserable you are Mavie. I'm not happy with it, but I'm not bothered that youre in that kind of pain"

"Kasalanan ko naman lahat."

"Yes. Kasalanan mo" gumaralgal ang boses nya.

Yum

Submit to me MavieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon